Chapter 4

86 9 11
                                    


Meg's POV

"Teka!!!!" nakapamaywang kong sigaw. Hindi ako papa api sa gwapong multo na 'to!

"Bat ba ang sama ng ugali mo?! At isa pa! hindi mo ako kailangang ipagtabuyan! Sinong matinong tao ang gustong tumira sa isang haunted mansion na kagaya ne'to?? AKO MISMO ANG TUMATANGI NA TUMIRA SA MANSIONG 'ETO!!!!!"
-matigas kong sabi

-"Wag nyo pong sabihin yan"😣
-"Malugod ka po naming tinatanggap dito"😣
-"PAKIUSAP PO" 😭

Natataranta namang lumapit sakin yung dalawang dwende at sinusubukan akong kumbinsihin. Hmp!

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!"

-"Either she goes, or I go." malamig na sabi ng gwapong multo na ikinatigil naming tatlo.

"MASTER CLAUDE!!" sabay ng mga dwende na agad lumapit kay Claude.
Balingbing 'tong mga 'to. Hmmp!!

"Kay Marcelo lang ako magsisilbi. Wala akong intensyon na pagsilbihan ang babaeng 'yan." sabi nito habang lumalakad papalayo at unti-unting kinakain ng kadiliman.

"Hoy! Sandali lang!!" pigil ko dito pero nawala na ito sa paningin ko.😲
Nakakatakot talaga ang mga multo.ahuhu! 😱

Wala na akong nagawa kaya ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa dalawang dwende.
"Ahm.. sa ngayon, pwede muna ba akong magpalipas ng gabi dito?" tanong ko sa kanila.

"SYEMPRE NAMAN PO!" masigla nilang sabi.

Kinabukasan. . .

Nagising ako sa sinag ng araw na sumisilaw sa mga mata ko ng may maalala ako. Bumalikwas agad ako, naupo at ngumiti.

"😅 Ang weird ng panaginip ko . Iniwan daw ako ni papa ko, at pinalayas sa bahay namin. . .tapos naligaw ako at biglang may taong binigay ang bahay nya sa akin. Pag punta ko, isa pala 'tong haunted na mansion. Tapos may nakatira na isang multo at dalawang dwende na sinasabing ako na raw ang may ari ng haunted mansion. 'Tas sabi ko -"ANO?"- tapos yung masamang ugali na multo na ang pangalan ay Claude, sinasabing hindi raw nya ako matatanggap. A-ha-ha. Ano kaya 'yon? 😅"
nakangiti at mabilis na sabi ko.

"Magandang araw, Lady Megumi."

"EH?" 😲
te-teka.. di ba panaginip lang lahat ng 'yon? Anong ginagawa ng dalawang dwendeng 'to sa totoong buhay?

"Alam po naming kagigising nyo lang, pero may kailangan pa po kayong gawin." sabi ni Bitow

"Eh? pano nyo nalaman ang pangalan ko?" takang tanong ko sa kanila.

Pinakita nila sa'kin yong bag ko.

"Nabasa po namin dito."

oo nga pala. may name tag nga pala yong bag ko.

"Inayos na po namin ang mga gamit n'yo."

"Sana hindi na kayo nag-abala." nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Ako nga pala si Bitow"
"-at ako naman po si Biwan." pakilala nilang dalawa sa akin.

Huh? Biwan? Bitow? Familiar. hmm. . . san ko nga ba narinig ang mga pangalang 'yon? Bayaan na nga. 'Tsaka may gusto pa akong itanong sa kanila 😑

"Ahmm. . pwede bang magtanong?" alanganin akong tumingin sa kanila

"Syempre naman, po!" sagot nila

"Okay lang ba kayo? kasi diba? umaga na? hindi ba kayo naaapektuhan ng sinag ng araw?"

"-huh?" taka silang tumingin sa'kin at sabay na ipinilig ang kanilang mga ulo

OH, MY BUTLER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon