Chapter 21

102 0 0
                                    

                                                      Chapter 21

JUNE'S POV

" Psst! Pansinin mo naman ako oh! "

" Hmph! "

" Ganun ba niya kaayaw na makasama ako!? At dun niya gusto mag-stay sa tabi nung Laurence na yun?! Aba! At hindi man lang niya ako tinitingnan! Michiko, ayaw mo talaga ako pansinin ha!  "

Tumayo si June at binasa si Michiko ng tubig mula sa dagat, kasi dinala niya si Michiko sa isang resort sa Batangas na nasa tabi nga lang ng dagat. Pumikit lang si Michiko at hindi nagsalita.

" Hala! Tumama sa muka niya! Mukang naiinis siya! Ano bang dapat kong gawin!? " O____O

" Ah, sorry Michiko! Teka, ikukuwa lang kita ng towel!  "

Pabalik na sana siya sa loob nung resort pero tinawag siya ni Michiko at pagharap na pagharap niya ay may sumalubong din sa muka niya na tubig. Tiningnan niya si Michiko at halatang nagpipigil ng tawa. 

" Foul yun ah!  "

" Anong foul!? Ikaw kaya nauna, tahimik ko nga na naka-upo lang eh...Tsk! "

" Kaya nga eh, gusto ko pansinin mo naman ako "

" Hindi ko alam kung bakit pero, napatulala lang si Michiko sa akin at namumula ata siya or dahil lang sa araw yun. Baka imagination ko lang! Ah---!!! "

Binasa nanaman siya ni Michiko at napunta na nga sila dun sa medyo malalim na part ng dagat kasi tumakbo si Michiko palayo.

" Alam mo June, para kang bata! May gumagawa pa ba ng ganit--- "

" Michiko! "

Natalisod si Michiko sa kung ano kaya sinalo siya ni June...

" Aray! Ikaw ata ang bata, nadadapa pa din hanggang ngayon! Haha "

" Niligtas mo naman ako ah...Muntik na yun! Akala ko mababasa na tayo ng tuluya---- "

Nadulas naman si June at dahil hawak niya nga ang mga braso ni Michiko, pareho silang nahulog. Napasigaw na lang silang dalawa...

" What the---Teka! This is the perfect moment...But..."

End of POV

MICHIKO'S POV

" Hindi ko siya kayang tingnan sa mata! Ang lapit nanaman kaya ng mga muka namin sa isa't isa! Wait! Anong binabalak niya!??! Hindi ako makahinga! Continuation ba ito nung araw na yun!? "

June really kissed Michiko on the side of her cheek na sobrang lapit na sa lips niya at this time hindi na ito aksidente, lalong hindi lang parang hangin na dumaan kagaya ng sinabi ni Michiko dati. She closed her eyes and na-realize niya na totoo ang nangyayari ngayon at gusto na nga ata niya si June?

" Hahaha! Tara na! Muka tayong ewan dito!  "

" Tama ka, ayakong magkasakit ka pa. Let's go "

Naunang tumayo si June at tinulungan niya ngang makatayo si Michiko. Nagtinginan pa nga muna sila pero wala pa din silang sinasabi sa isa't isa dahil magkahawak pa din sila ng kamay para support kung sakali mang mahulog ulit sila. Pumasok na nga sila sa loob nung resort. 

" Miss, ready na ba yung pina-reserve kong rooms dito? "

" Yes sir, pero pasensya na po. Dahil po sa isang emergency isang room lang po yung maibibigay namin sa inyo at tsaka po kanina lang din po kasi kayo nag-request "

" WHAT!!!??? Isang kwarto lang?! " O////O

" Ok Miss, paki-notice na lang kami kung magkakaroon pa ng available room later  "

" Yes sir, ito na po yung key sa room niyo po "

" Hindi man lang ba kinakabahan 'tong si June!!?? Yung puso ko! Daig pa siguro sa pagtakbo yung pinakamagaling na track and field athlete! JUSMIYO! "

" Oh, bakit ayaw mong pumasok Michiko? "

" H--Hindi ah! Ito na oh! See " O/////////O

" Alright, hey...You can take a shower first and alam mo ba! I snatched some clothings from the photoshoot, haha!  "

" What!? Lagot ka kay Bea niyan! "

" Hmph! Paano naman nila malalaman na may nawala sa wardrobe nila? Hahaha! Sige na, ako susunod. Bilisan mo ah "

" OK "

Pumunta na nga si Michiko sa shower room  

End of POV

Habang nagpapatuyo ng buhok si Michiko, narinig niya na bumukas na yung pinto ng shower room

" Ang tagal mo namang naligo, haha "

" Oy, hindi ah. Mas matagal ka pa kaya sa akin Michiko "

Humarap na si Michiko at lumaki ang mga mata niya sa nakita niya. Shirtless pa si June at napatingin din naman siya kay Michiko

" Pst! Michiko! Anong iniisip mo ha??? "

Tinakluban ni June yung chest niya at kinuwa yung t-shirt na nasa ibabaw ng bed sabay sinuot ito ng mabilis

" Wala kaya! Ano kasi..."

" Ano? May iniisip ka eh...Haha " sinabi ni June na pang-asar pa yung muka at naka-smile

" KASI PO WALA KANG ABS KATULAD NI LAURIE! HAHAHA " O///////O

" Ah, yun ba? "

Biglang lumapit si June kay Michiko at kinuwa yung kamay ni Michiko. Niginitian pa nga niya si Michiko at nilagay niya yung hand ni Michiko sa chest niya kung saan tapat yun nung heart niya

" Kahit pa may 6-pack abs yun, may puso naman akong handa kang mahalin ng buong-buo "

" Sira! " binatukan niya si June

" Aray!!! Eh...Totoo naman yung sinabi ko "

Kinuwa niya ulit yung kamay ni Michiko pero ngayon both hands na at hinawakan niya ito ng mahigpit then nilagay sa gitna nilang dalawa

" Michiko, sagutin mo nga ako. Yung maayos ha! Do you like me? "

" Tsk! Ayako ngang sagutin "

At sinubukan ni Michiko na kumawala sa pagkakahawak ni June pero mahigpit talaga eh. Nagkatitigan pa tuloy ulit sila

" Kanina hindi mo ako iniwasan pero ngayon bibigyan kita ng chance... Iwasan mo ko kung ayaw mo sakin "

Sinipit pa ni June yung buhok ni Michiko na nakaharang sa muka niya sa right ear ni Michiko, pagkatapos he closed his eyes at hahalikan nga talaga niya si Michiko!!! Michiko closed her eyes and then......

biglang may kumatok sa pinto

Nag-sigh si June at tumungo pa siya. Nagkamot pa siya ng ulo at halatang na-disappoint, si Michiko naman ay gulat na gulat at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Pumunta na si June sa may door at kinausap siya nung tao

" Michiko, may available na daw na room...You can go now if you wa--- "

Nilampasan na siya ni Michiko

" Yeah! See you tomorrow!!! Good night! "

Bago pa mapihit ni Michiko yung door knob, may humawak ulit sa kamay niya para pigilan siyang makalabas

" I just want to tell you and para di mo makalimutan. Di ka umiwas Michiko " with a smile na abot hanggang langit

Ngumiti na lang si Michiko at lumabas na nung kwarto. Hindi na kasi kakayanin pa ng heart niya na mag-stay sa piling ni June kundi sasabog na siya!

" I actually fell for him today? "

End of chapter

Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon