Chapter 1: Malas o Swerte?

186 14 8
                                    

Chapter 1: Malas o Swerte?

Meg's POV

Ano ba namang klaseng buhay to, oh. Kung di ba naman ako timaan ng lintik na kamalasan na yan edi sana, sana, sana *sob* wala ako dito sa lansangan at nandon sa cute na cute naming bahay. haaaaay...

Tama ang basa nyo, andito ako ngayon sa isang bench sa gilid ng puno na malapit sa kalsada. Eh, kung hindi lang sana abnormal ang tatay ko. Hindi ko malaman kung anong klaseng impakto ang sumapi sa kanya para maisip na ipang-qualateral ang bahay namin na nag-iisang pagmamay-ari ng pamilya namin, at iwan akong nag-iisa at walang masisilungan. Kung andito lang sana si nanay, sigurado akong sinasakal na nya si tatay ngayon. Kung hindi lang sana kami iniwan ng maaga ni nanay, baka sakaling okay pa ang lahat ngayon. huhuhu.. *sobs*

Pero, wala na akong magagawa kundi ang harapin at solusyunan ang lahat ng problemang iniwan sa akin ng magaling kong ama! 

Wait lang, kilala nyo na ba akech? Share ako ng share ng problema ko rito pero di nyo pa pala ako kilala. Hihi.  Ako nga pala si Megumi Reyes, pero dahil friends ko na kayo, just call me Meg. 17 years old. Isang High School student na nag-aaral sa Mababang Paaralan. Ang PakeMoBa National High School! Ang weird talaga ng pangalan ng school namin. Yung iba kasing National High Schools, ang pangalan ng lugar nila ang pinapangalan nila sa mga public schools, diba? Pero eto iba, di ko alam kung san nila napulot ang pangalan ng school namin. Pero ang unique ha, in fairness sa kanila. Naalala ko pa nga, pinagtatawanan pa namin ni nanay ang pangalan ng school namin, kasi ang bantot daw ng pangalan. *sobs* ayan na naman, naiiyak na naman ako. Naalala ko na naman ang problema ko, huhuhu.

"Arrrrgghh!!! Pekeng sheyt ka naman tat-" naputol ang kasalukuyang pagmumura ko nang may marinig akong sumisigaw papalapit sa akin. Lumingon lingon ako, at yun nga. May isang lalaking tumatakbo ng mala flash sa bilis papunta sa direksyon ko. 

"Zoooooooooooooooooooooom" sinundan ko sya ng tingin nang lagpasan nya ako. Dumiritso sya sa isang puno at sa isang iglap ay umakyat sa isang sanga nito. Bigla ring may aso na sa tapat nito at kahol ng kahol sa kanya. 

"Tulong! Tulong! Kahit sino!! May tao ba jan?? Huhuhuhu!!" sigaw nito sa taas ng puno pero nakatingin naman dun sa asong tumatahol sa kanya. Ibang klase talaga pag hinabol ka ng aso, napapasabak ka sa isang marathon ng wala sa oras. Nakakapag-gymnastic ka pa. Tsk, tsk. Lumapit ako sa punong kinaroroonan ng lalaki at ng aso.

Shoo shooo, pagtaboy ko dun sa aso na agad namang umalis din. Ambait bait pala ng asong yun, anong problema nitong mama na nasa itaas ng puno?  Pag tingin ko ay pababa na sya ng puno.

"Wooh! Maraming salamat, bata. Akala ko katapusan ko na. Haaay.." aniya nito na humawak pa sa dibdib. Pero teka! BATA???? Sinong bata ang sinasabi nito?????? Hmmp!! 

"Hindi na po ako bata, mama! Masyado po ba kayong takot sa aso? Ba't po kayo tumatakbo,eh ang bait bait naman po ng asong yun?" tanong ko sa kanya.

Infairness dito sa mamang to hah. Kahit medyo gorang na, eh ang gwapo-gwapo pa rin. Pero di naman masyadong gorang hah, yong mga nasa late thirties to early forties. Alam nyo yon? yung, may asim pa. Hihihi.. ayy ang landi?? hahaha.

"Ahihi, pasensya kana sa akin hija. Kababalik ko lang dito, pero ang asong yun agad ang sumalubong sa akin. Siguro hindi na talaga ako welcome sa lugar na to. Taga-rito ka rin ba?" tanong nito sa akin. 

"Ah, opo. Pero nawalan po ako ng matitirhan kani-kanina lang." malungkot pero naka ngiti kong saad sa kanay.

 At ayon nga. kinunwento ko na sa kanya sa makabag-bag damdaming pagsasalaysay ang mga nangyari sa akin at ang ginawa ng tatay kong pagpapamana sa akin ng mga utang nya. Nang makwento ko na lahat lahat ay parang gumaan ng beri light ang aking dibdib. Sarap talaga pag may napagsasabihan ka  ng mga pinagdadaanan mo. Pero nong tumingin ako sa kanya ay -

0_0

"WAAAAAAHHUHUHUHUHU!! Grabe! Ang malas mo naman. HUHUHU!! Galit ka siguro sa tatay mo?? *sobs**sobs* HUHU"

Srsly?? Ang laking mama neto pero ang lakas umiyak. Di kaya baklush ang 'sang to?? hmmm.. ayy wag, sayang naman. 

"Ahhh, he-he, o-opo, he-he," awkward kong sagot sa kanya. Kayo kaya ang makakita ng malaking lalaking umiiyak, seesh..

"Kung wala kang matutuluyan ngayon, pwedeng iyo na lang yung akin." ano raw?????

"H-huh??" maang na tanong ko sa kanya. "Ano po? Paki explain po pwede? Hihi," paki-usap ko sa kanya. Aba, mabuti na yong nakaka siguro tayo na parehas ang intindi namin sa mga sinabi nya. Baka mamaya, iba pala ang ibig sabihin ni gwapong mama at mag assume ako. 

"'Di ka lang pala malas, hija, ang slow mo pa. Hahaha! Ibig kong sabihin, iyo na muna ang bahay ko. Ikaw na muna ang tumira don. Hindi kasi pwedeng iwan ng matagal ang bahay na yon, kaya kung willing kang tumira sa bahay ko ay matutulungan mo talaga ako ng sobrang sobra. At isa pa, tingin ko, mas bagay na ikaw ang tumira doon ngayon." medyo mahabang explain nito sa akin.

Hmmp! Tingnan nyo tong mamang na to. Nakakdalawa na to sa akin hah. Pero, teka lang mga bhes. Rinig nyo yong sinabi nya? Ako na daw muna ang tumira sa bahay nya?  Ayy, wagi ang beauty ko mga prens. Pero teka, sure ba to? Baka mamay scam to eh. Isa pala tong uri ng budol-budol na kunwari patitirahin sa bahay nila pero ang totoo, kakatayin nila ako don 'tas ibebenta ang mga lamang loob ko. Naku, Lerd!! Wag naman po. Kelangan ma-sure ko to mga ateng!

"Ahh, ano mam-"

"Eto yung mapa papuntang bahay ko. Sundan mo lang yan at sure akong hindi ka maliligaw."

"P-per-"

"At eto, kunin mo rin 'to. Pagkarating mo sa harap ng gate, isuot mo at siguradong papapasukin ka na ni Claude" 

Huh? Sinong Claude? Asawa nya kaya? Atleast, confirmed na hindi baklush si mama. May asawa, eh. Pero, teka!! Sure ba to??? Hindi pa ako nakaka sigurado kung hindi to scam si mama eh! Pero nang tingnan ko ulit sya ay nakalakad na sya papalayo sa akin.

"Alis na ako, hija! Sabihin mo sa kanila na pinadala ka ni Don Marcelo. Sigurado akong tatanggapin ka ni Claude." sabi neto na nakatalikod na pero kumakaway pa rin sakin. Na-i-imagine nyo?? Kung hindi, wag na lang. Basta yong ganun.

Wala na akong nagawa kundi ang  tanawin ang likod ng mama papalayo sa akin. Nang 'di ko na sya makita ay itinuon ko naman ang paningin ko sa kapirasong papel na may drawing na....na....

ahhhhh...???

ano ba to??? drawing ba to?? parang mapa ata. Eto yata yung sinasabi nyang mapa papuntang bahay nya,eh. Para namang di drawing ng matanda to. Parang sanggol lang ang nagsulat neto ah. Tsk!

At yung isa nya pang binigay. Ngayon ko lang napansin kung ano yung pangalawang binigay nya. Eyeglasses na hugis butterfly yong mga salamin? -_- ang weird talaga ni mama no? Bat kaya may ganeto sya? 'Tas isuot ko daw to? Hmmm.. tutuloy kaya ako????

*isip ng maigi*

------------------------------------------------------
uyyy.. kung may naliligaw man na readers dito, paki kwento naman sa akin ang inyong mga iniisip. First time ko to eh, hah? Gusto ko po kasi talagang malaman ang mga brilliant opinions ng madlang pepz tungkol dito. Alam nyo na. yung feeling na ganito 😣  . kayo na mag interpret kung anong feeling yan. Alam ko na sinabi ko sa sarili ko na "magsusulat ako. may babasa man o wala, magsusulat ako!" pero shete naman.. na cucurious ako sa mga iniisip nyo mga prenz. Kaya ako ay nagsusumamo sa inyo mga bhes.. kung naliligaw kayo sa story na to share nyo sakin ang opinion nyo..ok? promise yan hah?? Thank You!!! 😄😄😄

OH, MY BUTLER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon