9. The Revelation

45 1 0
                                    

"Geline, gising. Andito na tayo."

I was awakened from a dream. Eto na naman yung mga memories ko. Unti-unti kong naaalala sa tulong ng aking mga panaginip. Pero it was not just a dream. It was more like a nightmare. Nagsisigaw ako habang may lalakeng nag-aakmang pagsamantalahan ako. Hindi ko nga lang makita ang mukha niya sa panaginip ko. Was it even real? Nangyari ba talaga sakin yun? Sabi ng doktor my memories will eventually come back through dreams. Hindi naman siguro yun parte nun.

"Geline? Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lexter sakin. Nakatunganga lang kasi ako dahil iniisip ko yung panaginip ko.

"Ha? Yup. I'm fine. May napanaginipan lang ako."

"Nananaginip ka tungkol sakin noh?"

"Assuming din," I replied.

"Aminin mo na kasi. Hindi ako magagalit. Pramis! Mamatay man si Batman." He was forming a cross on his neck then raised his hand. Parang bata lang.

"Oy mga lovebirds! Mamaya na yang landian niyo. Bababa na tayo," panunudyo ng mommy ni Lex.

"Nilalandi mo pala ako?" pa inosenteng tanong ni Lex. I just rolled my eyes, a cue for him to keep quiet.

"Dapat sinabi mo kasi. Para mutual." Sabi niya while his lips are forming an evil grin.

"Tabi nga," iritado kong sabi.

Nagsimula na akong bumaba sa private jet niya habang siya ay parang aninong sunod ng sunod sakin. Ugh. Ano ba to. Ang kulit lang eh. Parati niya akong tinatanong kung siya ba daw ang napanaginipan ko hanggang makarating na kami sa room namin.

"Gusto mo samahan kita sa loob ng suite mo?" panunukso ni Lexter.

"Pwede ba, Lex. Hindi na ako bata. At hindi ko kailangan ang isang manyak na tour guide." sagot ko.

"Wala naman akong sinabi ah? Sasamahan lang naman kita para ilagay ang mga gamit mo sa loob."

"No, thanks."

Buti nalang at hindi na nangulit ang mokong. Pumasok na ako sa suite ko at naglunod sa sarili kong bath tub. Tatlong presidential suite ang kinuha ni Lexter, tig iisa kaming tatlo ng mommy niya. Naisip ko nga na ang lungkot lungkot ko dito dahil sa napakalaki ng room nato tapos ako lang mag-isa. Maganda sana kung andito din si Lexter noh? Ew! Ano ba yan, Geline! Nagiging perv kana. Ohmygosh. This is not me.

Pagkatapos kong mag refresh sa sarili ko ay nagsuot ako ng bathrobe at hinintay ang make-up artist ko. I was starting to get impatient nang makarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Ms. Ferriz, I'm here to get yourself ready for the party."

Binuksan ko ang pinto at nag smile sa aking kaharap na lalake. So lalake pala ang mag-aayos sakin? Well, cute siya. Pero mas cute pa rin ang Lexter ko!

"Hali ka, pasok."

"Kanina pa po ba kayo naghihintay, maam? Sensya na talaga. Na traffic lang kasi aketch." sabi niya while fixing his hair like it was long. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Ano ka ba, girl. I'm a girl like you. See my nails? I polished them for your party. Do you like it?" sabi niya while extending his fingers. Naku. Sayang naman ng lalakeng to. Gwapo pa naman sana. Extinct na ata ang mga gwapo na LALAKE ngayon.

"I like it. By the way, sinong nag-aayos kay Lexter?" I inquired.

"Miss mo na teh? Magkikita naman kayo eh. Wag mag worry. Baka you'll get wrinkles nyan. Yung assistant ko nag-aayos sa kanya," sagot niya while he was drying my hair.

"Uh. Babae?" Hala. Ano ba tong pinagsasabi ko? Myged.

"Lahi kong maganda, girl. Tsaka sinabihan ko na siyang hands off sa papable mo. Haler? Engaged na nga kayo diba? Isa pa, ayaw naming makalaban ang mga kalahi naming maganda," he answered like it was the most obvious thing. Sinimulan na niyang lagyan ako ng make up sa mukha.

"By the way, I'm Jane." dagdag niya.

"Jane? Nasaan si Tarzan?" I jokingly asked.

"Ay nandun sa kabila nilalasap ang sariwang papable mo,"

"Ganun?"

My brows arched and I can hear laughter echoing around the room.

"Ano ka ba, girl. Biro lang naman yun. Mahal mo talaga teh? Sabi ko nga sayo, talbog kami sa beauty mo kaya wala kang dapat pagselosan."

"Mukha ba akong nagseselos?"

"Eh ba't ang defensive masyado?"

Hindi ako nakapagsalita. I can feel my cheeks heating up. Mukha ba talaga akong nagseselos? Ew. Ang clingy pakinggan.

After an hour, I was ready for the party. Sinundo ako ni Lexter sa suite ko then we went to the reception together. He introduced me to the guests, pero syempre hindi pa nila ako nakikita kasi we're wearing masks. The party went smoothly. Every table is occupied and the guests were all busy having chitchats while others were on the dance floor. I was so preoccupied with eating that I didn't notice Lexter kneeling in front of me holding a rose.

"May i have this dance?"

"Do i have a choice?" tanong ko.

"Well, you can answer yes and blush the whole time we're dancing or you can say no and regret that for a lifetime." He replied with a wink. Great. Nanunukso na naman to.

"Uh. Yes?" I answered doubtfully.

"Hindi ka sure?"

"Ok fine."

He led me to the dance floor and all eyes were laid on us. I was hesitant to hold his hand at first but he pulled me closer to him and placed my hands on his neck.

"Kinakabahan ka?"

"Medyo."

"Don't worry. Akong bahala sayo," he assured. His voice was so gentle that i felt comfortable and safe in his arms.

I rested my head on his shoulders and we both swayed with the slow music. When the music had stopped, everyone clapped their hands. Kami lang pala ang nagsasayaw sa dance floor. Nakakahiya.

Then the clock strikes 12. Timing nga naman.

"Good evening, dear guests. I would like to thank you all for celebrating with us tonight. Right at this very minute, I would shout to the world the only girl who captured my heart. I wouldn't promise that I will be the prince of her fantasy because she is my reality, Geline Jaice Ferriz."

I took off my mask and smiled at the guests. Everyone seem shocked at the revelation. I could hear murmurs from the crowd. Then someone shouted.

"Are you serious? She's supposed to be married tomorrow!"

"She won't." kalmadong sagot ni Lexter.

"This is such a big shame on both your families, Mr. Gonzales!"

Isa-isang naglahad ng opinyon ang mga bisita. I can feel a terrible ache in my head and before i knew it, all i can see is darkness.

Mr. Innocent Playboy [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon