Chapter 19: The True Heir

429 25 10
                                    

"JEAN!" sigaw ng kanyag ina at hindi niya maiwasang mapapalatak nang tuluyang tumulo ang mga luha nito.

Maghanap ka ng tamang pagkakataon Jefferson, wag kang padalos-dalos.

Natigilan siya sa sinabi ng ama at kahit alam niya kung gaano nito gusto puntahan ang kanyang ina pero pinipigilan nito ang sarili marahil sinisigurado nitong oras na ito ay kumilos ay hindi masasaktan ang kanyang ina.

Kung bakit hindi niya napansin ang mga bagay na 'to noon dahil sa kagagawan niya. Pero wala na siyang magagawa sa nakaraan ang mahalaga ngayon ay matapos na 'to dahil alam niyang mas malaking gulo ang mangyayari oras na ibigay ng kanyang ama ang tungkod ng kapangyarihan kay Gideon.

Ano pa nga ba naman ang gugustuhin nito para maging kapalit ng kanyang ama? Kung hindi ang tungkod na nasa pangangalaga ng kanyang ina.

Kailangan ko pa bang gawin 'to? Basagin mo na lang 'yang kinalalagyan mo at nang matapos na 'to suwestiyon niya sa ama.

Hindi lang ako ang bihag niya Jefferson, maging ang lahat nang nasa loob ng arena na 'to.

Lihim siyang napapalatak, parang gusto niyang magharumentado. Ano ba namna ksai ang pakialam niya sa mga tao na naroroon kkung tutuusin ay kaya naman niyang ilabas ang mga toang importante sa kanya sa arena na 'yon. Kaya bakit pati ang kapakanan ng mga taong hindi naman niya kaano-ano?

Ang buong lugar na 'to ang dahilan kung bakit kailangang umalis ng ina sa kanilang piling, kaya kung siya ang papipiliin at wala siyang pakialam sa mga tao sa arena na 'to maliban na lang sa mga taong importante sa kanya.

Jefferson stop it!

Napakurap siya nang marinig ang pagtataas ng boses ng ama sa mindlink nilang dalawa hindi pala naisara iyon kaya madali nitong nabasa ang nasa isip niya.

I said nothing but the truth Father, so I can't tell I'm sorry.

Masama na ang tingin nito sa kanya mula sa glass prison nito kung hindi lang niya alam ang kinalalagyan nilang dalawa na sitwasyon baka kanina pa siya umalis sa lugar na 'yon.

These people are the lives that your mother treasures for almost twenty years. They are not just her subjects but the pseudo family that she created in the loneliness that she felt. You've seen it right? How lonely she was without us. You're not the only one suffered Jefferson, Our whole family suffered because of the decisions that we need to make.

Nanahimik siya saka marahas na napabuga ng hangin ano pa nga ba ang laban niya sa ama kapag ganito na ang tono nito? Kahit na pagbalik-baliktarin pa yata niya ang mangyayari sigurado siyang ganito pa rin ang kalalabasan ng lahat.

Kung ito man ang kalalabasan ng lahat wala na rin siyang magagawa sa huli. Pinanood niya ang 'pakikipagnegosyasyon' ni Gideon sa Ina.

Nakita niyang pilit na hinamig ng ina ang sarili, ganito ba ang palagi nitong pinapakita sa iba oras na malapit na itong bumigay sa lahat ng emosyong nararamdaman nito?

Kailangan nitong maging matibay sa lahat ng oras kahit na alam niyang nagdudusa itong mag-isa?

"Anong kailangan mong kapalit." Anito blanko na naman ang mukha.

Hindi nabura ang ngisi ni Gideon. "Ang tungkod ng kapangyarihan kapalit ng iyong kabiyak."

Nakita niyang tumigas ang anyo nito, ang akala niya ay tatangi 'to pero isang tingin pa lang nito sa kanyang ama na tahimik lang na nakamasid sa rito ay alam niyang hindi ito magdadalawang isip na ibigay kay Gideon ang gusto nito.

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon