Copyright ©2014 - All Rights Reserved
Author's Note: DO NOT ATTEMPT TO PLAGIARIZE.
Please spread this story to your friends on Wattpad! I really want some feedbacks. And of course, votes and followers. Pretty pleaseeeee? :)
Hope y'all like it!
Mr. Innocent Playboy by himejoisu13
"You never really know the value of what you have, until you lose it."
~Lex
|Chapter 1|
4 years ago, I was a playboy. 4 years ago, I had her. The girl that I loved the most. Tama sila. You never really know the value of what you have, until you lose it..
Ako si Lexter Ray Gonzales, isang playboy. Hindi naman talaga ako gwapo pero I dated almost every girl na makilala ko. I even dated my cousin. Lagi akong umiinom at nagyoyosi. That was before I met the most wonderful girl in my life. Dumating siya sa buhay ko in a way that I never expected.
"Hey babe! Ano ba? Hindi talaga ako lasing!"
Panay ang pagdadrive ko habang kausap ko ang girlfriend ko sa phone. Galing pa ako sa isang inuman kasama ang barkada. Ayaw ng girlfriend kong uminom ako. Pero tigas talaga ng ulo eh.
"Eh san ka nga ba galing?! Kanina pang patay ang cellphone mo eh!"
Haaay eto nanaman. Wala nga talaga akong planong magbagong buhay no. Ayokong magbago para sa isang babae lang.
"May pinuntahan kasi akong kasal eh. Inimbita ang family namin kaya nga lang umuwi ako ng maaga. Ano ka ba? Wala ka bang tiwala sakin?!"
"Hoy Lexter! Napakawalangyang sinungaling ka talaga! Tinawagan ko na ang bahay nyo at sabi ng mommy mo na lumabas ka raw kasama ang mga kabarkada mo! Wag mo nga akong gawing tanga, Lex! Kung palagi kang ganyan mabuti pa mag break nalang tayo!"
"Hoy Lira! Wag mo akong pagsa---"
toot toot toot. Binabaan ako ng telepono. Tinawagan ko pero hindi ko na ma contact.
"Puch@!!! Bwisit na buhay to!!"
Tapos nagpaharurut ako ng takbo. Wala na akong paki kung may mabangga ba ako at mamatay pa siya! Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ako makaasta kung gayung playboy naman ako. Si Lira lang ang nagtagal sa akin na babae. Mga 1 week to be exact. Oo, ganyan ako ka playboy. Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan. Hindi ko na namalayan may tumawid pala na babae na nakaputi sa kalsada. Tinapakan ko ang preno pero huli na ang lahat, nabunggo ko siya. Sa lakas ng impact ng pagkabunggo ay natapon ang babae.
"Sh!t! Multo ba yun?"
Nanindig ang mga balahibo ko. Wala na akong panahon para matakot pa sa multo. Multo man o anong nilalang to na galing sa outer space, pananagutan ko. Dali-dali akong bumaba sa aking sasakyan para isugod sa ospital ang babae. Oo, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Wala naman siyang kasalanan para hindi ko siya tulungan. Nagulat ako nang makita ko siya. Naka wedding gown siya! At punong-puno ng dugo ang kanyang gown!
"Miss! Okay ka lang? Te-teka dadalhin kita sa ospital!"
May mga dugong lumabas sa kanyang bibig. Binuhat ko siya papasok sa aking sasakyan. Ano ba tong pinasok ko. Lord, patawarin niyo po ako sa lahat ng kasalanan ko. Pakisabi po kay mommy na mahal na mahal ko siya. At kung san man ang daddy ko ngayon, sabihin niyo pong miss ko na po siya. Hindi ko kasi nakita ang daddy ko nung nilabas ako ng mommy ko sa mundong ito. Sabi niya nasa ibang bansa daw ang daddy pero nung lumaki na ako, sabi niya iniwan na kami ng daddy ko, matagal na. Teka, ano ba tong pinagsasabi ko? Hindi naman ako ang nasagasaan ah! May tama na siguro ako. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan pero nakatingin parin ng maigi sa kalsada para wala na naman akong masagasaan. Baka ang susunod, isang groom na naman. Joke lang. Ano ba tong iniisip ko. Nakarating na kami sa ospital at dali-dali ko siyang sinugod sa loob. "Nurse! Nurse! Tulungan niyo po siya please!" Dali-dali namang pinasok ng mga nurse ang babae sa ICU. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Puno na pala ng dugo ang aking suot na polo. Dagdagan pa ang pasyente kong nakasuot pa ng wedding gown! Akala ko sa mga teleserye lang ito nangyayari. Karma na siguro talaga to. Naghintay ako ng isang oras, dalawang oras, tatlong oras, pero wala paring lumalabas na doctor sa ICU. Naku anong oras na ba? Naka off na ang cellphone ko, lowbat na kasi. At wala pa akong dalang relo. Ang swerte ko naman! Siguro hinahanap na ako ni mommy ngayon. Isip-isip. Aha! Makikihiram nalang ako ng telepono sa nurses' station! Tama! Ang talino ko talaga! Hinanap ko ang nurses' station at nakigamit ng telepono. Dinial ko ang number ng aming bahay.
