Chapter 10

16.7K 258 7
                                    

Winter POV

Calling Anna....

*ring ring ring

"Uyy Anna, alam ko na kung nasan si Carol."

"..."

"Anna?"

"..."

"Anna mag salita ka naririnig ko pag hinga mo."

Narinig ko siyang huminga ng malalim tapos...

"Aaaaaaaaaaaaaaaahhh!"

Ayy basag eardrums ko. Kaya linayo ko yung phone ko muna sa tenga ko. Kahit malayo na siya naririnig ko pa rin ang puso niya. Charr!

Mga ilang segundo din siya sumisigaw. Buti na lang talaga wala na akong klase ngayon. Baka mapagalitan pa ako ng teacher ehh.

"Haaaaa"

"Pagod ka na Anna?"

"Nasan ka! May sasabihin ako sayoooo!"

Ayy yung boses niya. Parang kinikilig siya. Omg! May nangyari nanaman ba?

"Punta ka na lang sa bahay. Dun na tayo mag kita."

"Okay. Kinikilig talaga ako!"

*toot toot toot

Dali dali din naman akong pumunta sa kotse namin at mag papahatid na pauwi. Pero pag punta ko dun. May narinig ako.

"Winter!"

Lingon...

Kita...

Blush...

>///////.//////<

"Hala? Bakit ka nanaman namumula?"

Ehh kasi naman yang ngiti mo pedeng pumatay na ehh. Kasi sa mga ngiti mo naalala ko yung dati. Yung ngiti mo na kapag nakikita mo ako, nakakasama mo ako, alalang alala ko pa yun. Haaaay! Tadhana, salamat at hinayaan mo akong makita ko siya kahit na sa dalawang taon ako'y nawala. Salamat.

Habang iniisip ko yan. Napangiti ako, umiyak na din. How can I make you mine again?

"Ala Winter. Bakit ka umiiyak tapos ngumingiti ha?"

Pinunasan niya yung mga luha ko. May worry sa kanyang mga mata. Bakit feeling ko mahal mo pa rin ako? Sana nga utak lang ang nagbago hindi ang puso mo.

"Haha. Miss na kasi kita."

Oo, miss na kita. Sobra.

"Haha. One week lang naman tayong hindi nag kita ha?"

2 years na kaya. Ang tagal na.

Balik na Winter sa present! Mahirap na kapag makita ka niyang nag kakaganyan. Baka maalala niya.

"Hala. Baka nagugustuhan mo na ako ha?"

Paano ko ba hindi makakalimutan. Yan din yung sinabi mo sakin dati nung bestfriend pa lang kita. Jinoke pa nga kita na crush kita noon ehh. Pero bato bato sa langit, matamaan wag magalit, natamaan na ako sayo.

Ma try nga ulit.

"Paano pag sinabi kong crush na kita. Hahaha!"

Inulit ko.

Pero iba yung sinagot niya ngayon..

"Paano pag ako din, crush na kita?"

Whaaaaat?! Na-trigger ko ba siya? Shocks! Ummmmm, what to do?!

"Haha. Dahil crush mo ako, at crush na kita. Close na tayo."

Lumapit siya sakin, inakbayan niya ako.

>///////.///////<

"Tara, kain tayo ice cream."

Nag tataka pa rin talaga ako. Paano? Pede kayang maalala niya pag inulit namin ang mga ginagawa namin noon? Baka?!

"Winter, ano gusto mong flavor?"

"Kahit ano na."

"Okay sige."

Pumunta na siya sa counter para bumili. Haaaaay. Naalala ko talaga yung noon. Sana ganun na lang palagi. Pero kasi naman ehh.

*buzz buzz

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at binuksan ko.

Hala si Anna! Ala sorry Anna. Ehh kasi naman tong si Bryce ehh. Napaka distracting!

Binuksan ko na yung message niya.

Anna: Winter wala naman dito si Carol!

Winter: Ha? Chineck mo na ba lahat ng rooms?

Anna: Hindi. Sa room mo lang naman ako tumingin ehh.

Winter: Tanungin mo na lang si Yaya Maria diyan ha? Busy kasi ako ngaun ^=^

Anna: Busy? Diba wala ka ng klase?

Winter: Oo, basta mamaya na lang.

Anna: Beh, wag ganyan.

Winter: Beh, wag ka mag alala. Hindi pa naman ako mawawala 'no!

Anna: Tse! Buti nga napatawad ka namin ni Carol nung biglaan ka na lang nawala!

Hay nako naman Anna! Naalala ko nanaman tuloy yung pag hihirap noon. Sana kung pede lang sabihin pero...

"Uyyy Winter, Okay ka lang?"

Oo naman. Nandito ka na ehh. Masaya na ulit ako. Ikaw na lang atta ang nag papalakas sakin ehh.

Kaya ngumiti na lang ako para hindi siya mag worry.

"Okay lang ako 'no Bryce."

"Hahaha. Bakit ganun? Feeling ko ang close close na natin?"

Noon talaga. Supeeeeer

"Oo naman. Sobrang close nga ehh."

Sabay lapit ko ng mukha ko sa mukha niya at ngumiti ng sobrang lapad.

Looool. Namula siya! Hihi. Affected din pala siya sakin :D

"Hahaha. Diba? Sobrang close?"

"Ha-ha..."

Kinakabahan na atta siya. Ganitong ganito din siya dati!

Para pang palighten ng mood niya iniba ko yung topic.

"Anong flavor?"

"Vanilla."

"Bakit vanilla?"

"Ito kasi yung ice cream na kinain mo noong first meeting natin diba?"

*dug dug dug

"Ha-ha-ha. Naalala mo pa pala."

"Siyempre, Hindi kita makakalimutan 'no."

Uyyy, nakalimutan mo na kaya ako. Ha-ha. Sinasaktan ko nanaman sarili ko.

"Hahaha. Sige kain na tayo."

"Wait lang."

Sabay labas ng phone niya.

"Bakit anong gagawin mo?"

*click

"Ayy! Bakit mo ako pinicturan."

"Remembrance."

"Remembrance?"

"Oo, Para hindi kita makalimutan."

Ayy. Tagos! Medyo natakot ako sa mga sinasabi niya kaya tinanong ko ulit siya. Nakakapagtaka ka ha?

"Bakit? Ano naman gagawin mo at baka makalimutan mo ako."

"Ginawa ko yun. Just to make sure, that even if I forget again, I will always remember you."

Tapos biglang umulan.

--------------------------------------------------------

Always remember not to forget.
-Ms. A

Unconsciously In Love With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon