Chapter 36

85 1 0
                                    

                                               Chapter 36

FLASHBACK

GEORGIO'S POV

" Michiko? "

Nakita ko si Michiko na umiiyak nanaman sa rooftop. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan siya ulit pagkatapos ng balitang naghiwalay na daw sila ni June.

Tumingin siya sa akin at ginusto ko talaga siyang yakapin noon pero pinigil ko ang sarili ko dahil na din sa posibilidad na baka mas lumayo lang siya sa akin.

" Georgio...Wala ako sa sarili ko ngayon kaya...Please...lumayo ka na lang din sakin tulad ni June "

" Nag-aalala ako sayo Michiko "

" ...Salamat Georgio"

" Ano ba talagang gusto mong mangyari Michiko? At sino ba talagang gusto mo? "

Kung ano man ang isasagot niya ay handa ko ng tanggapin dahil ganon ko siya kamahal kahit pa hindi ako ang piliin niya.

" Gusto kong...malayo kay June dahil nagiging hadlang lang ako sa mga pangarap niya, kahit na masakit para sakin "

Ito na nga ba ang sibasabi ko. Hindi na ako mahal ni Michiko tulad ng dati. Ito na lang ang magagawa ko para sa kanya.

" Gusto mo ba talaga 'yon Michiko? Kung ganon, gamitin mo ulit ako. Pumapayag ako "

" Hindi kita maintindihan, Georgio..."

" Tingnan mo nga naman...Naaalala mo pa ba? Dati, ikaw ang lumapit sa akin para maging girl...Ah...Eh, para sumikat ka "

" Naalala ko..."

" Kaya ngayon...Michiko. Pabayaan  mong tulungan kita "

Pumayag nga siya at sa paglipas ng mga buwan na nagpapanggap kami ni Michiko, lumayo na talaga sa kanya si June. Patuloy silang nag-iwasan at kitang-kita ko ang lahat ng naging paghihirap ni Michiko. Doon ko na talaga napatunayan na iba na nga ang mahal niya pero ako siya pa din talaga eh...

" Ah...Georgio, may naiwan lang ako sa classroom...Teka lang ha "

Habang naglalakad siya palayo ay sinundan ko lang siya ng tingin ko. At nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin mula sa likuran ko.

" Pssst! "

" D! Ah...eh...Denise, bakit? "

" Kayo na ba talaga ni Michiko? "

" Oo naman...Bakit mo natanong? "

" Hmm...Magagalit ka ba kung aagawin ko siya sayo? "

" Ano? Huwag mo sabihing...Denise, tom--- " O______O

" Sira! Hindi! Gusto ko naman talaga siya maging kaibigan eh. Ikaw din kaya ang sumira sa friendship namin, alam mo ba 'yon? "

" Ah...Denise...Alam mo ba? "

" Ano? "

" Na-mimiss kita "

Hindi na siya nakasagot dahil dumating na nga si Michiko at gulat na gulat siya na magkasama na ulit kami ni Denise. At sa araw na iyon, naging medyo ok na ang lahat pero...Kita mo nga naman, napagod na din ako at nag-iba na talaga ang pagtingin ko sa naging best friend ko?

" Thanks sa paghatid sa akin, Georgio "

" Just doing my job "

" Sa tingin mo hanggang kailan natin kailangan magpanggap? "

" Para sa akin...Hanggang gusto mo sana pero..."

" Pero? "

" Michiko...Napakatanga ko ba dahil lagi kong pinapakawalan ang mga mahal ko? "

" Hindi naman...kung babalikan mo siya at papatunayan mong nagkamali ka talaga "

Gusto kong ibalik sa kanya yung sinabi niya dahil, ganon kaya ang ginawa ko para sa kanya! Michiko talaga, hanggang ngayon sakit pa din  sa ulo ko. Hahaha ^___^

" Oh, bakit parang napapangiti ka diyan? "

" Michiko, salamat sa mga pinagsamahan natin at this time...I want to tell you that I really loved you and I know now why I decided to break up with you before...It was not just because we'll be far away from each other but because what we felt was still not that strong enough. Right? And it's also because we're not meant to be in the first place "

" Georgio...OUCH LANG! Grabe ka naman! But, anyway...ang tagal kong hinintay ang maayos na closure na 'to "

Hinampas nga ako ni Michiko sa balikat ko pero imbis na malungkot siya, nakita kong nakangiti na ulit siya.

" I totally agree with you, Georgie! By the way...Not meant to be in the first place because? Pinilit lang kita? Hahaha "

" Maybe? But, higit doon na-realize ko na mas nakikita ko ang sarili ko sa hinaharap na si Denise ang kasama ko "

" Georgie!!! "

Niyakap na ako ni Michiko at wala na talagang malisya o ano man. Pure friendship? Sinong nagsabing hindi pwedeng maging friends ang ex-lovers?

" I want to be your best friend "

" Sorry but, my soon to be ex-new girlfriend again is also my best friend...But, if you want... "

At may binulong ako sa kanya. Tiningnan niya ako ng eye to eye habang nanlalaki pa ang mga mata niya at sinabi niya to habang hinahawakan ang mga pisngi ko.

" No way! Bahala ka sa buhay mo Georgio! Akala ko bumalik na yung Georgio na nakilala ko nung high school pero yung bad boy version pa din pala ang nasa harapan ko! "

At binuksan na niya yung pinto ng condo niya at isasara na niya

" Ayaw mo talaga? Bibigyan kita ng second chance!!! "

" Friends with Benefits mo muka mo! Hahaha! Bye! "

Umalis na nga ako ng Condo niya at sana mahanap na din niya ang taong gusto niyang makasama habang-buhay tulad ng nakita ko kay Denise

End of POV/Chapter

a/n:

Comments? Vote! Follow!

Ang Next Chapters po ay naka-focus na kayna June at Michiko. At bagong Characters :))))) Mahaba-haba pang kwento 'to!!!!

Support! Thanks :)

And sorry for the late update! Ginusto niyo bang magkabalikan sina Georgio at Michiko?

Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon