chapter 5

6.4K 53 0
                                        

[RATED SPG]

Ng makauwi sa bahay ay tinawagan ni Oliver ang kaibigang si Nicholas.

"Ano ba yang ibabalita mo sakin friend?" tanong ni Nick habang nasa terrace naman ng kwarto si Oliver.

"Naalala mo yong sinabi mo sakin na magladlad na ako?"

"ohhh mmyyy gooosshh." napatili si Nicholas.

"Nagladlad kana friend?"

"Baliw, hindi pa." maikling wika ni Oliver at pumasok sa loob ng kwarto at humiga sa kama.

"So anong point ng pag-uusap na 'to?"

"Kasi nga may party kami, diba? I never thought may makilala ako that time."

"So,tapos?"

"Yun nga, may nakilala ako then araw araw na kaming nagkikita. We became friends and kanina lang naging boyfriend ko na sya."

"Talaga?" biglang natigilan ang kaibigan.

"So ano ng plano mo ngayon? Paano mo sasabihin sa parents mo yan?"

"Hindi ko pa nga alam eh. Bahala na muna siguro. Basta sa ngayon, Im so happy. Feeling ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo." naka tingin lang si Oliver sa kisame ng kanyang kwarto habang sinasabi ang mga salitang yun.

"Hindi ko alam kong anong gagawin ko pag nawala sya. Mahal na mahal ko sya Nick."

"Im so happy for you friend. At least ngayon, tangap mona sa sarili mo kung ano ka talaga."

Naging seryoso na ang usapan ng dalawa.

"Oo nga Nick. I didnt know na dumating ako sa point na matangap ko sa sarili ko ang pagkatao ko. Thanks to Vince. Pinakita nya sakin kong gaano kasarap ang magmahal. "

"Tama yan friend. Ang isipin nalang natin ngayon kong papaano mo yan sasabihin sa parents mo. Sooner or later malalaman rin nila yan. Dapat ikaw na mismo ang unang umamin bago pa nila malaman sa iba."

"Dont worry, pag-iisipan ko kung paano ko sasabihin."

"Maiba tayo, kailan mo balak ipakilala sakin ang Vince na yan, ha? Gwapo ba?" pabirong sabi ng kaibigan.

"Syempre, gwapo! Alangan naman papatol ako sa mga kamukha mo?" tumawa ng malakas si Oliver.

....

Kinabukasan ay maagang nagising si Vince. Pagkatapos nyang makaligo ay nagbihis na sya at pumunta kina Oliver. Pagkadating nya sa bahay nila Oliver ay pinindot nya ang doorbell.

"Manang!" mommy ni Oliver habang inihanda ang breakfast ng pamilya. "tingnan mo nga kung sino yon?"

"Sino po sila?" tanong ng kasambahay nila Oliver habang naka tayo sa harapan ni Vince.

"Magandang araw po. Ako po si Vince ka-" natigilan si Vince. Muntik na nyang masabi na kasintahan nya si Oliver.

"Kaibigan po ni Oliver. Nanjan po ba sya?"

"Sino yan manang?" lumabas ang mommy ni Oliver.

"Kaibigan po daw ni Sir Oliver." pumasok na sa loob ang katulong nila at mommy na ni Oliver ang humaap kay Vince.

"Good morning po tita." bati nya sa mommy ni Oliver.

"Kaklasi kaba ng anak ko?" tiningnan sya ng mabuti ng mommy ni Oliver.

"Schoolmate po kami. At naging kaibigan ko po sya."

"Ganon ba? Sige pumasok ka muna sa loob."

Tumoloy na sila sa loob ng bahay.

Masarap, ngunit BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon