Chapter 5: Contradictions

436 21 1
                                    

A/N:

Heyy.. wazzup? hahaha wala lang this is the next chapter hope yah like it <3


"SAAN ba tayo pupunta?" hindi maiwasang maitanong ni Jeff kay Marlon habang mahigpit siyang nakahawak sa safety handrail na nakakabit sa itaas ng pinto ng kotseng sinasakyan niya.

Hindi niya masyadong pinapahalata ang takot dahil ayaw niyang pagdiskitahan siya ng kaibigan. Ngayon lang niya na-realize kung bakit hindi ito nagmamaneho ng kotse at lagging ang big bike ng dala nito masyado itong mabilis magpatakbo ng sasakyan.

"Basta." Anito at saka lalo pang inapakan ang silinyador.

Alam ni Jeff na wala siyang sinasambang diyos pero sa mga ganong pagkakataon hindi niya maiwasang magdasal sa lahat ng santo na kilala niya sa bilis na magmaneho ng kaibigan niya. Sinasabi na nga ba niya at may dahilan kung bakit pakiramdam niya amy hindi tama nang bigla na lang siya nitong ayain sa kung saan habang nakasakay sa Red Ferrari nito na madalang naman nitong gamitin.

Pambihira, mas hinigpitan pa niya ang kapit sa handle ng kotse,pakiramdam niya kapag huminto ang kotse na 'to sa impyerno na ang dating nilang dalawa.

Nang huminto ito ay hindi na siya nagabalang tumingin sa paligid ay mabilis pa sa alas-kwatro na bumaba ng kotse.

"Marlon, sa susunod kung saan man tayo pupunta ako na ang magda-drive." Hindi mahina ang sikmura niya bilang isang half breed pero pakiramdam niya ay babaliktad ito at isususka lahat ng dugong ininom lang niya kanina.

"Masyado kang mareklamo." Asik nito saka bumaba na ng sarili nitong kotse.

Hinid na rin niya nagtangkang magkomento dahil na-realize niya na may after effect pa ata ang pagda-drive nito sa kanya dhail bigla na lang umikot ang paningin niya.

Buti nalang ay mabilis siyang nakabawi at doon lang niya na-realize kung nasaan silang dalawa.

"Anong ginagawa natin ditto?" hindi niya maiwasang maitanong habang tinitignan niya ang front gate ng mansion ng mga Aurora.

"Para namang hindi mo alam kung anong araw samantalang kahapon bumili ka na ng regalo para sa kanya." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito samantalang hindi naman niya rito binanggit ang pagkabilis niya ng regalo para kay Eden.

Nasanay na kasi siyang bumibili ng regalo sa dalaga kahit na ba ilang taon na niyang pilit itong iniiwasan at hindi kinakausap. Kay Marlon kasi niya madalasna ipabigay ang regalo niya pero hindi niya sinasabing sa kanya galling.

Napapalatak na lang siya bago tuluyang bumaba sa kotse, kung bakit naman kasi ngayong araw pa naisipan ng kaibigan niya makialam sa diskarte niya. Hindi na siya nito pinansin at dire-diretso na sa loob dahil naguumpisa na ang party kaya hindi siya nagtataka kung bakti walang nakapansin sa kanilang dalawa na pumasok sa garden ng bahay.

Pagkatapos ay bigla na lang siyang natigilan nang may maamoy siyang napakabagong amoy. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan dahil sigurado siyg makikilala na niya ang magiging kabiyak niya habang buhay. Pero may pangko siyang kailangang tuparin na 'ni hindi pa nga siya sigurado kung magagawa niya dahil sa kadahilanan matagal na niyang itinatago.

Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga pambihira panibagong na namang problema ang haharapin niya. Pagkatapos ay narinig niya ang Emcee na nagsalita.

"Ladies and gentlemen please welcome our debutant Eden Francine Aurora." Isang masigabong palakpakan ang pumuno sa buong garden at doon niya narealize kung saan galing ang nakakabaliw na amoy na kanina pa niya gustong ignorahin.

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon