3. Meet Mom and..DAD?

49 2 0
                                    

|Lexter's POV|

Nagtungo na ako sa nurses' station. Oh sh!t! Hindi ko na nga pala natawagan si mommy! Tatawagan ko na muna siya.

"Uh miss! Pwedeng makigamit ng telepono?"

"Sige po, sir."

Tinawagan ko si mommy at sinabi sa kanya na si Geline pala ang nasagasaan ko. Syempre na shock din siya dahil isa sa mga pinakamayamang pamilya ang mga Ferriz sa Pilipinas. Sinabi niyang dadalaw daw siya kay Geline at magdadala narin siya ng mga gamit ko. Binaba ko na ang telepono at sinabi sa mga nurse ang pag recover ng memory ni Geline. Pati narin ang identity niya. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ni Geline at naabutan ko siyang nagsisigaw.

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!"

"Geline! Geline! Gising!"

Inabutan pa ako ng sampung segundo sa paggising kay Geline. Palagi siyang nagsisigaw hanggang sa nagising siya. Pinagpapawisan pa siya.

"Geline. Ok ka lang? Nagsisigaw ka kasi habang natutulog. Ano bang napanaginipan mo?"

"Eh kasi.. Pinipilit ako ng daddy kong magpakasal pero hindi ko pa matandaan kung bakit talagang ayaw ko sa magiging groom ko."

"Eto. Uminom ka na muna ng tubig," sabay abot ko ng baso.

"Salamat."

Kumuha ako ng towel at pinahid sa kanyang mukha para mawala ang pawis niya. Napakalapit ng mga mukha namin. Nagkasalubong ang aming

mga mata. Dun ko na realize na every detail of her seems perfect. She has long, curved up eyelashes. Her eyes are hazel brown. The shape of her eyebrows are perfect. I could just stare at her all day and never regret every second of it. She's like an angel. Ganun lang ang posisyon namin hanggang sa nakita kong hindi siya mapakali. I decided to break the ice.

"Uhh.. siyanga pala Geline. Tinawagan na ng mga nurse ang iyong mga magulang at sinabing dito ka naka confine."

May biglang kumatok sa pinto. Knock knock.

Who's there?

Eh. Joke lang. Hehe

"Pasok."

May pumasok na dalawang babae at isang lalake.

"Geline? How are you baby? I'm so sorry for pushing you." sabi ng babae sabay hug kay Geline.

Namumukhaan ko siya. Siya ang mommy ni Geline. Ang bilis ha? Wala pa ngang limamg minuto yung pagtawag ng mga nurse tapos nagtungo na agad sila dito. Naks naman! Only child kasi eh. Ngayon ko pa lang nakita sa personal ang mommy ni Geline, pero I should say she looks younger than I thought. Maputi, matangos ang ilong, at magkahawig sila ni Geline. Sa mommy pala niya nakuha ang kanyang magandang mukha. Teka, sinabi ko bang maganda? Tsss. Delete. Pero maganda naman talaga si Geline. Yung tipong maraming maghahabol sa kanyang lalake. Ugh. Ano ba tong pinagsasabi ko. Broken hearted nga ako eh. -_-

Pero nakikita kong hindi sumasagot si Geline. Hindi din niya hinug ang mommy niya. Nakalimutan kaya? Naku. Patay tayo niyan.

"Baby? Please say something."

Hindi pa rin kumikibo si Geline. Na pipi ba to dahil sa aksidente? Lumapit ang lalake kay Geline. Daddy ba niya? Parang ang bata eh. Kapatid? Mukhang hindi ko nga maalalang may kapatid siya eh. Gago. Ang dami kong tanong ah!

"Jaice, ok ka lang?" sabay tabi ng lalake kay Geline.

Wala pa rin. Makapagsalita nga.

"Uhm. Excuse me, Mrs. Ferriz. Ako po si Lexter Gonzales. Anak ni Emma Gonzales. Yung business partner niyo. Ako po ang nakabunggo sa anak niyo. I was being careless. At humihingi po ako ng tawad sa nagawa ko. Actually, she's suffering temporary amnesia right now kaya hindi siya nakakaalala ng marami as of this moment. Unfortunately, mukhang hindi rin po niya kayo naalala."

"Ohmygod! That's horrible. Baby, please tell me you still remember me."

"Uhm. I'm sorry po. Pero hindi ko po talaga maalala kung sino kayo."

Yun oh! Nagkasalita ka rin! Tumulo ang mga luha ng kanyang mommy. Syempre ikaw ba naman makalimutan ng pinakamamahal mong anak na pinalaki mo ng ilang taon. Masakit kaya yun. Masakit na nga makalimutan ng ex-gf eh. Naks! Nag dadrama ang lolo niyo.

Lumapit ang lalake kay Mrs. Ferriz.

"It's okay, tita. She doesn't even recognize me. At tsaka, temporary lang naman diba? Willing po akong tumulong sa pagpapabalik ng kanyang alaala."

"I'm ok, Kevin. Salamat sa concern sa anak ko."

Tita? Tama bang narinig ko? Kung ganun, hindi siya ang daddy ni Geline. Eh sino ba siya sa buhay ni Geline? Napansin kong iba siya makatingin kay Geline.

"Mr. Gonzales, salamat nga pala sa pag-aalaga sa anak ko. I don't know how to thank you for saving our daughter. Kaya please accept this as our token. I hope it's enough to pay you back.'

Inabot sakin ang isang cheke. Tiningnan ko ang halaga. Nanlaki ang mga mata ko. 1M?! Puch@! Makakabili na ako ng bagong sasakyan nito ah! Well, sure. May kaya din kami. Pero never akong binigyan ng ganito kalaking halaga ni mama. O_o Ang mga mayayayaman nga talaga.

"Naku ang laki pong halaga nito, Mrs. Ferriz. Hindi ko po to matatanggap."

"Oh please, iho. After all, hindi mo tinakbuhan ang anak ko nung nabunggo mo siya. For goodness sake! Ikaw pa ang nag-abalang bantayan siya."

"Wala naman po talaga yun, Mrs. Ferriz. Kasalanan ko naman po eh. I don't really think I deserve it pagkatapos magka amnesia ang anak niyo."

"Sige na, iho. It's the least we can do to thank you."

Hoy mga readers, ano sa tingin niyo? Tatanggapin ko ba? Ok din to ha. Ako pa nga ang nakabunggo, ako pa nakakatanggap ng milyon! Eh kung i career ko kaya to? Haha. Joke lang. XD

Mr. Innocent Playboy [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon