Chapter 6: You Will Be My Butler!!!

94 8 3
                                    

(Haaaayy. . bayaan na nga kahit walang magbasa -.-  huhu T_T)

Biwan and Bitow's POV:

Hi *smile sabay kaway kaway * 😀. Ako nga pala si Bitow, kakambal ni Biwan. Kumusta po kayo? Ako? Eto. Nag-aalala kay Lady Megumi. Bakit kasi hindi siya pwedeng pumasok, eh kompanya nya naman 'to. Si Master Claude talaga, parang masyado naman 'atang hard sa bagong heiress. Di ba Biwan?

Oo nga, Bitow eh. Kawawa tuloy si Lady Megumi. Tingnan mo oh. Umuusok na yong ilong ni Lady Megumi sa galit kay Master Claude.

Nga pala. Nagtataka siguro kayo kung bakit pinagsama ang POV namin ni Bitow, ano? Sa totoo lang, . . hindi ko rin alam. Itanong nyo na lang don sa naka-singhot na author  nitong story.

[Excuse me! Wala akong sininghot hah! Mga 'to! Tsaka bakit ba? Eh trip ko ipagsama POV nyo eh. Hmp!]

Wag nyo na lang pansinin si Author. Di natin masakyan trip nya 'eh.

Sabayan nyo na lang kaming mag-alala kay Lady Megumi.

Bitow's POV:

Ano ka ngayon Ms. Author? Edi nahirapan ka ngayon. Hahaha!

[Shattap! Tirisin kita jan eh!]

Hmmp! Pag ako lumaki, hu u ka talaga sa akin! >.<

"ANNNNNOOOOOOO????" malakas na sigaw ni Lady Megumi nong sabihin ng isa sa mga guards na humarang sa amin, este, sa kanya lang pala, na pinagbawalan sya pumasok ni Master Claude. Kaya ayan umuusok yong ilong nya ngayon sa inis. Maski kami ni Biwan nabigla eh.

Kung bakit kasi ayaw tanggapin ni Master Claude ang bago naming amo, ang ganda pa naman ni Lady Megumi. Naiintindihan namin na hindi pa sya nakaka recover sa pag-alis ni
Don Marcelo kaya lang sana naman 'wag nya masyado pahirapan si Lady Megumi.

"Baka naman po mali ang pangalang nakuha nyo?" tanong ni Biwan sa mga gwardya.

"Hindi kami pwedeng magkamali. Megumi Reyes talaga ang pangalang nakasulat sa papel. Si Mr. Schnieder pa nga mismo ang nag-dala nito sa amin eh. 'Eto oh."

Dumukot ang gwardyang nag-salita sa bulsa nya at ipinakita sa amin ang papel.

"Akin na nga!"

Inagaw ni Lady Megumi ang papel sa guard. Halatang inis na inis ito.

"CLAUUUUUDDDDEEEEEEE!!!!! ASAN KANG ASUNGOT KA!!!??? LUMABAS KA 'JAN!!!!!"

0__0

"L-Lady Megumi?" nabigla ako sa pagwawala niya. At natataranta na kami nang makita naming may dala na syang malaking bato.

O____O - kami ni Biwan.

"Waaaaaaaaahhhhh!!! Lady Megumi!!! Ano po'ng ginagawa nyo???" natatarantang hinarang namin ni Biwan ang mga katawan namin sabay taas ng kamay. Kaso lang, huhuhu, walang silbi ang ginawa namin T___T mas mataas pa rin si Lady Megumi. Hindi namin sya maharangan.

"Wag kayong humarang dalawa! CLAUUDDE!!! Halika dito damuho ka!!!!!! SA KABILA NG PAG PUNTA KO DITO PARA HUMINGI NG TAWAD SA IYO, ITO LANG PALA MADADATNAN KO???? LUMABAS KA!!!"

Patuloy pa rin ang pag-sigaw nya. Nakukuha na nya ang atensyon ng mga tao kaya pinagtitinginan na kami dito. Huhuhu. Lady Megumi, tumigil ka na po! Huhuhu!!

"Lady Megumi. Tama na po 'yan. Paki-usap po T__T." pagmamaka-awa ni Biwan

Sa lagay na 'to, alam ko na hindi namin mapapahinahon si Lady Megumi. Tumingin ako sa gawi ng gusali. Kita ko ang mga taong naka-tingin dito na halatang nagtataka mula dito, nang -

OH, MY BUTLER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon