Chapter 20: Throne

436 22 1
                                    


A/N: 

Sabi ko last chapter na dapat 'to pero mukhang may isa pa bago matapos hahaha 



TAHIMIK na nakaupo lang si Eden sa tabi ng kama ni Jeffry habang payapa itong natutulog, tuluyan na kasing bumigay ang katawan nito sa pagod kaya wala na silang nagawa kung hindi ang dumiretso na sa palasyo para maihatid ito sa kwartong inuokupahan nito.

Matapos na pagalingin ng mga manggagamot ay dumiretso na siya sa kwarto ng binata. Nagpasyang magusap ng lahat oras na magising si Jeffry, kaya sa ngayon ang ginagawa ng lahat ay siguraduhin sa mga mamamayan ng Winchester na magiging maayos ang lahat sa kabila ng pagta-traydor ng isa sa mga pinagkakatiwalaang adviser ng reyna.

Hindi pa niya alam kung ano ang estado na sa labas ng palasyo pero sana hindi makaapekto sa mga mamamayan ang nasaksihang laban kanina sa arena.

Noon pa man alam na niya na maypagkagahaman si Gideon pagdating sa kapangyarihan pero hindi niya akalan na sukdulang hanggang buto ang kasamaan nito.

Ang totoo sa kasalukuyan bukod kay Jeffry ay nag-aalala siya kina Mavi at Gavin. Lalo pa at alam nan g lahat ang kasamaan na siyang naging resulta ng pagdurusa ng dalawa. Hindi lang naman sila ang naging apektado actually maging si Jeffry na ilang taon din ang tiniis nang mawala ang ina sa piling nito.

San lang ay magawang maayos ang kung ano man ang dapat ayusin sa pagitan ng mga ito. Hindi siya makapaniwala sa loob ng maraming taon ay may kinikimkim na galit si Jeffry para sa ina.

Pero kung napansin nga naman niya iyon noon baka wala rin siyang nagawa. Napabuntong-hininga na lang siya saka marahang hinaplos ang buhok ng binata na payapang natutulog.

Napalingon siya nang marinig na may pumasok sa pinto.

"Mavi are you okay?" tanong niya sa kaibigan na mukhang kakagaling lang sa ligo dahil sa basa pa nitong buhok.

"Yeah, napagaling na ko ng mga manggagamot ng palasyo, kamusta na si Jeff?"

"Okay naman napagod lang talaga siya kanina kaya nawalan ng malay maliban 'don wala na naman siyang iba pang pinsala."

Tumabi ito sa kanya. "Narinig ko na kung hindi dahil sa'yo baka hindi pumunta rito si Jeff."

Napangiti siya nang maalala ang araw na dumating ito. "Oo eventually mukhang napagdiskitahan siya ng mga kaibigan naming sa mundo ng mga mortal kaya sumunod siya sa'kin."

"They sound like good friends."

"Oo hindi mo lang sila nakilala noon dahil sa gulong sumalubong sa'yo pagpunta mo roon."

"Yeah." Pareho silang natahimik.

"Ano na ang gagawin mo ngayon?"

"Nothing, I'll let him have the throne pero mukhang pahirapan pa dahil hanggang ngayon yata hindi pa rin nito mapatawad ang reyna dahil sa pang-iiwan sa kanila."

"Jeffry will eventually forgive her sigurado ako, hindi siya kasing stone hearted na akala ng iba. I'll make sure of it don't worry."

"Do that, pinapasabi nga pala ng reyna na oras na magising si Jeffry ay kailangan niyang pumunta sa great hall para maliwanagan ang lahat."

"Ano nga pala ang reaksyon ng mga tao nang malaman nilang isang half breed ang totoong tagapagmana?"

"Wala pa kong masyadong inpormasyon na nakukuha pero ilang pamilya na ang nagpo-protesta."

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon