High School student Megumi Reyes, Meg for short. 17 years old.
Si Meg ay namumuhay nang masaya, masigla at maganda. Pero, ngunit, subalit, datapwa't.., ngayon ay namomroblema sya nang major major to the tenth power.
At sino namang hindi?? Ang pagkahumaling at pagka addict ng kanyang tatay sa pagsusugal ay nagdulot ng masama sa pamumuhay ng kanyang pamilya. kaya ngayon ay butas butas ang kanilang mga bulsa.
Hindi na siya makakain ng mga pagkaing kinakain ng mga kaibigan nya tuwing lunch break nila. Hindi na siya maka-sabay sa mga kaibigan nya tuwing uwian dahil naglalakad na lang siya pauwi. At ang pinaka masakit sa lahat! Na evict sya sa sarili nilang bahay. Kinuha ng isang banko ang maliit na cute na cute nilang bahay para magsilbing pambayad utang ng tatay nya sa bankong iyon na sigurado syang ipinang sugal lang ng tatay nya. Ang masaklap, nang hanapin nya ang kanyang magaling na tatay ay umalis na pala ito para takbuhan ang iba pa nitong pinagkaka-utangan - edi wow!
Kaya ngayon nga, ang ating nakaka-awang si Meg Reyes ay nasa lansangan at namumulubi.
Ano na kaya ang mangyayari sa kanya ngayon????
-INSPIRED BY THE "Kamisama Hajimimashite"-
OH, MY BUTLER
by: bosslabko
BINABASA MO ANG
OH, MY BUTLER!
Ficción GeneralSi Meg na yata ang pinakamalas at ang pinakamahirap na tao sa buong universe. Walang pagkain, walang pera at walang matutuluyan. Ang pinakamasaklap pa, iniwan siya ng kanyang butihing tatay na mag-isang namumulubi. Pero, wait lang.. baka naman hi...