A/N:
Slow updates? nah malapit na 'tong mag weekly wahah
^Jefferson's Pic^
"WHERE here!" ang boses na 'yon ang nagpagising kay Jeff sa pagkakaidlip niya sa kotse na sinasakyan. Kasama niya ang ama sa back seat habang si ave at si Emerson naman ang nasa harap nila at malamang na si Emerson ang nagda-drive dahil mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang huli pagdating sa likod ng manibela habang si Marlon naman ay nasa likod lang nila at nakasakay sa isang big bike.
Doon lang niya napansin na pumasok sila sa isang malaking estate na 'di hamak na mas malaki pa kaysa sa mansion ni Castor na ang akala niya ay wala nang mas ilalaki pa.
Huminto sila sa front porch nang napakalaking mansion pagkatapos nilang lumibot sa isang malaking fountain sa harap ng mansyon.
"Nasaan tayo?" hindi niya maiwasang maitanong kay Ave na sinagot naman ng kanyang ama.
"We are in Dreigton Estate." sabi ng ama at kitang-kita niya ang pagkamangha sa mata ng kanyang ama nang mapagmasdan ang lugar kung saan ito nakatira dati.
"Ding ding correct! Though this place is already under the royal family's power." Kinunutan niya ng noo ang sinabi nito at sa totoo lang he's too lively for a boy, walang bang off switch ang lalaking 'to?
"What do you mean?" nagtatakang tanong ng kanyang ama.
"High Treason, everyone in this family is been... punished after they all agreed to revolt against the royal family too bad for them the Prince already know there move and before they succeeded they were already captured by the Prince's royal guards." Kwento nito.
Nakaramdam siya nang panganib sa sinabi nito, kung ganon sila ang huling miyembro ng pamilyang 'to at ibig sabihin lang 'non ay sila ang susunod na bibigyan ng parusa na kamatayan. Iyon ang nakwentong parusa ng kanyang ama sa kanya noong bata pa siya tungkol sa mga taong kumalaban sa royal family na hindi nagtagumpay.
Sinasabi na nga ba niya at may kakaiba sa mga sinasabi sa kanya ng Ave na 'to.
Napansin agad nito ang pagiiba ng kulay ng mga mata niya kaya agad itong nagsalita.
"Whoa, wait! Bago ka magsupetsa ng kung ano magpapaliwanag ako." Agad naman siyang pinigilan ng ama sa tangka niyang pagatake. "Hinahanap ng Prinsipe ang isang miyembro ng Dreighton na tumiwalag pagkatapos na piliin nito ang sariling mate kaysa ang magpakontrol sa kung ano ang gusto ng pamilya nito. Gusto niyang ditto ibigay ang lahat-lahat ng kapangyarihan na naiwan ng pamilya ng Dreighton lalo na at isa sa pinakamaimpluwensiyang pamilya ang Dreighton at hindi habang buhay na magagawa nilang pangalagaan ang kapangyarihan na 'yon."
"Kung ganon..."
"This estate will be hand over to the its true and rightful heir in hoping that the treason won't happen again."
"Ang Prinsipe ang naging dahilan noon kung bakit nakasama ko ang sarili kong mate at malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi man naging matagal ang pagsasama namin ni Layla naging maganda naman ang bunga 'non dahil iniwan niya saken si Jefferson kaya makakaasa siya sa katapatan ko."
Hindi niya maiwasang magtagis ng bagang nang marinig niya ang pangalan ng walang kwentang ina na iniwan silang dalawa ng kanyang ama na naghihirap kapagkuwan ay may napagtanto siya.
"Kung ganon hinahanap niyo talaga kami?"
"Ding Ding correct again! Though hindi ko lang masyadong nakalkula na ikaw pala ang anak ni Edward pero naging maganda rin ang kinalabasan its like hitting two birds with one stone."
BINABASA MO ANG
A Wicked Promise
RomantikLumaki si Eden na sa isip ay si Jeff ang magiging asawa niya. kaya naman nang magdalaga siya ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang humabol at magpapansin sa binata. Pero wa epek pa rin dahil higit sa mas maganda ang mga babaeng nagugustuhan nit...