7. His What?

28 2 0
                                    

Nakita kong shocked ang mukha niya.

10% Bufferring.. :O

20% Bufferring.. >_<

30% Bufferring.. :/

50% Buffer--

"Seryoso ka ba?" tanong niya sakin. Haay akala ko aabutin pa ako ng 2015 kakahintay kung kailan siya magloload.

"Mukha ba akong nagjojoke?" sagot ko sa kanya. Kainis naman kasi eh. Kita na ngang umiiyak na ako nagawa pang tanungin kung seryoso ba ako. Wth!

"Bakit?" tanong naman niya. Nag-explain ako sa kanya tungkol sa pagbagsak ng business namin kapag hindi ko pinakasalan si Kevin. Mukhang siya nga ang mas apektado kesa sakin eh. Palagi siyang nagmumura. Oy chill teh! Hindi ikaw ang ikakasal. Ako! Natawa nalang ako kakanood sa kanya.

"Oh ba't ka tumatawa? Kanina iniiyakan mo tapos ngayon tatawanan mo lang?" kunot-noo niyang sabi sakin habang nagpipigil ng galit.

"Eh kasi naman. Daig mo pa ang ikakasal eh. Ikaw nalang kaya ang nasa posisyon ko? Grabe ka kasing maka react. Ang OA teh!"

I heard him sigh tapos humarap sakin.

"Do you not really want to be married to him, Geline?"

"NO. I can't stand him, Lex. I don't know even know why."

"Then be my fiancee."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero nakita kong seryoso siya.

"Se-seryoso ka?" wala sa sarili kong tanong. Ok. Tanga na kung tanga.

"If it's the only way," diretso niyang sabi.

"Look. I may have known you for such a short time. But there's this something in you that even I can't explain. I want to comfort you. I want to protect you. And I've never been like this to anyone, Geline. I am a playboy and you know that."

I can see sincerity in his eyes. Could it be..

"I'll do it. I trust you, Lex," sabi ko. If it's the only way then I will be willingly doing it. I don't care what the consequences there may be. Desperate much.

"Are you sure?" tanong niya.

I nodded in response.

Kinabukasan, I woke up nasa bahay nila Lexter. Eh sa hindi ko feel umuwi kagabi. Syempre nasa guest room ako noh. Di porke't fiancee ako ni Lex eh matutulog na kami sa iisang kama. Tiningnan ko ang phone ko na bigay sakin ni mommy nung nasa ospital pa ako. 53 missed calls galing kay mommy lahat. I turned off my phone at tiningnan ang kabuuan ng bahay. Medyo malaki rin ang bahay nila Lex. Yung simple pero elegante tingnan. May dalawang kwarto sa itaas para sa mommy niya yung isa at para din kay Lex. May dalawang guest rooms with king-sized beds. At sa baba naman ang kwarto ng mga katulong nila. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita kong naghahanda ng pagkain ang mommy ni Lex habang si Lex ay inaalalayan ang mommy niya. Ang mommy ni Lex mismo ang nagluluto ng makakain nila kaya wala silang tagaluto. Ayaw ding kumuha ng tagaluto yung mommy ni Lex kasi nga daw, Moms know best lalo na sa kusina. Ang sweet talaga ng mommy niya. Kahit na busy siya nagagawa niya pa ring asikasuhin si Lexter.

"Oh iha, gising ka na pala," sabi ng mommy ni Lex. Ningitian ko sila.

"Good morning po, Tita."

"Hindi mo ba babatiin ang fiancee mo ng good morning kiss?" mapanuksong tanong ng mommy niya. Parang nag blush ako? Hala ito na ba ang epekto ng crying under the rain? @.@

Alam na ng mommy niya yung tungkol samin ni Lex. Yung engagement thingy. Yun nga lang, sa engagement party nalang daw ang singsing ko kasi napaka impromptu nung nangyari kagabi eh. Naikwento rin ni Lex yung tungkol sa sitwasyon ko. Naging masaya rin ang mommy niya nung malamang kusang nag-alok ng kamay si Lex sa isang babae kasi nga playboy siya at hindi pa kailanman nagseryoso. Eh wala pa nga raw naipakilala na babae si Lex sa kanya kaya nung nalaman niyang niyaya ako ni Lex sa isang engagement ay tuwang-tuwa siya at sabing mommy na rin daw itawag sa kanya. Eh sa nahihiya ako kaya tita nalang. Hehe

"Ma! Ano ka ba. Ang aga-aga kalandian na ang pumapasok sa utak mo!" sabi ni Lex.

Tumawa ang mommy niya pagkasabi ni Lex nun.

"Suus. At kailan ka pa natutong mahiya Lexter?" mapanukso na namang tanong ng mommy niya. Kinikiliti na ni Lexter ang kanyang mommy. Ang mommy niya naman todo iwas at pigil ng tawa. Nakaupo ako ngayon sa mesa habang tumatawa. Ang kyuut nila tingnan.

"So kailan niyo balak ituloy ang engagement party niyo ha?" tanong ng mommy niya nung matapos nilang magtakbuhan sa kusina na para bang magkakapatid lang na naglalaro. Napaisip ako. Oo nga noh. Hindi pwedeng patagalin pa kasi ikakasal na ako two days after kay Kevin.

"Bukas na po, ma. Kinontact ko na po ang events coordinator natin," sagot ni Lex.

Nagulat ang mommy niya.

"Bukas? Ba't parang minamadali mo, anak? Eh hindi pa nga kayo nakabili ng mga susuotin niyo. Di ba pwedeng next week nalang anak? Mahal mo na si Geline kaya ganyan ka ka-excited?" pagbibiro ng mommy niya.

"Tita, ang kasal ko po kasi kay Kevin ay two days after na po kaya po minamadali namin ni Lex."

"Hala ganun ba, iha. Akala ko tinamaan na tong anak ko sa pana ni Cupid. O talagang totoo na?" sabay ngiti ng mommy niya.

Tumawa nalang ako. Joke lang naman yun di ba? I mean, malabo namang magkagusto sakin si Lex. Aaahh! Ano ba tong mga pinag-iisip ko. -_-

"Ma naman eh! Kumain na nga lang tayo," sabi ni Lex.

"Yaan mo na yan, iha. Sabagay engaged na rin eh."

Sobrang kulit talaga ng mommy ni Lex. Nakakatuwa lang. Pero napansin ko lang.. medyo napapadalas na ang pamumula ni Lex ngayon ah?

Mr. Innocent Playboy [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon