Prologue

1.2K 36 8
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events are incidents are either the products of the author' imagination are used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, leaving or dead, or actual event is purely coincidental.

********

Prologue

Paano kung isang araw makakilala ka ng isang lalaking, ubod ng yabang, ubod ng antipatiko, ubod ng sama ng ugali, ubod ng arte, ubod ng kabastusan, ubod ng gwap- este panget pala, anong gagawin mo?

Katulad nalang nito.

Naglalakad ako ngayon pauwi sa amin dahil galing ako sa trabaho. Medyo malakas pa yung ulan. Nakakainis! Wala kasi akong masakyan kahit ano manlang. Ang dilim pa naman tapos nakidlat pa. Huhuhu. Help me naman? Kanina pa ako lakad nang lakad dito. Medyo malayo-layo pa kasi 'to sa lugar namin.

Letseng mga sasakyan kasi na yan! Nasan naba kayo?! Tss.

Habang naglalakad ako may naririnig akong nag-aaway. Bigla akong kinabahan. Madilim pa naman! Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ko bago ko i-angat ang payong na hawak ko para makita ko kung may mag-aaway ba talaga. Woooh. Kaya ko 'to! *sign of the cross*

Bigla kong nailaglag yung bag at payong na hawak ko. Jusmiyo marimar! Bakit may ganyan dito?!

Isang lalaking may hawak na baril habang nakatutok sa isang lalaking malalagutan na ata ng hininga dahil puro na siya sugat. Hindi nanga siya nakatayo ng maayos dahil hinang-hina na siguro siya. Hawak-hawak lang siya ng ibang mga lalaki. Mukang hindi naman nila ako napapansin kasi mukang busy'ng-busy sila sa ginagawa nila at medyo may kalayuan ako sa kanila.

Bigla akong kinabahan nung ikinasa nang lalaki yung hawak niyang baril. Nakangisi pa siya na parang demonyo. Waaaaah. Ohmygod! What to do?! Kyaaaaaah! Ayokong makasaksi ng ganyan. Ayan na babarilin na niya! Ano bang gagawin ko? Bakit ba kasi wala akong nasakyan eh! Waaaaah! Dunno what to do.

A. Sisisgaw ako nang tulong.

B. Pupunta ako sa police station at magsusumbong.

C. Makikiepal ako sa kanila at sasabihing, huwag siya! *turo sa lalaki* ako nalang!

D. Tatakbo na ako paalis sa lugar na madilim na 'to.

Hayyss. Ang hirap naman pumili. Kapag letter A ay ang pinili ko ay maririnig nila ako. Syempre pag narinig nila ako, babarilin din nila ako. Huhu mahal kopa buhay ko. Kapag letter B naman ang pinili ko ay baka natsugi na yung lalaki ay wala pa yung mga police sa sobrang layo nito dito. Kapag naman letter C ang pinili ko, yaaaaah! Ayoko! Mahal na mahal kopa ang buhay ko. Kapag naman letter D ay hindi ako madadamay. Tama! Letter D nalang ang pipiliin ko ay makakauwi pa ako ng matiwasay sa bahay.

Pero paano naman yung lalaki? Kawawa naman siya.

Napatingin uli ako sa gawi ng mga lalaki. Napaatras at napalunok nalang ako nung ikasa na nung lalaki yung ganstilyo ng baril at itinutok uli sa gwapong lalaki. Oo gwapo, sobrang gwapo!

Wala na talaga akong choice.

"HUWAG!! ITIGIL NIYO 'YAN!!" Patay. Bakit ako sumigaw?! Pahamak ka talagang mouth ka! Nakita kong nakatingin silang lahat sa akin at nakakunot pa ang mga noo nila. Hala! Baka pinagiisipan narin nila akong patayin dahil sa pag-epal ko. Ayoko pang matsugi no! Amp, lalaban ako. Marunong naman ako makipag-away eh. Kaso nga lang may baril sila. Ano naman laban ng isang katulad ko? Maganda lang naman ako pero wala akong baril. Huhuhu.

Hays. Bahala nanga si tweety bird kay hello kitty. Huh, ano daw? Nakuha kopa talagang mag-joke tss.

"Hey mis---"

ANG NILILIGAWAN KONG ARTISTA.  (Jungkook & IU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon