CHAPTER 18

42 4 0
                                    

***A/N: Just want to dedicate and say thanks to @LiliGrace_for making the cover of this story. ^__^  SALAMUCH SA 'IYO!!!!


CHAPTER 18:  HIDDEN AGENDA!




Meg's POV:


Haaaayy!! 


Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga ko na ito ngayong umaga. Hindi ko naman kasi maiwasan ang pag hugot ng hangin 'pag naaalala ko ang mga sermon ni Claude kanina. Actually kagabi pa sya nagsimula ng panenermon at inabot na kami ng madaling araw ay hindi pa rin sya natatapos sa panenermon nya. Buti na lang naawat nila Biwan at Bitow kaya pinagpahinga na ako nito. Haaaay... Grabe talaga ang unggoy na yon. Wagas kung makapanermon. Akala mo nanay sya at anak nya ako na nakabasag ng isang mamahaling paso sa paraan ng panenermon nito. 'E ako naman ata ang ginawa nitong under ne'to imbes na baliktad. 


Kainis, naniwala pa naman ako kina Biwan at Bitow  sa ritual-ritual na 'yon, 'di naman pala totoo. Hmpp!


Sana naman pag-uwi ko mamaya hindi na galit si Claude. Naiisip ko pa lang na may Part two pa ang speech ni Claude para sa akin kinikilabutan na ako lalo pa at pumasok pa rin ako ng school kahit ayaw ng unggoy na 'yon. Tsk. Pero baka magalit pa rin 'yon pag nalaman nyang hindi ko suot ang bonnet na may tenga. Bakit kasi pinapasuot pa 'yon, eh ang pangit naman. Walang taste talaga si Claude. Dapat sa gubat 'yon nakatira eh.



Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papuntang school. Mamaya ko na iisipin kung may part two pa ang speech ni Claude pag uwi ko mamaya. Sa ngayon, mag-aaral muna ako. Grabe rin ang absent ko nakaraan, baka bagsak na ako ne'to. 


"Megumi!!!" 


Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Nakasuot rin  ito ng uniform kagaya ng suot ko. Ah! Classmate ko lang pala. Si Mariss kasama ang dalawang barkada nitong sina Joy at Arlyn. Napangiti ako bigla. Gusto ata nilang isali ako sa barkada nila. 


Bigla itong kumaway sa akin habang tumatakbo palapit kaya kinawayan ko rin sya pabalik. Baka mamaya isiping snob ako.


Mukang tama nga ako na gusto akong maging kaibigan ni Mariss ah! Napangiti ako ng malawak sa naisip. Hehe!


"Good morning, Megumi!" agad na bati nito sa akin pagkalapit.


"Ah- good morning rin sa inyo." tipid naman akong ngumiti sa kanila.


"Ahm. Pupunta ba si Claude sa school mamaya?" tanong nito. Claude? Bakit naman tinatanong nito ang unggoy na 'yon?


"Ah, hindi 'ata. Busy kasi si Claude eh."


Eh? Napakunot naman ang noo ko. Bigla ba naman akong tinalikuran pagkasabi ko 'non? Aba't ang bastos ah! Psh!


OH, MY BUTLER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon