Chapter 8: Conspiracy

486 26 0
                                    


A/N: 

Hallo Hallo sabi ko na nga ba makakatapos ako ng chapter this week hahaha anyway sa mga nagbabasa thank you po for support please keep on supporting <3 

MINURA ni Jeff ang sarili sa lahat ng lengwahe na alm niya nang makapasok siya sa sarili niyang silid sa palasyo ng Vampire Coven.

Hindi siya makapaniwala sa inasal niya sa harap ni Eden gayong siyana mismo ang nagsabi sa sarili niyang lalayuan na niya ito. Para siyang tanga sa inakto niya kanina. Siya na nga mismo ang nagsabi sa sarili na hindi na niya lalapitan pa si Eden.

Pero mukhang hindi niya inaasahan ang hatak ng mating bond nila. Being a half witch akala niya mahina lang 'yon kung ikokompara kina Avr at Marlon pero mukhagn nagkakamali siya.

Dahil kanina lang nang makit aniya ito matapos ang ilang linggo ay gusto na niyang sugurin ito ng yakap. Kaya naman naginit agad ang ulo niya nang may ibang lalaki ang gumawa ng gusto niyang gawin.

Masaklap pa ay 'ni hindi man lang niya kilala ang lalaki, muntik na nga niya itong ibaon sa hukay nang maamoy niyang isa itong wizard ito marahil ang representative ng witch coven para sa nalalapit na kasal nila Rina at Ave at kung ayaw niyang magkagulo ang dalawang panig dahil sa gagawin niya ay pinili na lang niyang ikulong sa bisig niya ang dalaga.

Assulting his senses with her unique Jasmine scent and her soft which he actually enjoyed. Kung hindi lang siguro ito umalis sa yakap niya at may niyakap na ibang lalaki.

Kung hindi pa nga siya umalis sa lugar na 'yon ay baka hindi siya nakapagpigil at tinuluyan na ang lalaking tinwag nito sa pangalan na 'Mavie'. Gusto niyang magwala sa nasaksihan niyang eksena pero pinaalalahanan niya ang sarili niya na ito ang pinili niya para sa kanilang dalawa ni Eden.

Napabuntong hininga na lang siya habang sinusubukan niyang kalmahin ang sarili. Tama ito ang sarili niyang desisyon, ito ang sa tingin niyang makakabuti para sa kanilang dalawa ni Eden.

Pero parang tanga ang isip niya na paulit-ulit nan ire-replay na ibang lalaki ang kayakap ni Eden at hindi siya. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niyang kapangyarihan at naglabas ng napakalakas na kapangyarihan na sumira sa lahat ng gamit sa kwartong tinutuluyan na lang niya mabuti na lang siguro at sound proof at shock resistant ang lugar kung hinid malamang na naramdaman ang pagwawala niya sa buong kastilyo ng mga Zaria.

Nilubot niya nag paningin sa buong paligid saka marahas na hinilamos ang kamay sa mukha. Saka ipinitikang darili para automatikong muling naayos ang buong kwarto niya at walang kalat na natira.

Umupo siya sa sofa at doon inalisa ang sarili, ganito ba ang pakiramdam ng kanyang ama noong wala ang kanyang ina sa tabi nito. Hindi marahil mas malala pa dahil sa nakompleto ng mga ito ang mating bond.

Nasa ganon siyang pagiisip nang marinig niya ang katok sa pintuan niya. Wala sa sariling pinuntahan at binuksan ang pinto.

Nang mabisitahan niya si Marlon ay marahas niyang sinara ang pinto pero agad nito iyong napigilan at tila wala siyang lakas na hinayaan na lang itong makapasok sa kwarto niya.

Noong huling beses kasi na magkasama sila ay nagpambuno silang dalawa dahil na rin sa init ng ulo niya. Sigurado siyang ang dahilan 'non ay hindi niya kasama si Eden.

"Jeff what the fuck is happening to you?" nakakunot noong tanong nito sa kanya . Nitong mga nakaraang araw ay palagi nitong kasama ang mate nitong si Cristine na ilang taon na nitong hinahanap.

Masaya siya para rito pero ayaw niyang makita ang mga positive benefit ng pagkakaroon ng isang mate o baka siya na rin mismo ang bumali sa desisyon niya at maglumuhod kay Eden na tanggapin siya nito.

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon