chapter 7

4.3K 50 3
                                    

Matatapos na ang party ngunit hindi parin nagpapakita si Vince. Hindi alam ni Oliver kung ano na ang nangyari sa kanya.

Nasa harden lang si Oliver nagmukmok at nag iisip kung anong gagawin nya. Nilapitan sya ng kanyang daddy.

"Anak! Anjan kalang pala. Umuwi na ang mga kaibigan mo."

Hindi niya napansin ang daddy nya na umupo sa kanyang harapan. Parang katawan lang ang andun ngunit ang utak ni Oliver ay kung saan saan na nakaabot.

"Grabe, andaming tao. Napagud tuloy ako. Sya nga pala Oliver. Paki sabi kay Vince na salamat sa regalo."

Tumingin lang si Oliver sa daddy nya.

"Hindi ko na kasi sya nakita pagkatapos namin mag usap kanina. Napakaliit talaga ng mundo. Akalain mo yung kaisa isa ko palang minsan ang daddy ng kaibigan mo. Kaya pala napaka gaan ng loob ko sa kanya."

Natigilan si Oliver sa narinig.

"Ano po?"

"Pinsan mo si Vince, anak. Anak sya ng tito Fred mo."

Sa hinding malamang dahilan ay tumakbo palabas ng bahay si Oliver. Sinubukan syang tawagin ng kanyang daddy ngunit mabilis syang naka alis.

"Kaya pala sya umalis. Kaya pala hindi sya nagpaalam. Ano kayang nangyari sa kanya? Saan kaya sya pumunta? Dyos ko po, sana walang masamang nangyari sa kanya."

Nilibot ni Oliver ang lahat ng gimikan ngunit hindi parin nya makita ang nobyo. Nagsimula na siyang kabahan. Kailangan nyang makita si Vince baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Mag-aapat na oras na syang naglibut-libot sa daan, pilit nyang inalala ang mga lugar kung saan sila nagpunta.

"Wait." natigilan si Oliver.

"Bakit hindi ko naisip yun? Im sure andun sya."

Biglang naalala ni Oliver and unang araw na nag date sila ni Vince. Sa lugar na dinala sya ni Vince. Sa bukid kung saan abot tanaw ang lahat ng tanawin sa buong syudad.

Binilisan ni Oliver ang takbo ng sasakyan nya. Ilang sandali lang ay nakarating na sya sa lugar. Tumayo si Vince sa kanyang pagka upo. Napansin kasi nya na may dumarating na sasakyan.

Bumaba agad si Oliver sa sasakyan at nilapitan si Vince.

"Im sorry, Mahal. Katulad mo, wala rin akong alam. I hurried to find you. Sorry i took long to realize na dito lang kita matatagpuan." niyakap niya ang nobyo.

"Im so sorry, Mahal. Natakot ako kanina." bakas sa boses ni Oliver ang matinding pagkatakot.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napako ako saking kinalalagyan. I didnt know what to do. Kaya umalis nalang ako." mangiyak ngiyak na si Vince.

"Im sorry if hindi ako nagpaalam." bumitaw si Oliver sa pagkayakap.

"I understand. Even me; i was shocked." pinahuran ni Oliver ang mga luha ni Vince.

"Let's figure this out together, okay?"

Umupo sila at nakatingin sa mga ilaw sa syudad. Parihong tahimik at malalim ang iniisip. Nakasandal si Oliver sa mga balikat ni Vince. 

Mag Isang oras na sila sa ganong posisyon. Sa huli ay nagpasya silang huwag na munang magkita habang nag iisip kong ano ang maaring gawin.

Kahit mahirap sakanilang kalooban ngunit ito lang ang nakikita nilang maaring solusyong upang maiwasan ang kanilang pagkakasala. Ayaw na nilang dagdagan pa ang kanilang kasalanan. 

---

Ilang araw ang nagdaan at hindi parin sila nagkikibuan. Magkasalubong man sila sa campus ay pilit nilang iniiwasan ang sarili.

"Kailangan nating gawin 'to. Hindi dahil sa mali ang ating relasyon, kung hindi kailangan nating magisip." mga salitang binitiwan ni Oliver bago sila mag hiwalay nung gabing iyon.

Kahit mahirap alam ni Vince na yun ang nararapat. Tinitingnan lang nya sa malayo si Oliver. At hindi nya namamalayan na unti-unting tumutulo na ang kanyang mga luha.

Miss na miss na nya si Oliver. Ngunit ito ang dapat nilang gagawin.

--

Dumaan pa ang mga araw at tulayan ng nilang hindi kinikibo ang isat isa.

Isang hapon habang naglalakad si Oliver sa parking lot ng school nila, nagkasalubong sila ni Vince. Tahimik ang paligid tanging sila lang ang andun.

Di makatingin si Oliver kay Vince. Patuloy lang syang naglalakad.

Magkakasalubong sila dahil parihong nasa kalibilang lugar ang mga sasakyan nila.

Lumampas na ang dalawa.

huminto sila sa di kalayuan na parihong naka talikod sa isat isa.

Parihong gustong lumingon upang tingnan ang isat isa. Dala narin ng  matagal na di pagkibuan ay sabay silang humarap at tumakbo upang ibsan ang matagal na panahong pagkawalay.

Naghahalikan silang pariho. Hindi nila alam ngunit pariho sila ng nararamdaman. Isang mainit na halikan ang binitiwan ng dalawa.

Wala na silang pakialam kung may makakita man sa kanila. Tama man o mali alam nila pariho na kahit yun man lang, mapawi ang uhaw at init ng kanilang pagmamahalan.

"I miss you so much, mahal."bumitiw si Vince sa paghalik kay Oliver.

"I miss you too, mahal. I miss you sooo much." sabi ni Oliver at hinalikan nya ng husto si Vince.

"Aalis na tayo. Sumama kana sakin. Iiwanan natin sila." wika ni Vince.

Natigilan si Oliver sa sinabi ng nobyo.

"Hindi pa ako handa Vince. Mahal ko ang mga magulang ko." tumalikod si Oliver.

"Im sorry, hindi pa sapat ang mahal natin ang isat isa."

Niyakap sya ni Vince mula sa likuran.

"I just want to be with you. Mababaliw na ako sa kakaisip sayo. Ayaw kong maging ganito nalang tayo habang buhay."

Humarap si Oliver.

"Hindi tayo magiging ganito habang buhay. Ngunit ito ang dapat nating gawin sa ngayon. Lalo lang maging complikado ang lahat kung paiiralin natin ang gusto natin."

Hinaplos ni Oliver ang mukha ni Vince.

"Sa tamang panahon, magkakasama ulit tayo. Sa tamang panahon, ipaglalaban natin ang ating pag-ibig."

Tumulo na ang mga luha ni Vince na sya namang pinahiran ni Oliver.

"Everything will be alright. We'll just have to wait."

At tumalikod na si Oliver at tinungo ang sasakyan nya. Naiwang luhaan si Vince. Kahit masakit wala na siyang nagawa. Magiging magulo lang ang lahat kung papairalin nila ang kanilang mga damdamin.

--

Lumipas pa ang ilang lingo at tuluyan na silang hindi nagpansinan.

Masakit isipin na ang kanilang masasayang araw ay mauuwi sa ganito. Gustuhin man nila ngunit hindi dapat.

Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal nila sa isat isa. Hindi parin tama,  dahil sa matang dyos at sa mata ng tao ang kanilang pagmamahalan ay bawal.

Masarap, ngunit BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon