Chapter 5:The Night with Zombies I

89 3 3
                                    

Trevor's POV

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa kanya-kanyang higaan. Medyo malaki ang apartment niya at nasa second floor lang ito.

Mahimbing na ang tulog ni Althea at Jacob. Pero kaming apat ay hindi man lang magawang ipikit ang aming mga mata. Alas dyes na ng gabi, anim na oras na ang nakalilipas ng magsimula ang lahat ng ito.

"Sa tingin niyo, anong nangyayari?... I mean, bakit may ganitong nangyayari?" tanong ni Jamilla.

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Naguguluhan, maraming tanong ang nabuo sa aking isipan. Malalim na rin ang gabi at hindi parin ako natutulog. Ganun din ang iba. Sa pag-iisip ko sa kawalan ay hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Althea.

"Kuya, may gusto lang po sana akong tanungin sa'yo," halata sa boses niya ang antok. Marahil ay nagising siya dahil sa ungol ng mga zombie sa labas.

"And what is it?"

"Natandaan mo po ba yung tinanong ko sa'yo kaninang umaga?"

"Alin sa mga yun?"

"Kung may napapansin ka po bang kakaiba kay Daddy?" naitanong na niya kanina ito pero ngayon lang ako nagulat. Hindi ko alam... Marahil iniisip ko na may kinalaman si Daddy sa lahat. Pero papaano naman? Umiling ako... Alam kong wala.

"Wala... Bakit mo naman naitanong?"

"Kuya kasi... Si Dad, noong isang araw may kausap siya sa phone niya. Alam kong bawal makinig sa usapan ng iba pero nabigla kasi ako ng sabihin niya yung human tester. Nagtaka naman po ako tapos nakita ko na may hawak siyang syringe na may kulay dilaw na likido sa loob nito. Sa tingin mo Kuya, anong ibig sabihin nito?" tanong niya sa akin.

"Huwag niyo sanang mamasamain Trevor at Althea pero marahil may kinalaman ito sa mga nangyayari ngayon," saad naman ni Sam. Hindi ko alam na nakikinig na pala sila sa aming dalawa. Sobra na atang okyupado ang utak ko.

"Wala ka bang ibang impormasyon sa Daddy mo?" tanong naman ni Jayson.

"Althea, where are you?" napatingin naman kami sa lumabas ng kwarto ni Jayson. Si Jacob na papungay-pungay. "Opps... Bakit gising po kayong lahat?" hindi man lang iniisip ng batang ito na maaaring hinahanap na ito ng mga magulang niya, depende na lang kung hindi pa sila kagaya ng mga nilalang sa labas.

"Upo ka dito" saad naman ni Althea na halatang namumula ng bahagya. Hmm... May gusto ang kapatid ko dito sa bubwit na ito. Hay! Parehas lang kami, tinatago ang nararamdaman namin. Napabuntong-hininga na lang ako.

"May nalaman din ako tungkol kay Sir Greensmith. Minsan kasi, na-curious ako dahil nagmamadali ito papunta sa likod ng Clinton Academy. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa sobrang liit na kubo. Pero hindi lang ito basta-basta kubo lang. Nalaman ko na may underground laboratory ang nakatago dito. Hindi ko na lang tinangkang sundan siya papunta doon. Hinintay ko na lang na makalabas muli ito. Ilang minuto lang ay nakita kong muli ito na may kasamang lalaki. Mukhang galit ito at alam kung dahil iyon sa tinutukoy ni Althea na likido," hindi na kinakaya ng sistema ko ang mga nalalaman ko mula kay Sam. Hindi man totoo, parang naniniwala ako dahil inaamin ko na minsan ay nakita ko na rin ang likidong tinutukoy nila.

"Isa pa, narinig ko rin ang tungkol sa human tester na sinasabi kanina ni Althea," dagdag nito.

"Ang tanong, para saan ang likidong ito?" bigla na lang kumawala sa akin bibig ang mga katagang iyon.

"Kailangan nating puntahan ang laboratoryong iyon sa lalong madaling panahon," sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Jayson. "Kailngan din nating puntahan ang bahay niyo Trevor dahil maaaring makakuha din tayo ng impormasyon sa kwarto ng Daddy mo," tumango na lang ako. Kailangan naming gawin ito.

"But, we need to go first kina Dad. Baka may nalalaman din siya dito dahil narinig kong kaibigan niya ang Daddy mo Trevor," namula naman ito. Ang masama alam ko kung bakit... Hay! Ang hirap naman pala nito.

-----*-----

To be continue...

-----*------

Sorry po sa late late update... Short upadate din po... Masyadong busy kasi ngayong week... May exam po kami eh..

Comment po guys, please...

Clinton AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon