Pasikat na ang ng magising si Vince. Nakita nyang mahimbing pa ang tulog ni Oliver habang nakayakap ito sa kanya.
Dahan dahan niyang inalis ang kamay nito upang iligpit ang mga natitirang gamit bago sila umalis.
Di nagtagal ay nagising narin si Oliver.
"Magandang umaga." maikling bati ni Vince habang patuloy parin sa pagliligpit.
"Good morning rin sayo. Aga mo namang nagising. Nakatulog kaba?"
bumangon na at umupo muna si Oliver habang pinagmamasdan ang pag sikat ng araw.
"Ang ganda noh?" sabi ni Vince na tumabi na kay Oliver sa pagkaupo.
"Pero wala ng sing ganda mo." sabay kindat kay Oliver.
"Baliw ka talaga." tumayo na si Oliver.
"Anong oras naba?"
"Mag aalas singko na." tugon ni Vince habang nililigpit ang hinigaan ni Oliver.
"Maya maya uuwi na tayo baka hinahanap kana sa inyo."
Ng matapos ng makapagligpit ay tinabihan nya si Oliver na nakasandal sa harapan ng kanyang kotse.
"Napakaganda talaga nya. Salamat at dinala mo ako dito, Vince. Ngayon lang ako nakakita ng sunrise sa personal. Napakaganda nyang pagmasdan."
Panakaw naman na umaakbay si Vince.
"Maganda talaga yan lalo na pag ako ang kasama mo." sabay ngiti habang tumitingin kay Oliver.
"Asos, mananantsing karin lang naman itudo mo na." pabirong tugon nya habang inalis ang kamay ni Vince sa pagkaakbay sa kanya.
Nag-abot ang kanilang mga mata. Di makaalis sa pagkatitig sa isat isa. Dahan dahang naglalapit ang kanilang mga mukha na para bang isang magnet na pilit pagdikitin ang kanilang mga labi.
Malapit na malapit na at tuloyan na silang maghalikan ng biglang ..
"rriiinnnggg...." tunog ng cellphone ni Oliver na nasa loob ng sasakyan nya.
"Sayang muntik na sana." mahinang wika ni Vince.
"Narinig ko yun." habang kinuha ang phone.
"Hello, mom? Oo, papauwi na ako...Opo.. Sige po.." mama pala ni Oliver ang tumawag.
Bumalik si Oliver sa kinaroroonan ni Vince.
"Uwi na tayo. Hinahanap na ako ng mommy ko.
Bakas sa mukha ni Vince ang pagkadismaya sa nangyari. Napangiti nalang si Oliver sa kanya.
Habang nasa daan ay tahimik parin si Vince.
"Bat ang tahimik mo?"binasag ni Oliver ang katahimikan.
"Wala may iniisip lang ako!" matamlay ang sagot ni Vince. Nginitian lang sya ni Oliver.
"Para kang sira jan. Bat kaba ngiti ng ngiti?"nakasimangot na ang kanyang mukha.
"Pa tsansing tsansing kapa kasi ayan tuloy na udlot." malakas na tawa ang sumunod mula kay Oliver.
Tahimik parin si Vince. Ilang saglit lang ay hininto na ni Oliver ang sasakyan sa gilid ng karsada at tumingin kay Vince.
"Alam mo, Vince masayanaman ako na nakilala kita. Gusto kong malaman mo na espesyal ka sakin. Ngunit gaya ng sinabi ko kagabi huwag muna tayong magmadali. Gusto kong makilala ka ng husto. Darating din tayo jan, okay?"
Di parin sya kinikibo ni Vince
"Pag di mo ako papansinin hahalikan talaga kita." pagbabantang wika ni Oliver ngunit deadma parin si Vince na para bang sinusubok nya kong talagang gagawin ni Oliver.
BINABASA MO ANG
Masarap, ngunit Bawal
RomanceThis story is for all Filipino readers. This is my first work so please bear with me..