CHAPTER 21: THE PISSED BUTLER!
Palipat-lipat ang tingin ko kina Biwan at Bitow, habang silang dalawa naman ay pabalik-balik ng lakad. Bakit ba kasi hindi sila maupo?
"Pssst!! Anong ginagawa nyo?" tanong ko dahil parang nahihilo na ako dahil sa kakasunod ng tingin sa kanila.
"Hindi po ba obvious, Lady Megumi? Nag-iisip kami." sagot ni Biwan.
"Bakit kayo palakad-lakad? Di ba pwedeng naka-upo lang pag nag-iisip? Tsaka ano bang iniisip nyo?Tungkol ba kanina? 'Wag nga kayong mag-alala masyado. Kung natatakot kayo kay Claude, ako ang bahala sa kanya." pag-aasure ko sa kanila.
Napabuga naman ng hangin si Bitow.
"Lady Megumi, alam po naming magagalit si Master Claude sa amin, pero baliwala lang po 'yon sa kung papaano s'ya magagalit sa inyo mamaya." sabi ni Bitow.
"Si Lady Amanda ay ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamahalagang shareholder sa kompanya ni Don Marcelo. Kapag po nagsumbong 'yun sa tatay nya, tiyak maaapektuhan ang kompanya. Hirap na hirap pa naman si Master Claude makakuha lang ng deal kay Mr. Harrison. Haaayy... Lady Megumi talaga." explain naman ni Biwan
"Kaya ngayon po ay nag-iisip kami kung ano ang pwedeng gawin para hindi i-pull out ang mga investment ng tatay ni Lady Amanda. Mukang galit na galit pa naman 'yun kanina, siguradong hindi nya palalampasin ang mga nangyari kanina." segunda naman ni Bitow sa sinabi ni Biwan.
Ugghhh!! Kaasar naman talaga yung higad na yun eh!!
"Eh sya nama kasi ang nauna! Ba't ginagawa nya akong katulong nya? Pupunta-punta sya dito tapos mang-uutos lang. Sana nagdala na lang sya ng sarili nyang katulong. Mayaman naman pala sya!" inis kong depensa sa sarili ko. Bakit ba parang ako pa ang masama dito?? Mali bang gumanti ng slight? Tsaka hindi naman totoo yun eh! Ang arte lang nya kasi. Hmmp!!
"Naiintindihan ka po namin Lady Megumi. Dati na po talagang nagpupunta si Lady Amanda dito kaya parang may-ari sya kung umasta. May gusto ata yun kay Master Claude eh."
Biglang lumaki ang tenga ko sa sinabi ni Bitow. May gusto kay Claude? Hah!! Sabi ko na nga ba eh! Unggoy tsaka higad??? Hindi magandang combination mga bradd! Hmp!
"May gusto sya kay Claude? E si Claude ba? May gusto rin dun?"
Malamang may gusto rin yung unggoy na yun sa higad. Psh..
"Hindi po namin alam, Lady Megumi. Napapansin lang po namin na tuwing nandito si Lady Amanda at dumidikit po kay Master Claude, eh hindi naman po nagagalit o naiinis si Master Claude. Siguro nga po may gusto rin yun kay Lady Amanda." kibit balikat na sabi ni Biwan.
BINABASA MO ANG
OH, MY BUTLER!
Fiksi UmumSi Meg na yata ang pinakamalas at ang pinakamahirap na tao sa buong universe. Walang pagkain, walang pera at walang matutuluyan. Ang pinakamasaklap pa, iniwan siya ng kanyang butihing tatay na mag-isang namumulubi. Pero, wait lang.. baka naman hi...