Dumating sila sa lugar kung saan sila unang nagsumpaan. Sa lugar kung saan nagsisilbing saksi ng kanilang pagmamahalan.
Bumaba si Vince sa sasakyan at pumunta sa isang upuan malapit na bangin. Naka tingin sa malawak na tanawin.
Ilang sandali ay bumaba narin si oliver. Napabuntong hininga sya at lumapit kai Vince at tumabi sya habang parehong naka tingin sa malayo.
"Noong Ilang araw lang ay nandito tayo sa lugar na ito. At mukhang ito na yata ang huling pagkakataon na pupunta tayo dito."
"Oo nga eh. Mamimiss ko tong lugar na 'to." Maikling sagot ni oliver.
"Hindi lang ang lugar ang mamimiss ko dito." Lumingon sya kay oliver. "Pati narin ikaw. Tayo." nakatingin lang si Oliver sa kanya. "I miss you so much oliver."
"Believe me Vince. Sobrang miss narin kita. Pero alam natin pareho na Mali." wika ni oliver.
"Bakit kaya napaka sama ng kapalaran sating dalawa? Bakit Hindi nalang tayo maging masaya? Bakit nangyari satin ito?" Maluhaluha na si Vince.
"Hindi ko kakayaning mawala ka oliver."
Niyakap sya ni oliver.
"Ssshhh.. Wag kang magsalita ng ganyan. Siguro may dahilan ang lahat."
"Dahilan? Anong dahilan yan?!" Biglang tumaas ang tuno ng boses ni Vince.
"I'm living a sad and lonely life oliver. Alam mo yan. Don't I deserve to be happy?" Tuluyan ng tumulo ang luha ni Vince.
"Lahat nalang ng pagkakataong pwede akong maging masaya ay Hindi nagtatagal. Ano bang naging kasalanan ko, ha? Hindi Na ba ako pweding maging masaya?"
"Please Vince huminahon ka. Don't make this hard for me. Nasasaktan rin ako sa nangyari satin. Wala na tayong magagawa." pilit na pinapakalma ni oliver si Vince.
"You're a great man Vince. I'm sure may mahahanap kang taong mamahalin ka. Yung taong para talaga sayo."
"Bakit napaka dali mong sabihin yan. Ganun ba kadali sayong itapon lahat ng meron tayo?"
"Hindi ko tinatapon ang lahat ng meron tayo Vince! Andito." tinuro nya ang kanyand dibdib. "Andito lahat! At kailan man Hindi to pwedeng itapon. What we had is something to be kept forever."
Niyakap sya ni Vince at hinalikan sa labi.
"I love you so much oliver."
"Mahal din kita Vince." Hinawakan nya ang mukha ni Vince at pinahiran ang mga luha nito.
"Pero Hindi pa ito ang tamang panahon sating dalawa." nagkatinginan lang silang dalawa.
"Bata pa tayo para magdesisyon sating mga sarili Vince. Kung talagang tinakda tayong dalawa, paglalapitin parin ang mga Mundo natin. Pero sa ngayon kailangan muna nating ayusin ang buhay natin."
Sa huli ay mukhang nakuha narin ni Vince ang punto ni oliver. Napangiti nalang ito. Niyakap nya ulit si Oliver.
"Maraming salamat at nakilala kita kahit sa maiksing pagkakataon." wika ni Vince.
"Nagpasalamat rin ako dahil kahit ganito ang karanasan ko saking unang pag-ibig ay naging masaya naman ako." Hinawakan nya ang mga kamay ni Vince. "Tinuruan mo akong tangapin kung ano ako." Napangiti nalang si Vince. "Nang dahil sayo natuto akong magmahal."
Ilang mga sandali pa ng namalagi sila sa lugar na 'yun. Naka sandal si oliver sa balikat ni Vince habang hawak ang kamay nito.
Naka tingin lang sila sa napakalawak na syodad. Tahimik at nilalasap ang mga natitirang mga Sandaling magkasama sila.
Hindi na nila namalayan ang oras. Magtatakipsilim ng magpasya silang umalis sa lugar na yun .
Pagdating ni Oliver sa bahay nila ay sya sakto para maghapunan silang magpamilya. Tinawag na sya ng kanyang mommy at para saluhan sila.
Si Vince sa kabilang banda ay tanaw na niya ang condo nya. Sa may gate ay nakita nyang nakatayo si Andrew at hinihintay sya. Bumaba muna sya sa kotse nilapitan at niyakap nya ang binata.
--
Hindi natin alam kung kilan mawawala ang mahal natin. Masaya man tayo ngayon pero bukas makalawa iiba ang takbo ng sitwasyon.
Kayat hangang andiyan pa sila ibigay muna ang lahat ng pagmamahal na meron ka. Para kung maghiwalay man kayo wala kang ibang pwedeng baunin kun di ay ang mga alaala ng mabuting pagsasama.
Tulad nila oliver at Vince. Kahit sandali lang silang nagkasama ay naging masaya sila. Masakit man ay dapat nilang tangapin na ang kanilang pagmamahalan ay masarap, ngunit bawal. ☺☺
BINABASA MO ANG
Masarap, ngunit Bawal
RomanceThis story is for all Filipino readers. This is my first work so please bear with me..