"Hello? Gonzales Residence. This is Emma G. speaking. May I know you?"
Tss. Eto talaga si mommy. Ang OA kung makasagot ng telepono.
"Ma! Si Lex to. Wala kayo sa call center noh! Hehe. By the way ma, nandito ako ngayon sa Ramiro Community Hospital. May na--"
"May nabuntis kang babae?! Lex!! Ano na naman bang kalokohan yang ginawa mo ha? Kanina ka pa namin hinahanap hindi ka man lang nagtext!"
Ano daw? May nabuntis ako?! Ma, good boy ako. GOOD BOY. Balewala nalang ang bansag nila saking playboy. Hehe
"Ma, ano ka ba! Good boy po ako noh. May nabunggo po kasi akong babae. Tsaka, lowbat ako kaya hindi ako nakapagtext."
"Ahh. Mabuti naman. Umuwi ka na dito. Pinagluto na kita. Tsaka, ano bang ginagawa mo dyan ha?"
"Hindi ka na naman nakikinig ma. May nabunggo kasi akong babae tapos sinugod ko na dito."
"Ahh. Akala ko na pano ka na. Umu---ha?! May nabunggo kang babae?! Saan? Kailan? Pano?"
Hay naku. Hinayupak na naman ang aking pinakamamahal na nanay.
"Ma! Hindi niyo po ako kailangang sigawan. Hindi ako bingi! Tsaka para na po kayong reporter nyan eh. Kukwento ko nalang pag-uwi ko dyan. Nakikigamit lang kasi ako ng telepono sa ospital. Uwi nalang po ako pag okay na ang lahat."
"O sige, anak. Mag-ingat ka."
"Opo, ma."
Uupo na sana ako nung lumabas na ang doctor galing sa ICU.
"Doc, okay lang po ba siya?"
"Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?"
Wow. Ang gandang sagot. Pwede ka na pang miss universe doc.
"Opo."
"Kaano-ano mo ba siya? Anong nangyari? Bakit nakasuot pa siya ng wedding gown? Ikaw ba ang groom niya?"
"Uh hindi. Sa katunayan, nabunggo ko po siya. Hindi ko siya kilala."
"Ganun ba? Based on our observations, nawalan siya ng maraming dugo. Natamaan din ang kanyang ulo kaya pwede itong mag-lead sa isang partial amnesia. Pero temporary lang naman. At wala kaming contact sa mga magulang niya o kaya'y sa family niya kasi wala siyang dalang makakapagkilala natin sa identity niya kaya hindi namin siya pwedeng i-transfer sa isang room."
Patay. Pano na to. Hindi naman pwedeng pabayaan ko ang babae noh. Ako kaya ang nakabunggo sa kanya. Baka sa empyerno pa bagsak ko nito pag di ko siya tinulungan. XD
"Uh doc, ako nalang po magbabayad lahat ng gastusin niya sa ospital tutal ako naman ang nakabunggo sa kanya. Ako nalang rin po magbabantay sa kanya hanggang sa gumising siya."
"Good. Please sign the papers for her admission."
Nag-sign ako tapos pumasok ulit ang doctor sa loob ng ICU. Nung lumabas na siya, nilabas na rin ang babae at pinasok sa kanyang room. Isa itong private room. Binuhat siya ng dahan-dahan ng mga nurse sa kanyang kama. Pinagmasdan ko siya at napansin kong hindi na siya nakasuot ng kanyang wedding gown kundi naka-hospital gown na siya. Siguro pinalitan siya nung nasa ICU siya. Pero teka, ano bang trip ng mga tao ngayon? Gown lang ba alam nilang damit? O baka 'gown day' ang araw na to? Wala namang nadagdag na national holiday ah! Tinitigan ko ang kanyang mukha. Kapansin-pansin na namamaga ang kanyang mga mata. Siguro umiiyak siya nung mga panahong tumatawid siya sa kalsada at hindi niya namalayang may sasakyang paparating. Nasira ang kanyang make-up pero maganda parin siya tingnan. Matangos ang kanyang ilong, maputi at makinis ang kanyang balat, at napaka perfect ng shape ng lips niya. I'm guessing isa siyang runaway bride. Kawawa naman ang groom niya. Siguro napilitan lang siya magpakasal kasi kung titingnan mo siyang mabuti, ang bata pa niya para ikasal. Mga 18 or 19 more or less. Pero, bakit parang pamilyar ang mukha niya? May pakiramdam akong na meet ko na siya. Hindi ko nga lang maalala. Siguro nagka amnesia narin ako? Haaay ano ba to. Habang nag-iisip ako ng mga dahilan kung bakit nagkaganyan siya at kung bakit pamilyar siya sakin, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Innocent Playboy [REVISING]
Romance4 years ago, I was a playboy. 4 years ago, I had her. The girl that I loved the most. Tama sila. You never really know the value of what you have, until you lose it..