Ilang oras ng nakahiga si Vince sa kwarto nya. Nakatingin lang sa kesame at malalim ang iniisip. Hindi na nya alam kung ano ang gagawin nya. Sobrang miss na nya si oliver ngunit wala syang magawa. Siguro tama nga si Oliver. Tama na hindi na muna sila magkita. Kahit masakit ay kailangan nyang tangapin ang sitwasyon. Hindi makakatulong kong ipagpilitan pa nya ang gusto nya. Mahal nya ang kanyang nobyo kaya kailangan nyang respituhin kung ano man ang naging desisyon nito.
Riinnggg....
Napukaw ang atensyon ni Vince sa tunog ng kanyang phone. Kinuha nya ito sa ibabaw ng mesa at sinagot.
"Hello." Matamlay ang kanyang Boses.
"Hello Vince? Si Andrew ito. Kinuha ko yung no. mo habang natutulog ka sa bahay. I'm sorry sa nangyari kanina."
"Look Andrew, I'm the one who is sorry. Hindi ako dapat nag react ng ganun." Tugon ni Vince. "Its just that, ang daming nangyayari sa buhay ko ngayon."
"Im sorry. Mukhang naka dagdag pa yata ako sa problema mo." sagot ni Andrew.
"No. This has nothing to do with you. Magulo lang talaga ang utak ko ngayon." Paliwanag ni Vince.
"Is there any way that I can help? Pwede mo bang sabihin kung ano ang problema?" Wika ni Andrew. "Handa akong makinig. After all may pinagsamahan naman tayo, diba?"
"Gusto ko munang mapag isa. I hope you understand." Maikling sagot ni Vince.
"Of course. Just take your time. Andito lang ako maghintay kung kailanganin mo ako." May halong lungkot ang tuno ni Andrew.
"OK sige. Magpapahinga muna ako."
Binaba na ni Vince ang telepono. Sa huli ay Napa buntong hininga nalang si andrew.
"This is all my fault. I'm sorry if you've gone through this Vince. I guess may purpose ang pagpunta ko dito sa pinas aside Kay mommy. I still love you. I'm so stupid na nasaktan kita dati. Ngayong andito na ako. Im going to make things right."
--
Sa kabilang banda naman kung saan si oliver ay pumunta sa bahay ng kanyang bestfriend na si Nicolas.
"Ang bilis ng mga pangyayari bes. Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari samin ni Vince. Isang araw nagmamahalan kami tapos isang araw kailangan naming iwasan ang isat-isa. Napakasakit pala." Pinigilan ni oliver ang sarili na 'wag maiyak. Habang si Nicolas ay nakikinig lang sa kanya habang naka upo sila na magkaharap sa isat-isa.
"Kung anong sinaya namin may kapalit pala itong sakit." Nagbabadya ng pumatak ang mga luha ni oliver.
"Bakit ganun bes? Hindi ba pwedeng masaya nalang ang lahat ng nagmamahalan? I'm ready na bes na aminin kina daddy ang relasyon namin ni Vince. Tangapin man nila kami o Hindi wala na akong pakialam." hinawakan ng kaibigan ang kamay ni oliver.
"Ganun talaga ang pag-ibig bes. Kailangan nyong pagdaan ang mga pagsubok para lalo kayong pagtibayin. Tika ano bang nangyari?"tanong ng kaibigan nya.
"Nalaman kasi namin na magpinsan kaming dalawa." "Huh? Pano nangyari yun?" Pagtatakang tanong ni Nicolas.
"Yung daddy nya at dad ko ay magpinsan." Pagpapaliwanag nya. "Sa party ni daddy lang rin namin nalaman. Ang gulo nga eh. Hindi ko alam kung paano at anong nangyari. Pagkadinig ko nun parang nanghina ang buong katawan ko." tumayo si oliver sa kina uupuan habang si Nicolas ay nalilito narin.
"Hindi namin pweding ipagpatuloy ang relasyon namin dahil Mali. Hindi tama." Nilapitan sya ng kaibigan at niyakap.
"I'm sorry bes. Feeling ko tuloy kasalan ko 'to dahil sinabi ko noon na magladlad kana." Napangiti si oliver.
"Sira! Hindi mo naman talaga malalaman Kong kailan ka matatamaan ng pagmamahal diba?ang sakit ng ganitong feeling bes."
Tinapik ni Nicolas ang mga balikat ng kaibigan.
"Ganon talaga bes. Unang pag-ibig mo pa naman kasi yan. Marami kapang pagdaanan. I think what you need to do is mag-usap kayo ni Vince. Ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon nyo. Im sure nasasaktan rin sya sa nangyari. Once and for all ayusin nyo ang dapat ayusin. Yan ay kung maayos nyo pa." at niyakap nya ulit at kaibigan.---
Lumalalim na ang gabi at hindi parin makatulog si Oliver. Naalala nya ang sinabi ni Nicolas.
"Once and for all mag-usap kayo ni Vince at ayusin nyo ang dapat ayusin. Yan ay kung may maayos pa."
Napagtanto nya na tama ang sinabi ng bestfriend nya. Para matapos narin ang paghihirap nilang dalawa. Bukas na bukas rin ay nagpasya na syang kausapin si Vince. Kung saan man mapupunta ang usapan nila ay pinagpasa diyos nalang niya ito.
Alas syete ng umaga ng magising si Oliver sa katok ng pintuan nya.
"Oliver, anak!" Mommy ni oliver. "Andito si Vince. Andun sya sa labas hinihintay ka." Binuksan ni oliver ang pinto. "Bakit di nyo po pinapasok?" wika nya. "Eh ayaw eh. Dun lang daw sya maghihintay sayo." "Sige po mag bibihis lang ako."
Ilang sandali lang ay lumabas na si Oliver ng bahay at nakita nga nya si Vince, nag-aabang sa kanya. Bakas parin sa mukha ni Vince ang sobrang lungkot.
--
Nasa loob na silang dalawa sa kotse ni Vince.. Parihong tahimik. Parihong naghihintay kung sino ang unang magsalita.
Kung dati ay paran mga bata na naghaharutan ang dalawa sa loob ng kotse ngayon naman ay iba. Magkatabi nga sila ngunit parang ang layo nila sa isat-isa.
Naka tingin lang si Vince sa daan. Tahimik. Paminsan minsan ay sumusulyap sa kanya si Oliver.
Pariho mang Hindi nagsasalita ay alam ni oliver kung saan sila papunta. Hinahanda na nya ang sarili sa pweding mangyari.
When this day ends they will be both strangers again.
BINABASA MO ANG
Masarap, ngunit Bawal
RomanceThis story is for all Filipino readers. This is my first work so please bear with me..