Chapter 9: This Is It. Pansit!

64 6 2
                                    

Meg's POV:

Thursday ...


Anak ng siopao! Thursday na hindi pa kami tapos. Tsk.


"Lady Megumi. Eto na po yung ginawa naming presentation." sabi ni Bitow.


"Talaga? Tapos na? Patingin muna." sabay kuha ko ng laptop sa kanya.

Takte. Dalawang araw na lang at haharap na ako sa mga investors.  Kailangan ko ng maximum effort para magwa ko 'to ng maayos. Buti na lang talaga andito sila Biwan at Bitow.


In-open na namin ang presentation. Tiningnan ko ng mabuti ang bawat slide. Maganda ang pagkaka-gawa nito. Parang experto talaga ang gumawa. May mga pictures at kaunting description, syempre ako na ang bahalang mag-elaborate ng lahat. Maganda rin ang transitions, mapapansin mong business-like talaga. Hindi yong kagaya ng sa school lang. Pati background at animation maganda at formal ang dating.
Hanggang sa kahuli-hulihang slides, wala akong maipintas o gusto baguhin man lang.



"Lady Megumi, mag-kape po muna kayo. Kanina ka pa po nagbabasa ng mga files. Relax po muna kayo." alok sa akin ni Biwan


Tiinitigan ko silang dalawa. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Kahit na si Claude ang mas matagal na nilang kasama dito, buong buo pa rin ang suportang binibigay nila sa akin.

"Eeehh?!"

"Lady Megumi! Napano po kayo??"

"May masakit po ba sa inyo?"

"Ano po nararamdaman nyo??"


Napatawa ako kahit nangingilid ang mga luha sa mga mata ko. Masyado namang mapag-alala ang mga 'to. Grabe maka-react eh. Taranta agad? Naiisip ko tuloy kung kaibigan na ba talaga ang turing nila sa akin o ganyan lang sila dahil sa paniniwalang ako ang heiress ni Mang Marcelo?


"Wala. Okay lang ako. Naiiyak lang ako kasi masaya ako at nakilala ko kayo."


ngumiti ako sa kanila sabay yakap ng mahigpit sa dalawa.


"Argh! L-Lady Megumi. Hindi po kami maka-hinga." reklamo nila.


"Hmmhm!! Ang kyut kyut nyo talagang dalawa!!" mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanila.


"ACCKKHH!!"


"HHMMMMMMM! Nakaka-gigil!!! Hahahaha!" binitiwan ko na sila. Baka mamaya maging color violet na sila pag tinuloy ko pa ang super hug ko.


"Haaaaaaayyy." sabi nila.


Natawa naman ako sa kanila. Wengya. Sabay sabay talaga eh.


"Maraming salamat sa inyo ha. Kung wala kayo, hindi ko alam ang gagawin ko." sabi ko sa kanila.


"Walang anuman po Lady Megumi."


"Trabaho po namin yon."


Hmm. Trabaho lang ba talaga?



"Ahm. Lady Megumi, kamusta po ang gawa kong presentation? Okay po ba sa inyo?" tanong ni Bitow.

"Hum! *ngiti* Okay na okay! Ang galing mo Bitow." sabi ko sa kanya sabay thumbs up.

"Salamat po Lady Megumi. I-sa-save ko na po to." sabi ni Bitow at tumalikod na sa akin.


"Lady Megumi, handa na rin po ang iba nyo pang kailangan para sa presentation. Ipi-print ko na lang yong mga hand-outs na ipapamigay nyo sa mga prospect investors."


OH, MY BUTLER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon