chapter 2

15.4K 109 0
                                    

nagmasid masid lang si Oliver sa paligid tinitingnan nya ang mga taong dumadaan.

"Uminom ka naman Oliver." wika ng isa nyang classmate na babae habang inaabot ang isang basong puno ng beer.

"hindi ako umiinom eh!"

"ano ba naman yan. wala kana sa high school. para ka namang hindi lalaki nyan eh!" pabirong tugon ng isa pa niyang kaklasi. nagtawanan ang lahat ng nasa table nila. sa huli ay ibabot na ni Oliver ang baso.

" huwag kang mag alala wala lang yan. tsaka pinayagan ka naman ng parents mo diba? tama na muna yang pagiging jologs mo. mag enjoy ka paminsan minsan lang to." bulong sa kanya ni Sam na sa mga oras na yun ay tinabihan na siya sa pag upo. Napa ngiti nalang sa kanya si Oliver.

ilang sandali palang ay di na namalayan ni Oliver na naparami na pala ang kanyang nainom.

nag umpisa na syang maging madaldal. halus lahat ng kwento ay puro sya na ang nag sasabi. kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig nya.

nagsimula naring mag init ang kanyang katawan. lumalalim na ang gabi at ang ilang mga studyante ay nagsiuwian na.

di namalayan ni oliver na may nagmamasid pala sa kanya. isang taong naka huli ng atensyun nya. patuloy lang itong nagmamasid sa kanya.

nagsimula ng mamula ang mga pisngi ni oliver na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

may mga panahon ring sumasayaw na si oliver sa dance floor. wala na syang control sa sarili. kung sino sino nalang ang kasayaw nya.

yung ibang kaklasi nya ay nagsiuwian narin. tanging si Sam nalang at yung dalawa pa nyang kaklasi ang natira.

patuloy parin sila sa pag iinuman at sayawan. di na namalayan ni Oliver na kanina pa pala tumatawag ang mommy nya. mag aalas dos na ng madaling araw kaya nag aalala na ang kanyang mommy.

alas tres ng matapos ang party at nagpa alaman na silang magkaklasi. dahil sa sobrang kalasingan ay di na nagawang pansinin ang isat isa. may kanya kanya silang sundo. tanging si Oliver lang ang wala.

papahirapan ang kanyang paglakad patungo sa kanyang kotse. ngunit kinakaya parin ni oliver. malapit na sana sya sa kanyang sasakyan ng bigla syang bumagsak.

buti nalang at may taong naka sunod sa kanya.

"hey! are you okay?" tanong ng isang lalaki habang tinutulongan syang maka tayo.

"im fine." tumingin sya sa lalaki at ilang saglit lang ay tuluyan na syang nawalan ng malay.

binuhat sya ng lalaki. mabuti nalang at matipuno ang pangangatawan nito at nakuha nyang buhatin si Oliver papasuk sa sasakyan nito.

Dinala sya sa condo ng lalaki. kasama pala sya sa mga estudyante kanina. sya yung naka kuha ng atensyun ni Oliver.

buti nalang at sinundan nya ito at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa daan.

habang nasa daan ay wala paring malay si oliver. para itong isang anghel na mahimbing na natutulog. ang kanyang pulang pisngi. ang kanyang kulay rosas na mga labi. mga buhok na umaayon sa hampas ng hangin. isang napaka gandang nilalang.

ilang sandali lang ay naka rating na sila sa condo ng lalaki. hanggang sa basement patungong kwarto ay karga karga nya ang wala paring malay na si Oliver.

pagkapasuk nila ng kwarto ay binaba na sya ng lalaki sa kanyang kama. pagkatapos ay kumuha sya ng maliit na palanggana na may maligamgam na tubig.

inilapag nya ito sa mesa tabi ng kanyang kama. hinubad nya ang sleevess ni oliver pagkatapos ay sinunod nya ang skinny jeans ng binata. tanging boxer short lang nito ang tinira nya.

di nya maiwasang pagmasdan ang hubad na katawan ni oliver.

mula ulo patungong dibdib nito. di rin naka ligtas ang mga balahibo na lumampas sa kanyang boxer short. pati narin ang tinatagong pagkalalaki ni oliver ay di naka ligtas sa napangnasa nyang mata.

bago pa sya mawala sa sarili ay sinimulan na nyang linisin ang katawan ni oliver.

pagkatapos nya itong malinis ay ibinalik nya ang palangana sa kusina at bumalik narin sya agad sa kwarto.

hinubad narin nya ang kanyang damit maliban sa kanyang brief at tumabi na sa kanina pang mahimbing na binata.

alas syete ng umaga ng magising si Oliver. binuksan nya ang kanyang mga mata at laking gulat nya na may kayakap sya at halos maghahalikan na sila sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha.

sa gulat ni Oliver ay napa tayo sya at kuniha ang kumot upang itakip sa hubad nyang katawan.

"Sino ka? nasaan ako? anong ginawa mo sakin?" tarantang tanong ni oliver.

"hey, relax. walang nangyari sayo! youre in my place. youre so drunk last night kaya dinala na kita dito baka mapano kapa sa daan." wika nya habang may bahid na antok pa sa kanyang mga boses.

bumangon na ang lalaki at umupo sa kanyang hinagaan kaharap si oliver. "Im Vince." inaabot nya ang kanyan kamay upang magkakilanlan sila.

"i have to go. anong oras naba?"

tumayo ang lalaki.

"ayan oh relos." sabay turo sa wall clock na nakasabit malapit sa kanyang pintuan. at dumiretso na ito sa banyo.

nagmamadaling nagbihis si Oliver. pagkatapos nyang magbihis ay sya namang pagtawag ng kanyang mommy.

"ANAAAK! nasaan kana ba? bat di mo sinasagot mga tawag ko. ano ng nangyari sayo. pinagaalala mo naman ako." boses ng mommy nya na halos maloka na sa kakaantay sa kanya.

"nandito po ako nakatulog sa bahay ng classmate ko mom. sorry diko nasagot tawag mo naka silent mode kasi yung phone ko."

"sinong classmate yan? umiwi kana at kanina pa ako nag aalala sayo."

sa mga oras na yon ay lumabas na nya banyo si Vince. nakatitig sa kanyang katawan si oliver dahil di parin ito naka bihis. dumaan ito sa kanyang harapan na naka brief lang at tumungo na sa cabinet upang magbihis.

"Opo, uuwi na ako." tapos ay binaba na nya ang kanyang telepono.

"mamaya kana umiwi. samahan mo muna akong mag breakfast. di kasi ako masyado nakakakain sa party." lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang nagulong buhok. "at saka ang bigat mo. napagod ako sa kakakarga sayo mula sa parking lot dun sa venue hanggang dito sa condo ko. kaya ililibre mo ako ngayun." sabay patik sa mukha ni oliver sabay kindat.

di na nakuhang magreklamo ni Oliver. pagkatapos mag bihis ni Vince ay lumabas sila at pumunta sa may restaurant malapit sa kanyang condo.

marami silang napag kwentohan. nagpakilala narin si Oliver at humingi sya ng tawad sa nangyari. nalaman nya na galing pala ng canada ang pamilya ni Vince.

dito na sila maninirahan ulit sa pinas for good. kagaya nya kaisaisang anak rin si Vince at magka edad rin pala sila.

di katulad ni Oliver, puno ng kompyansa sa sarili itong si Vince.

matangkad si Vince, maputi dahil nga matagal silang nanirahan sa canada. matangos ang kanyan ilong at panipis ang mga labi.

mabilis silang nagpagaanan ng loob na para bang matagal na silang magkakilala.

mag aalas dyes ng magpasyang umuwi na ni Oliver. pero bago siya umuwi ay binigay ni Vince ang kanyang calling card at sinabing tawagan sya pagka dating nya ng bahay.

at tuluyan na silang nagpaalaman sa isat isa.

Masarap, ngunit BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon