4. Goodbye, Amnesia Girl

41 3 0
                                    

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang cheke. Sayang noh! San ka makakapulot ng 1M ngayon? Hehe. Joke lang. Hindi ako mukhang pera noh. Tinanggap ko lang kasi nagpupumilit si Mrs. Ferriz. Haay anong magagawa ko. Nagtungo ang doctor at sinabing pwede na ma discharge si Geline pero dapat din siyang pumunta sa ospital every week to observe her progress.

"Iho, salamat talaga. We will come tomorrow to pick up Geline. "

"Wala po yun, Mrs. Ferriz."

"Oh please. You can call me Tita Amanda. Masyadong pormal ka lang kasi eh. Tsaka, ikamusta mo nalang ako sa mommy mo ha."

"Sige po, Mrs.--Tita Amanda."

"Geline, baby. We'll pick you up tomorrow, ok? We'll get you home."

Nag nod lang si Geline. Para siyang bata na susundin lahat ng sasabihin ng kanyang nanay. Sasabihin kong cute siya tingnan. Hoy mga readers, walang halong malisya. ^_^

Lumapit yung Kevin sakin.

"Tol, salamat talaga ha. Sa pagbabantay mo kay Geline. Ah siyanga pala. Hindi ko pa pala naipakilala ng maayos ang sarili ko sayo. Kevin Chua. Ang groom ni Geline."

Inabot ni Kevin ang kamay niya sakin para makapag shake hands.

"Lexter Gonzales."

"Sige tol. Mauna na kami. Susunduin nalang namin si Geline bukas."

"Ingat kayo."

Tapos umalis na sila. Siya pala ang groom ni Geline. May itsura siya. Alangan namang wala diba? Matangkad tsaka intsik. Wala akong makitang rason kung bakit ayaw ni Geline magpakasal sa kanya.

"That was your mom. Wala ka ba talagang maalala?"

Pinukpok niya ang ulo niya.

"Arghhhhh! I hate myself! I hate myself!"

"Geline, stop that! Hindi yan makakatulong sa pagbalik ng alaala mo. You should know that."

"Ba't ganun Lex? Ba't ang unfair ng buhay?'

Tapos nagsisimula na siyang umiyak.

"Tahan na, Geline. Hindi mo naman kasalanan eh. Kasalanan ko lahat. Kung bakit nawala ang iyong mga alaala. Kung hindi lang sana ako naging pabaya, hindi ka magkakaganito."

"Hindi *sob* mo naman ka- *sob* salanan eh. Kung *sob* hindi ko lang tinakbuhan *sob* ang aking kasal, hindi naman mangyayari lahat ng to eh."

Puch@. Ayoko talagang makakita ng babaeng umiiyak. Weakness ko kasi yan eh.

"Tahan na, Geline. Magiging ok rin ang lahat."

Umiiyak pa rin siya. Gago. Wala akong magawa. Sh!t. I'm so helpless. Walang kwenta.

Nung napansin kong hindi na siya umiiyak, nakatulog pala siya.

Kinabukasan, namamaga ang maganda niyang mga mata.

"You ok, Geline?"

"I'm better. Thanks for last night."

Hoy wag mag-isip ng iba. Yung pag comfort ko sa kanya kagabi. Oo, yun nga. Pinaghanda ko na siya para sa pag-uwi niya. Naghintay ako sa labas ng room ni Geline. Maya-maya ay dumating din ang mommy niya.

"Good morning, iho. Is she up already?"

"Yes, Tita Amanda. She's preparing in her room."

Kinatok namin ang room niya.

"Geline? You ready?"

Binuksan niya ang pinto at nag smile.

"Let's go?"

"Good morning, baby. You sure you're ready?"

"Yes, mom."

Ako? Nganga. Putek. Na speechless ako. Hindi dahil sa bilis niyang mag ready kundi dahil sa itsura niya. She looks so beautiful. She's wearing a red dress. Hindi ko na idedescribe ang design basta maganda siya. Nag apply siya ng light make up, hiding those tired eyes na nagpuyat umiyak kagabi. She's so perfect. Lord, panaginip ba to? Kung gayon ay ayoko nang magising pa. Lul. Drama. Haha. 3 Words lang nasabi ko.

"You look beautiful."

Narinig kong tumawa siya ng konti. Ang sexy niyang tumawa. Lintek. Ano ba tong pinagsasabi ko.

"Suuus. Mambobola. Pero salamat ha."

"Wala yun. Pero toto--"

"Uh. Jaice, akin na yang mga dala mo."

Gago. Sumingit pa ang bwisit na Kevin na yun. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ayaw ni Geline sa kanya. Pero siya ang may kasalanan na tumakbo si Geline at naghihirap ibalik ang kanyang alaala ngayon. Inaamin ko may kasalanan din ako pero kumukulo dugo ko sa kanya. Selos? Ewan. Playboy pa rin ako noh.

"Thanks, Kevin."

Tapos nagtungo na kami sa carpark. Bitbit ni Kevin ang mga gamit ni Geline. Sinabayan ko na rin sila.

"Uh Lex?"

"Hmm?"

"Salamat ha."

"Para san?"

"For everything. Sa pagbantay mo sakin. Sa pagtulong. Sa pag comfort. Sa lahat lahat. Kahit na ngayon mo palang ako nakilala ay nag-alala ka pa rin sakin. Alam kong naging pabigat ako sayo. I hope I can pay back everything."

"Suus. Ok lang yun. Ako naman nakabunggo sayo diba?"

"Hindi. Salamat talaga. I know money isn't enough for all of it."

"Alam mo, wag ka nang mag-alala sakin. Ok lang talaga."

Nasa tapat na kami ng sasakyan nila Geline.

"Thanks. Hindi ko alam kung magkikita pa ba tayo pagkatapos nito. So, I guess this is goodbye then?"

"Good--"

Nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako. Ako --> O_o

"Bye, Lex."

Tapos sumakay na siya sa sasakyan at umalis na. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hoy heart! Ok ka lang? Slow down naman jan! Baka may mabunggo ka rin kagaya ko. Haay. May sakit na yata ako eh. Pinuntahan ko na ang aking sasakyan at pinaandar.

*sigh*

"Goodbye, Amnesia Girl."

Mr. Innocent Playboy [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon