chapter 6

5.5K 48 2
                                    

"Hindi masama ang magmahal. Ngunit dapat rin nating isipin na kaakibat ng totoong nagmamahal ay alam natin ang hangan ng ating pagmamahal."

Tahimik lang na nakikinig ang mga nagsisimba sa sermon ni Fr. Jonathan.

"Napakasarap ang umibig mga kapatid. Dapat lang nating alamin kung paano ito pahahalagahan. Kung sa tingin natin ay nakakasama na ito sa atin o sa ibang tao dapat na tayong magsakripisyo. Kagaya ni Jesus, sa laki ng kayang pagmamahal sa san libutan ay ibinuhis nya ang kanyang buhay upang tayo ay mailigtas sa ating mga kasalanan."

Hinawakan ni Vince ang kamay ni Oliver. Napatingin ito sa kaya at ngumiti.

"Dahil ang tunay na nagmamahal ay marunong magsakripisyo at magparaya. Tanging ang Diyos lang ang may alam kung kailan tayo mamalagi dito sa lupa, ngunit hindi ba napakasarap isipn na bago man tayo kunin ng maykapal, at natutunan natin kung paano magmahal sa kapwa natin?"

Pagkatapos magsimba ay namasyal muna ang dalawa. Nanuod ng sine at pagkatapos ay umuwi na. 

Naging masaya ang pagsasama nila Oliver. Paminsan-minsan ay pumupunta si Vince sa bahay nila Oliver. Malapit narin ang loob nya sa daddy ni Oliver. May mga araw na duon na matutulog si Vince sa kanila.

Isang napakasayang relasyun kung maituturing. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi parin masabi ni Oliver kung sino talaga si Vince sa kanyang buhay.

--

"Sya nga pala Vince, birthday kuna sa lingo. Sana makapunta ka. Magdala ka ng kaibigan kung gusto mo." sabi ni daddy ni Oliver habang nasa sala sila at nanunuod ng Tv.

"Sige po tito. Ano po bang gusto nyong regalo?" sagot niya.

"Kahit ano nalang, hejo. Ang importante makarating ka." wika ng daddy ni Oliver.

--

Lunes ng madaling araw habang magkayakap na natutulog sina Vince at Oliver ay tumonog ang phone ni Vince.

"H-hello?" wika nya na mejo naalimpungatan pa.

"Vince! Nasan kana? Andito na ako sa condo!" daddy pala ni Vince ang tumawag.

"D-dad? ahhmn.." napatayo sya sa pagkahiga at umupo sa may sofa gilid ng kama ni Oliver. Buti nalang di nagising si Oliver.

"Andito po ako sa bahay ng kaibigan ko."

"Umuwi kana." pagkatapos ay binaba na ng daddy ni Vince ang phone. Nagbihis na sya at umalis na. Hindi na nya ginising si Oliver dahil mahimbing itong natutulog.

Kinabukasan ay nagtaka si Oliver kung bakit wala na si Vince sa kanyang tabi. Tiningnan nya ang kanyang phone.

"Dumating na si daddy, mahal. Umuwi muna ako. Sorry hindi na kita ginising. Masarap kasi ang pagkatulog mo. Kita nalang tayo sa school mamaya. I love you."

Bumangon na si Oliver at pumunta sa banyo upang makaligo. Pagkatapos ay pumunta na siya sa school.

Pagkadating nya sa school ay tinwagan nya si Vince.

"Hello, mahal? Saan ka?" habang naglalakad sa hallway.

"Andito sa likod mo." sagot ni Vince.

Pagkalingon nya ay nagulat sya ng hinalikan sya bigla ni Vince.

"Baliw ka talaga."

Normal na sa kanila ang ganitong eksina. Halos kilala narin sila ng lahat ng estudyante sa campus dahil sa ginawa ni Vince noon. Kaya ganon nalang sila kung magharutan.

Pagkatapos ng klasi ay lumabas ang dalawa upang makapag lunch. 

"Malapit na pala birthday ni tito, mahal. Wala parin akong maisip na e-regalo sa kanya." wika nya habang kumakain sila.

Masarap, ngunit BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon