Chapter 18

115 0 0
                                    

Chapter 18

BEA'S POV

Pumunta kami sa locker area pagkatapos ng dismissal. At pagbukas ni Michiko ng locker niya may nahulog na dalawang flowers. Yung isa rose at yung isa naman tulip

" Wow! Kanino yan galing??? Pareho pang red! Ibig sabihin ba niyan ay love!? " sabi ko

" Parang ngayon lang ako nakakita ng totoong flower ah! Puro plastic lang kasi nakikita ko dun sa amin dati nung bata pa ako tapos I don't appreciate nature that much...Ikaw kaya ang tumira kasama ng mga magulang na napaka-modern ng pamumuhay! Allergic din ako sa pollen kaya syempre ayaw din naman siguro nilang magkasakit ang only girl nila di ba. Pero ngayon, kahit sa condo ko modern pa din ang style, hindi ata nature lover ang nagpatayo! "

" Mhm...Yung rose galing kay Laurie and yung tulip naman galing kay June " O//////O

" Admirers...Nakakamiss naman! Simula nung naging kami kasi ni Adrian hindi na ako nag-eentertain ng iba " 

" Ok, so ganun parang ako lang ang walang love life sa amin. Si Julia at Mykee may bf na and si Michiko may dalawang admirers. Kelan ba dadating yung para sa akin!? At speaking of dadating, nasaan na nga ba si Mykee? "

" A red tulip...That means 'believe my declaration of love' ...Who gave them to you, Michiko? "

" MYKEE! Ah...Saan ka ba galing? Bigla ka na lang talaga sumusulpot! Magkakaheart-attack kami sayo niyan eh! " O____O

" Well, si June ang nagbigay nung tulip...Iyon pala meaning nun? " O___O

" Oh I see um...I'll go ahead...See you girls tom.! I gotta go...um...and chat with my boyfriend on skype! Bye! "

" Bakit kaya parang nag-iba bigla mood nung babaeng yun? Aalis na lang bigla-bigla at iiwan kami...Ito namang si Julia ka-text siguro boyfriend niya at itong si Michiko gulat na gulat pa din dun sa meaning nung flower...Ayain ko na nga sila umuwi  "

" Ah...Tara na, halos tayo na lang din ang natitirang students dito sa school oh... "

Humiwalay na nga ako sa kanila kasi magkakaiba daan namin pauwi nang biglang nangati ilong ko...Ito na nga ba sinasabi ko eh!

*achoo!

*achoo!

*achoo!

*achoo!

 " Miss, panyo oh... "

" Ganito nagsisimula ang mga love story ah...Pero may mali, dapat umiiyak yung babae hindi bumabahing! Hay! Kadiri talaga ako! Sino ba 'tong lalaki na 'to "

" Thanks...Sorry, sa tingin ko sa akin na 'tong panyo mo "

Nagpupunas pa din ako at nag-focus na makahinga ng maayos kaya di ko pa din siya tinitingnan

" Ok lang, Bea "

Napatingin ako dun sa guy bigla

" Kilala mo ak--!!!??? "

" Syempre, i see you everyday with Michiko "

" Ikaw pala, Laurie "

" Laurie? Nakwekwento ba ako sayo ni Michiko? "

" Sorry! Si Michiko lang ba pwede tumawag sayo ng ganun? "

" Haha! Hindi naman, you can call me Laurie kung gusto mo...Sige ha, mauna na ako sayo "

" Sige "

At iyon na nga, nagsimula na siyang maglakad palayo at ako din. Didilim na din kaya, baka mapano pa ako! Katakot!

" Dito ka din pala nakatira? "

" Yeah...See you tom. Bea "

Magkapareho pala kami ng condo na tinitirahan kaya in the end parang naglakad kami ng magkasama pauwi. At isang unit lang ang pinagkalayo namin! Ewan ko ba kung bakit pero...

" Gusto mo bang kumain ng dinner kasama ko? Ang dami ko pa kasing food sa ref and baka masira lang ang mga yun kung hindi ko iluluto. Sayang naman "

Dami ko atang sinabi

" Sure " ^__^

Habang nagluluto ako, biruin mo yun tinulungan niya ako. Ang bait naman pala nitong si Laurie at talented pa, pati sa pagluluto! Ano pa kayang talents niya? Anyways, excited na ako kumain!!!

" Wow! This is good " ^___^

" Syempre, tinulungan mo ako. Haha! "

" Ang gwapo pala niya at nasarapan siya sa niluto namin...Ah! Nahalata ata niya na pinapanood ko siya kumain! Tumungo ka nga Bea!!! OMG...."

" Bea, do you think that Michiko's a great girl to be with? "

" Ah...Oo naman! Bakit mo natanong? Teka! Wag mo sabihing nagdadalawang isip ka sa friend ko!? "

" Hindi ko pa talaga alam since, di ko pa naman talaga siya kilala...But, would you help me in knowing her? Parang ano bang gusto niya, anong ayaw niya. Ganun "

" No prob! "

Nagdaldalan pa nga kami habang kumakain at si Michiko lang ang topic. Parang ang tagal na naming magkakilala at ang gaan ng feeling? Hmm? Nagsimula na kaming maghugas ng plates at ito nanaman ako, nakakahiya talaga! Na-push ko yung faucet pataas at tumama sa muka ko yung tubig. May narinig akong mahinang tawa at alam kong nagpipigil lang si Laurence.

" Ok ka lang ba, Bea? Halika nga dito, pffft! "

Tiningnan ko lang siya at tumutulo pa yung drops ng tubig sa muka ko. You're the best, Bea! Hay!!! Nagulat ako sa ginawa ni Laurence dahil, tinaas niya yung shirt niya ng slight at yun yung pinangpunas niya sa muka ko. (Tinanggal muna kasi niya yung polo na school uniform ng guys kanina bago kami magluto)

" Tama na, thanks! Ok na...Haha--- "

Napatigil ako sa pagtawa kasi nga nabasa yung shirt niya so, see through!!! Tama nga sinabi ni Julia, may abs si Laurence! O/////O

" Oh, ok ka lang? Sure ka? Bakit ganyan muka mo? "

" Wala! Gabi na, di ka pa ba uuwi? "

" Uh...Yeah, thanks for the meal. See you tom.! "

Umalis na nga si Laurie at yun, naiwan akong may masakit na nararamdaman sa puso ko? Ano daw? May heart attack nga ba akong na-eexperience?

End of POV

Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon