It's been two days since umalis ako sa aming bahay. Mom kept calling and texting me. I finally managed to send a reply to her last night saying na wag na siyang mag-alala sakin kasi ok lang ako. Minulat ko ang aking mga mata at tumingin ako sa orasan. It's still 6AM.
"Good morning, Geline."
Ang mukha ni Lexter ang unang bumulagta sa aking pagkagising. Nag-unat muna ako saka ko siya binati.
"Morning, Lex."
Haay.. ang sarap naman ng gising ko. Sana ganito nalang araw-araw. Siya ang una kong nakikita pagkagising ko sa kwarto ko. Aish. Ang sarap ma in love. *^_^*
Niyakap ko ang unan na kagabi ko pa tinotorture sa sobrang higpit kong yumakap. Eh sa malamig ang panahon eh.
"Di ka paba babangon dyan? We have a big day today."
"Just a minute," sabi ko.
Pinikit ko sandali ang aking mga mata at nag muni-muni. Saka ko na realize ang isang bagay..
"Ba't ka nandito sa kwarto ko?!" sigaw ko kay Lexter.
Kumuha ako ng kumot at binalot sa aking katawan. Eh pano ba naman kasi, naka sleeveless top lang ako at shorts. Baka ma tempt pa siya na may gawing masama sakin. XD
I heard him let out a chuckle.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Siguro may balak kang masama sa akin noh?"
"Relax. I just wanted to greet my future wife a good morning," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Future wife? Ba't nagkakaganito ang mokong na to? O.o
"Oy. Wala ka pa ring karapatan na basta-basta nalang pumasok sa kwarto ko. Alis! Alis!"
"Kwarto mo? This is my house, Geline. I think you forgot that."
He's still wearing that evil smile. Ugh. Nakakaasar! >_<
"Aaaah! Alis! Oo na! Maghahanda na PO." I said sarcastically. Talagang inemphasize ko pa ang po. XD
"No need. Hindi tayo lalabas ngayon. Nag order na ako ng masusuot mo."
"Ha?! Nag order ka na tapos hindi ka man lang nagpaalam sakin?! Do you even know my exact size?"
"Nope. But I do trust my instincts about you," sabay kindat.
Ngumingiti parin ang mokong. Bigyan ng sapok sa ulo please! One time lang. >_<
"Eeeee. Ba't mo ba ako ginising ng maaga kung wala naman tayong gagawin?"
"Hindi kaya kita ginising."
"Eeee. Basta! Alis!"
Tinulak-tulak ko siya palabas ng kwarto.
"Uy! Ano ba! Lalabas na nga oh,"
Nung nakalabas na siya ng kwarto ay sinarado ko agad ang pinto.
"Nandyan nga pala sa lamesa yung susuotin mo. Sukatin mo na. Bababa lang muna ako. Mukhang allergic ka sakin eh," rinig kong sabi ni Lex sa likod ng pinto.
"Allergic ka jan. Ikaw nga antibiotic ko eh!" Pagkatapos kong masabi yun ay tinakpan ko ang aking mga bibig. Mygaaad. Nubayan Geline! Sana di nya narinig. >_<
Binuksan niya ang pinto. Aaahh! Nakalimutan kong i lock.
"Ha? Antibiotic lang narinig ko. Bakit? Masama ba pakiramdam mo, future wifey?"
Ayan nanunukso na naman. Masapak ko na to eh.
Pero at least, di nya narinig. Keri lang yan, Geline. :3
BINABASA MO ANG
Mr. Innocent Playboy [REVISING]
عاطفية4 years ago, I was a playboy. 4 years ago, I had her. The girl that I loved the most. Tama sila. You never really know the value of what you have, until you lose it..