Chapter 8: Magiging Butler Kita. By Hook or By Crook!

63 7 4
                                    



Meg's POV:


Nakaka-inis!! kainis! kainiiiiisss!!! Bwisit talaga ang asungot na yon!!!!


Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhumpa ang pagka-inis ko. Ang sarap talagang chop-chopin ng taong yun at itapon sa Bermuda Triangle!


"Lady Megumi! Tama na po yan." saway sa akin ni Biwa.


"Hindi!! Hindi ko mapapatawad ang Claude na yon!" pagmamatigas ko.


"Pero, si Master Claude po ang nag-dala sa inyo dito." -Bitow.


Eh?



Ngayon ko lang napansin kung nasaan ako. Nasa kwarto pala ako pero hindi naman ito yong kwartong ginamit ko kagabi ah.


"Nasa mansion na ba tayo? Nasa harap pa tayo ng kompanya kanina di ba?" usisa ko.


Inalala ko ang nangyari kanina. Tama. Nawalan nga pala ako ng malay kanina. Ngayon lang ako nawalan ng malay sa buong buhay ko.  Bakit kaya? May sakit kaya ako?


"Nasa kompanya pa rin po tayo. Nandito tayo sa loob ng office ni Don Marcelo." -Biwan


Kumunot ang noo ko. Anong office? May kama ba sa office? Linibot ko ang paningin ko. Hindi naman office to eh. Mas lalong kumunot ang noo ko.


"May kwarto po sa loob ng office ni Don Marcelo para po kung sakaling mapagod man sya mga trabaho rito ay makakapag pahinga agad sya." sagot ni Bitow sa mga tanong ko.


Ahh.. kaya pala. Langya! Ang yaman talaga ni Mang Marcelo.


Pero wait lang.. anong si Claude daw ang nag-dala sa akin dito? Kumunot ulit ang noo ko.


"Nong nahimatay ka po, binuhat ka ni Master Claude papunta rito." paliwanag ni Biwan


Wengya. Mind-readers na ba silang dalawa ngayon?


"Talaga? Binuhat nya ako?" paninigurado ko pa.


"Opo!" sabay ulit nila. Hobby ba nilang mag-sabay mag salita?


"Hmp! Dapat lang 'no! Sya kaya ang dahilan kung bakit ako nahimatay. Kung di ba naman sya English ng english edi hindi sana dumugo ilong ko na naging dahilan ng pagkahilo ko."


sabi ko sa inyo eh. kapagod makipag-usap sa unggoy na 'yon. Hindi lang pala nakaka-pagod, delikado rin! kaya kayo.. iwasan nyo makipag-usap sa ungas na yon! Nakow!


Pero hindi ata sang ayon ang dalawang 'to sa mga sinabi ko. Sabay ba namang umiling-iling eh. Pati ginagawa nila sabay rin -_-

OH, MY BUTLER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon