|Geline's POV|
Nagising ako sa sikat ng araw. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Nakahiga ako sa isang puting kama at ako ay nasa silid na hindi ko pamilyar. Nasaan ba ako? Tumingin ako sa aking kanan. May isang lalakeng nakaupo.
"Gising ka na pala."
Uhm. Who you? Wait. Ang OA naman ng tanong ko. Ma rephrase nga.
"Uh. Sino ka?"
"Ako si Lexter. Nabunggo kita kahapon habang tumatawid ka sa kalye. Ngayon ka pa lang nagkaroon ng malay."
Nabunggo? Kalye? Wala akong maalala. Hindi nalang ako iimik.
"Ano nga pala pangalan mo? Kailangan kasi natin ma contact ang iyong pamilya para may magbabantay sayo dito."
Anong pangalan ko? Paulit-ulit na nag-iikot ang tanong na iyon sa aking utak. Ni hindi ko nga alam ang aking pangalan eh. Pano ako magkakaroon ng alaala sa pamilya ko? Lord, pano na to? T.T
"Ang pangalan ko? Teka, wala talaga akong maalala eh."
"Sandali lang. Tatawagin ko na muna ang doctor para matingnan ka."
"Uh. Sige."
Lumabas na ang lalakeng nagpakilala sakin bilang Lexter. Habang nasa labas siya, naghahanap ako ng sagot sa isang tanong. Sino ba ako???? Sinubukan kong maalaala ngunit wala pa rin. Brain naman oh. Please, paki restore ng memory! Huhuhu T.T Pinukpok ko ang ulo ko at ginulo ang aking buhok.
"Ugh! Ayoko naaaaaaa!"
May kumatok sa pinto. Pumasok si Lexter kasama ang isang doctor.
"Gising ka na pala, iha. Kumusta ang pakiramdam mo?"
Aba! Kanina pa sila ah! Nag expect ba silang hindi na ako gigising pa kaya't paulit-ulit ang linya nila? >.<
"Uh doc. Wala po talaga akong maalala sa mga nangyari noong mga nakaraang araw."
"That's normal, iha. Nauntog kasi ang ulo mo nung nabangga ka kaya nagkakaxperience ka ng partial amnesia. Don't worry, babalik din ang memories mo habang nagtatagal. Just have a good rest. At isa pa, pwede mong mapanaginipan ang iyong mga alaala kaya I'm sure na you'll get back your memories faster."
"Thank you, doc."
Humarap ang doctor kay Lexter.
"Mr. Gonzales, please make sure that she's doing fine. She may experience severe headaches dulot ng kanyang amnesia. When that happens, give her medications and let her sleep. Okay?"
"Sige po, doc."
"I have to go. May pasyente pa akong aasikasuhin. Magpagaling ka iha. At ikaw Mr. Gonzales, bantayan mo siya ng maigi."
Umalis na ang doctor at naiwan kaming dalawa ni Lexter sa loob.
"Uhm. Gusto mong manood ng tv?"
Tumango ako. Syempre alam ko pa rin kung ano ang tv noh. Hindi naman ganun kalala yung amnesia ko para makalimot ng tv. XD Binuksan na ni Lexter ang tv at saktong lumabas ang isang breaking news.
"Pamilyang Ferriz, hinahanap ang kanilang nawawalang anak matapos tumakbo sa mismong araw ng kanyang kasal."
Ano to? Bakit kinakabahan ako? Nagsalaysay ang reporter at pinakita ang picture ng isang magandang dalaga. Wait. Pause. Ako yan ha? Tiningnan ko ang reaksyon ni Lexter. Mukhang shocked din siya sa pangyayari.
"Kung sino man ang makakapagturo kung nasaan si Geline Jaice Ferriz, ay mabibigyan ng malaking pabuya galing sa pamilya niya."
Walang nagsalita sa aming dalawa ni Lexter. Mga 1 minute after, nagsalita rin siya. Haaay salamat. Akala ko naging pipi na to. XD
"Kaya pala pamilyar ka sakin. Ms. Geline? Inimbita ang pamilya namin sa iyong kasal kaya nga lang hindi kami dumalo dahil nagkaroon ng problema sa family namin. Yun yung araw na nabunggo kita. Naglasing ako nun dahil nga nagkaproblema sa family. Kaya yun, nagpaharurut ako ng takbo dahil nag break din kami ng gf ko nun tapos nabunggo kita."
Nag flashback sa akin ang alaala ko nung araw na iyon. Umiiyak ako habang tumatawid sa kalye suot pa ang wedding gown ko. Tapos may nakita akong headlights ng sasakyan na paparating. Ang bilis ng takbo. Tapos.. SREEEEEECH!
[end of flashback]
"May naalala na ako. Naalala ko yung tumawid ako sa isang kalye tapos nun, everything went black. Pero, hindi ko maalaala kung anong nangyari before nun. Kung bakit tinakbuhan ko ang aking kasal."
"I'm sure malalalaman mo din yan. For now, you have to rest. Pupuntahan ko ang nurses' station para ipaalam ang pagbalik ng alaala mo."
"Okay."
Humiga na ako at natulog. Sana man lang mapanaginipan ko ang ibang details nung araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Mr. Innocent Playboy [REVISING]
Romance4 years ago, I was a playboy. 4 years ago, I had her. The girl that I loved the most. Tama sila. You never really know the value of what you have, until you lose it..