|Geline's POV|
Papunta na kami sa aming bahay pero namumula parin ako. OhmyGed! Ba't ko ba siya niyakap? Huhu. Ang kapal ng fes mo talaga, Geline! >_<
*sampal sampal*
"Geline?"
"Uh. Yes ma?"
"We're home."
Ay hala! Nakarating na pala kami. Hindi ko na namalayan. Eh pano ba naman kasi yung lalakeng yun palaging nasa isip ko. Aaaaahhhh! Nababaliw na akoooooo. Side effects ba to ng amnesia? T.T
Pinagbuksan ako ni Kevin ng pinto.
Paglabas ko ng sasakyan, naging ganito itsura ko. O_o
Mansion! May mga maids na naka linya at binibigyan kami ng daan ni mama. Tuwing dadaan kami ay nagbobow sila. Wow! Sosyal! Ganito ba talaga ako kayaman? Baka nagkamalan lang? Isa-isa ding kinuha ng mga butlers ang aming mga gamit. Pagdating namin sa pintuan ay nagsalita ang mga maids in unison.
"Welcome home, Maam."
"Ah. Eh. Sa-salamat. Hehe"
Ano ba to. Ba't ako kinakabahan? Eh ganito naman talaga buhay ko dati diba? Hindi ko lang talaga maalala.
"Geline baby."
"Yes ma?"
"Magpahinga ka na muna sa room mo ha."
"Opo, ma."
Tapos tinawag ni mommy ang isa naming maid.
"Drea, please accompany my daughter to her room."
"Yes, maam."
Paakyat na sana ako ng hagdan nang biglang nagsalita ang isang kabute. XD
"Uh. Jaice?"
"Ay palaka!"
Manggulat ba naman tong taong to. Sinundan pala ako hanggang sa loob. Ano siya? Chaperone?
"Sorry. Uh. Free ka bukas?"
"Why?"
Suplada ang peg. XD
"Can you go out on a date with me?"
Grabe din to makadiskarte ah. Sabagay, matagal din naman talaga kaming magkilala. It just happened na naging lola na ako dahil sa amnesia ko.
"I' think I'll take that as a no."
"Ha? Bakit?"
"Ahh.. wala lang. I simply can't date someone I barely know yet."
"Maybe next time then?"
"I have to rest."
Tinalikuran ko na siya. Sorry. Pero I don't talk to strangers. XD
Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ang pagturing ko kay Kevin. Wala lang. I just felt na there really is something that caused me to hate him that much that's why ayaw ko siya maging groom ko. And that is one thing I need to recall the sooner, the better. Sana naging memory card nalang ang utak ko, para pwedeng mag back up and restore ng memory. XD
"Maam, may kailangan pa po kayo?"
"Wala na, Drea. Salamat."
"Siyanga pala, maam. Pinapatawag po nga pala kayo ni Maam Amanda. Sabi niya magpunta raw kayo sa garden pagkatapos niyong magbihis. May pag-uusapan daw po kayo."
"Ganun ba? Sige magbibihis muna ako. Dyan ka lang muna ha?"
"Bakit po maam?"
"Eh kasi. Hindi ko alam kung san ang garden. Hehe. Ok lang ba samahan mo ako? Nagka amnesia kasi ako eh."
"Sige po, maam."
"Naku wag mo na akong tawaging maam. Geline nalang. Hehe"
"Nakakahiya naman po, maam."
"Sus. Ok lang yan. Bihis muna ako ha?"
"Sige, Ma--Geline."
Nag wink ako. Haay para talaga akong baliw. Sarili kong bahay hindi ko kabisado. Tawagin niyo na akong lola. XD
Nagbihis na ako at nagsuot ng pink sleeveless top at tsaka shorts. Hindi naman siguro magagalit si mommy.
"Tara na, ms. tour guide."
Napatawa si Drea. On the way sa garden, kinwentuhan niya ako tungkol sa buhay ko. Ang galing noh? Kwentuhan ka ba naman ng sarili mong buhay. Narating namin ang garden mga 8 mins after. Kapagod. Laki kasi ng bahay eh!
"Thanks, Drea."
"Uh.. ma? Anong pag-uusapan natin?"
"Maupo ka muna, anak. It's informal to talk about something important while standing."
"Sorry po. Ano po ba yung sasabihin niyo ma?"
"Geline, you have to marry Kevin AGAIN. And this time, it is final."

BINABASA MO ANG
Mr. Innocent Playboy [REVISING]
Romance4 years ago, I was a playboy. 4 years ago, I had her. The girl that I loved the most. Tama sila. You never really know the value of what you have, until you lose it..