Chapter 1: Malapit na

145 7 3
                                    

Trevor's POV

Malapit nang mag-dismiss si Ma'am ng biglang iniluwa ng pintuan si Jamilla.

"Ms. Fulkeston! You're late!" Sigaw ni Ms. Reyes.

"I know," natatawa ako kay Ma'am kasi first day pa lang nagalit na agad ito. Si Jamilla ay kilala dito sa school bilang isang estudyanteng matalino, talented, maganda, sexy, at higit sa lahat matigas ang ulo.

Palaging nale-late, pero halos lahat ng quizzes perfect. Pangalawa nga siya sa pinakamatalino sa buong room. Siya sana ang una, ang kaso nga lang matigas nga ang ulo.

Tumabi na siya sa akin kahit hindi yun ang permanent seat niya.

"Ginawa pa akong bobo ng teacher na yan," bulong niya sa sarili niya kaso narinig ko naman. Tumawa lang ako ng bahagya.

"Oh, anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Ang tagal nating hindi nagkita ah," hindi ko na lang pinansin ang tanong niya. Baka mamaya sumabog pa sa galit ng dahil sa akin.

"So what? Namiss mo na naman ako,"

"Oo nga eh," kaibigan lang ang tingin niya sa akin pero higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya. Malabo na nga yatang maging kami kasi ang daming umaaligid sa kanya.

Muntik ko nang makalimutan, hindi ko nga pa pala nasasabi sa kanya. Torpe? Siguro... Natatakot rin naman ako na mabago ang relasyon namin bilang magkaibigan.

*cringgg*(tunog ng school bell)

"Okay class, dismiss. Goodbye!" Ms. Reyes

"Thank you Ma'am, goodbye!" Pagpapaalam naming lahat maliban kay Jamilla.

"Tara na?" tanong ko kay Jamilla.

"Anong gusto mo, mag-stay dito?"

"Hahaha, pilosopo ka talaga kahit kailan,"

"Naririnig mo na ngang namimilosopo ako at hindi nakikipagbiruan, sasabihin mo pa na pilosopo ako,"cold niyang pagkakasabi.

Tsk! Talo talaga ako sa babaeng ito.

•••••*•••••

Nandito kami ni Althea sa sala habang nanunuod. Iniintay na lang namin si Daddy. Mag-e-eight pm na pero wala pa rin siya. Hindi naman siya nagpapagabi ng uwi. Kadalasang nandito na siya sa bahay ng bandang 6 o kaya naman 7. Hindi lumalagpas doon. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi. Alam ko naman na kagagabihin talaga siya pero hindi maalis sa isipam ko na mag-alala.

Mag-a-alas dyes na ng may bumusina sa labas. Mag-isa na lang ako sa sala dahil kanina ko pa pinatulog si Althea.

Lumabas ang isa sa mga maid namin at noong bumalik na siya ay kasama na niya si Daddy na halatang pagod na pagod.

"Dad! Saan ka nanggaling?"

"Sa school," tipid niyang sagot.

Naguluhan naman ako sa sagot niya. Akala ko ba maaga siyang umuwi kanina.

"Are you sure, Dad?"

Tiningnan niya lang ako at tumungo na siya sa hagdan pero bago pa siya tuluyang pumasok sa kwarto niya ay nagbitiw siya ng dalawang salitang mas lalong nagpagulo sa akin...

"Malapit na..." sabay talikod.

•••••*•••••

Kinabukasan...

"Kuya, wala si Daddy sa room niya," saad ni Althea.

"Talaga?"

"Ma'am, Sir, sabi po pala ni Sir Tristan... Hindi na daw po siya sasabay sa inyong mag-breakfast. Maaga po siyang umalis," pagsingit at paliwanag ni Aling Linda, isa sa mga maid namin. Tumango na lamang ako.

"Nakahanda na rin po ang breakfast niyo,"

"Susunod na kami," pagkasabi ko niyan ay umalis na si Aling Linda.

Nagtataka naman ako ng lumapit si Althea.

"Kuya, may napapansin ka ba kay Daddy?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kagabi pa akong nagtataka ah. Naguguluhan, walang patutunguhan, walang kasagutan.

"Wala naman, bakit?"

"Ahh... Wala kuya. Kain na tayo, baka ma-late pa ako,"

"Okay,"

•••••*•••••

Kinuha ko na ang kotse ko matapos naming kumain. Nagulat naman ako ng makita ko si Jamilla sa labas. Anong ginagawa ng babae na 'to dito?

"Ate!!!" bati ni Althea sa kanya.

"Good morning, Thea. Kamusta ka na?" Nakangiti nitong saad.

"More than okay Ate dahil nakita ulit kita,"

"Talaga lang ha?"

"Oo, Ate,"

"Hey! Kayong dalawa! Magkakamustahan na lang ba kayo diyan o sasakay na kayo? Male-late na tayo oh,"

"Hindi siguro, nagpapaalam na nga ako oh. Ba-bye Thea. Kamusta?" Ang pilosopo talaga. At halata sa boses niya ang tinatamad. Palagi na lang siyang ganyan o talagang sa akin lang? Tss! Masasanay na lang siguro ako.

"Hahaha.. Sakay na tayo Ate,"

•••••*•••••

Hinatid muna namin si Althea sa school niya bago kami dumiretso sa Clinton Academy.

Marami-rami na rin ang pumapasok dahil siguro malapit ng magsimula ang klase. Palibhasa kasi hindi bumaba si Althea hangga't hindi pa nagpapaalam si Jamilla. Male-late na tuloy kami. Close talaga yang dalawang yan. Parang kambal na hindi mapaghiwalay.

Sabay kaming pumasok at pinagtitinginan rin kami...

Tsk! Nakakairita.

Tiningnan ko naman ang kasama ko na nakabusangot.

"Anong problema mo?" Tanong ko.

"..." Nice answer. Nagpatuloy na lang kaming tahimik at ng malapit na kami sa room ay nagsalita siya.

"Usap tayo mamaya, sa may rooftop,"

"Walang problema," tumango na lang siya bilang tugon.

Buong araw akong hindi nakapag-concentrate sa pinag-aaralan namin dahil iniisip ko ang mga sasabihin ni Jamilla. Para akong baklang kinakabahan.

Pagkatapos ng huling subject ay nagmadali ako kasi nag-cutting siya. Ang tigas talaga ng ulo nito.

Dumiretso na lang ako sa rooftop.

•••••*•••••

Setting: Rooftop

"Jamilla!" lumingon naman siya sa akin,

"Tingnan mo, may nagkakagulo sa baba,"

Lumapit naman ako para makita ko at laking gulat ko ng kagatin ng isang lalaki ang teacher na kumakausap sa kanya... Si Mrs. Lopez.

•••••••••••••••••••••••••

Vote and comment please. Gusto ko pong malaman yung reaction niyo.

Sorry sa typo at wrong grammar. Pati na rin po sa late update. Medyo busy eh.

Mahaba po ang next chapter. Next week ko po i-p-publish. Mark my words po!

Please po mag-iwan po kayo ng reaction niyo.

Clinton AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon