Chapter 29

70 0 0
                                    

                                               Chapter 29

Michiko's POV

" Here's your i.d. pass. I didn't know he had a girlfriend...Walk down that hallway then turn left "

Inabot nga sakin nung babae yung tag na may nakalagay na VISITOR

" Thanks Miss..."

Hindi nila alam na may girlfriend si June? Bakit makakasira ba sa isang sikat na sikat na model kung may girlfriend siya na simple lang? Ok, back to being Ms.Unpopular? At this time hindi na sa school kundi sa buong Pilipinas

Pumasok nga ako dun sa pinto at busy lahat ng tao, may mga model na sinusuotan ng damit yung iba nasa make-up station at ang liwanag dun sa may photoshoot mismo. Nakita ko dun si June na nakapose at nakatingin sa camera. Nang biglang may dumating na girl dun sa set at umupo sa legs ni June...Ok? Sarap sigawan na Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!? Pero...duh, alam kong trabaho lang yun ni June

" Ikaw! Ano pa bang ginagawa mo diyan! Come with me! "

" Teka! Hindi ako--- " O______O

Hinatak ako nung isang guy at pina-upo ako, syempre nilagyan ng lipstick, blush on, at kung anu-ano pa. Pinagsuot din niya ako ng wig at boom! Ibang-iba na ichura ko!

" Change into this "

" Wait---- "

Tinulak na ako nung guy dun sa dressing room at may choice pa ba ako? Baka sigawan ulit ako nun kapag di ko 'to sinuot, pagkalabas ko ngumiti yung guy na nag-make up sa akin at sinabi niya

" Perfect. Now go to the set! Faster! "

Eeeek! Ano!!?? Ako naging model bigla!? Pumunta nga ako dun sa set, ayako na talaga masigawan ulit eh. Nakita ko na iniiba na nila yung damit ni June at nire-retouch yung make-up niya. Bumalik na si June sa pwesto niya kanina at ako naman tumayo lang nang straight na straight at nakatingin sa kanya samantalang siya focused na focused sa camera.

*Click

" Nice shot! Now look at the camera, both of you! "

Napatigin nga ako dahil, nagulat ako

*Click

" Miss, can you come closer to June and change your pose! "

Nagulat nanaman ako at tapos dahil di ako sanay sa ganito kataas na heels, natalisod ako! Pero...nasalo ako ni June

*Click

" Nice! "

Napatingin ako kay June at nakatingin din siya sakin

*Click

" Wow! This picture would be used as the front page of the magazine for this month! That's a wrap everyone! "

Tiningnan lang ako ni June at parang nagulat din siya. Tinititigan niya ako ng mabuti kaya tumingin na ako sa iba kasi baka mamula ako! Nagsalita ako pero iniba ko yung boses ko para di niya mahalata

" What? "

" You look like someone I know..."

" Really? Is it your girlfriend by any chance? "

" Uh..."

" Aren't I much more beautiful than her? Haha "

Tiningnan lang ako ni June at iniwan na niya ako. Taray ha! Hinubad ko na yung heels at tumakbo para makapagpalit agad sa damit ko kanina. Pagkalabas ko nung dressing room, nilapitan ko yung make-up artist na guy kanina

Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon