Chapter 19
Pumasok na nga si Michiko sa school at napakaaga pa pala, nagloko kasi yung alarm clock niya, yan tuloy pagtingin niya sa wristwatch niya sa school, 6:25 a.m. pa lang.
" Oh! " O___O
" May tao na dito ng ganito kaaga? Teka, si June ba yun? "
Tumalikod nga si June, nakatambay kasi siya dun sa may bintana habang nakangalumbaba sa ledge. Ang sarap kunan ng picture, ang perfect kasi. Yung araw nasa likod niya tapos hinahangin pa yung buhok niya. Lalo pang napatitig si Michiko ng humarap na nang tuluyan si June at ngumiti ng paunti-unti sa kanya.
" Good morning, Michiko "
" Ah, good morning June... "
" Aga mo ah... "
" Oo nga eh...Nga pala, thanks dun sa flower "
Lalo pang napangiti si June at sinabing " So...by now, you must know that I'm dead serious "
" Yeah...But is it really true? The meaning of the flower? At ikaw? "
" Of course, gusto mo i-prove ko pa sayo? "
" Ano namang gagawin mo ha, June? Hahalikan m----"
Lumapit nga sa kanya si June at hinalikan siya sa cheek.
" Yep and kapag tinanong mo pa ng isang beses ulit 'yan baka halikan na talaga kita! Ikaw din! Haha! "
" You're back! Baliw ka talaga! Maging babae ka na nga lang ulit! " O//////O
Pinaghahampas siya ni Michiko sa chest pero yung parang palaro lang at biglang hinawakan ni June yung wrists niya kaya nagtititigan lang sila ngayon.
" Sige ka, Michiko. Ito na talaga... "
Pumikit na lang si Michiko at naramdaman niyang binitawan na ni June yung wrists niya pero hinawakan naman ni June bigla yung face ni Michiko at....................kinurot yung cheeks niya habang tumatawa ng malakas.
" Op! Next time! Ang cute mo talaga, Michiko! Hahaha! "
" Nakakaasar ka talaga!!! Baliw! "
" Baliw na baliw sayo? Oo naman! Hahaha!!! "
" HEY, creep! I can see that you already fixed things up with Michiko? "
" Yup! Tingnan mo oh! "
At inakbayan ni June si Michiko
" Bagay kami di ba, Mykee? "
" Uh...Yeah "
" Mykee! Wag ka ngang sumang-ayon sa mokong na 'to! Kadiri! Bitiwan mo nga ako! "
" Hmph! Kung makatitig ka naman sakin kanina, wagas! Aminin mo na, gusto mo din ako Michiko! "
" Wala akong aaminin! Magtigil ka! "
Nagpatuloy na nga ang school day at patuloy naman ang pagpapansin ni June kay Michiko. Kahit saan sinusundan siya! Kaya nung nakatakas siya nung lunch nilubos na niya
" Sa wakas! Makakapag-isa na din ako! Kailangan ko kaya ng alone time. Parang siya na lang kasi nakikita ko lagi "
May narinig na tumatawa si Michiko at pagkakita niya sina Bea at Laurence pala, kumakain ng lunch together sa garden. Ngumiti na lang si Michiko at umalis. Nang naglalakad na siya sa corridors pagkaliko niya dun sa hallway pabalik ng classroom, may nabunggo siya!
" Ah...sorry, Michiko! Di ko sinasadya yun promise!!! "
" Anong nangyari...June? " O//////O
" E--ewan ko! Who the hell walks while tilting their head up!? "
Napa-upo lang si June sa floor at tinakluban yung muka niya
" June! Tumayo ka nga! Mamaya may makakita satin tapos...sabihing pinapa-iyak kita. Tayo! "
Hinatak nga niya si June patayo at nagkalapit ang muka nila ng isa pang beses kasi nag-look up si June, nagtitigan sila at tumungo si June
" Sorry, Michiko..."
" Ok lang yun! Sira nga ako! Bakit nga ba kasi ako nakatitig sa ceiling habang naglalakad...Ok lang, June "
" Michiko...Hindi ok...That's not how I imagined our first kiss would be... "
" Eh? Kaya ka nag-sosorry dahil dun? "
" I wanted it to be perfect...Ah, sige. Sorry hindi ko na kaya mag-stay dito baka kung ano pang magawa ko... "
Umalis na nga si June at naiwang nakatayo si Michiko
" Nagkatotoo nga! Hinalikan na niya ako! Pero di naman sinasadya yun! At anong sabi niya? Kung ano pang magawa niya?! Ano ba talaga nangyari samin!? " O/////O
End of Chapter

BINABASA MO ANG
Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)
Teen FictionAng pinakasikat na lalaki sa school na gwapo at perfect sa lahat ay bakla!? At ano namang papel ng pinaka-loser at pinaka-nerd na babae sa kanya? Ano nga ba ang secret deal nila? Please support this work like how you supported the original one! Tha...