Chapter 31
CLICK THE SONG!
MICHIKO'S POV
" Michiko..."
Binanggit niya ang pangalan ko at kinilabutan talaga ako! Hindi ko talaga inaasahang ganito kami magkikita ulit ni Georgio.
" Kamusta ka na? "
Hindi ako makasagot sa kanya. Ang dami ng nagbago sa akin pero siya...Parang wala pa ding nagbago. Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin...Kung paano niya hawakan ang kamay ko, kung paano niya ako yakapin at kung paano-----Magtigil ka Michiko!
Bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko umiikot ang tiyan ko!
" H...Hello. Ok lang ako.... " yan lang ang na-manage kong masabi
" Di ba G, nasabi mo sakin na schoolmate mo si Michiko dati? Tama ba yun, Ate idol? "
" Tama...Schoolmates nga kami. "
Iyon lang pala ang alam niya, schoolmates kami ni Georgio dati...Bakit kaya hindi niya sinabi sa babaeng girlfriend niya ngayon na naging kami? Hmph! Wala na akong pake!
" Ah, D. Binili na kita ng Sausage Bun yung favorite mo. Let's go? "
" Nako! Wait lang! Ibigay mo na lang kay Ate Idol yan! Bili na lang ulit ako! Hanap na kayo ng table natin! "
At umalis nga si Denise, naiwan kami ni Georgio na magkasama. Hindi ko dapat ipahalata sa kanya na naiilang ako! Nag-aacting workshop na din kaya ako ngayon!
" Georgie, tara? Haha " at nginitian ko pa siya
Naglakad kami side by side at dahil nga maliliit lang ang mga isle sa caf. Nagkakabungguan yung mga kamay namin at nagkadikit pa yung mga balikat namin. Pero wala na akong pake...Do i really miss him after all ng ginawa niya sakin? I guess not! Hmph! >___< I won't let him see na I'm affected by his presence at all! Keep smiling Michiko!
" Michiko.... "
Napatingin ako kay Georgio dahil nasa likod ko na siya at pagkaharap ko hinatak niya ako palabas ng Caf papunta sa isang hallway. Naririnig namin lahat ng ingay sa loob ng Caf pero kaming dalawa lang ang nasa hallway na 'to. He cornered me sa isang wall.
" What do you think you're doing?! "
" Greeting you? " at nag smirk si Georgio
Itinulak ko siya pero walang nangyari, at ngayon hinawakan pa niya ang dalawa kong kamay at isinandal sa pader na nasa likod ko. Ang higpit nung pagkakahawak niya kaya hindi na ako makapalag pa.
" I've been thinking about you for the past few months. Tell me, naging kayo ba ni Laurence? "
" Si Laurie? Hindi...Bitawan mo nga ako! "
" Then, I still have a chance? I missed you Michiko "
Nagliwanag ng kaunti ang expression niya sa muka niya
" You have a girlfriend Georgio! Ano ba! "
" She thinks that way...But, i don't really love her "
" Pwes! Ako meron akong boyfriend at mahal ko siya! "
" Are you sure? "
" Of course!!! "
" What if rebound mo lang pala siya? "
" I'm totally over you, Georgio "
Nakita kong pinabayaan niya ang guard niya at napuno ng galit ang muka niya. I never saw him like this before....
Tinulak ko siya at bumalik na agad ako sa loob nung caf. Nakita ako ni Denise at ngumiti siya sakin, pina-upo niya ako sa isang vacant chair at umalis siya. Pagbalik niya kasama na ulit niya si Georgio.
" Akala ko iniwan niyo na akong dalawa! Haha "
" Um...Denise " gusto ko sanang sabihin na gusto ko nang umalis dahil sakin lang nakatitig si Georgio pero biglang nakuwa ng isang grupo ng mga babae ang atensyon ni Denise
" Ooooh!!!! Sino kaya yung pinagkakaguluhan dun!!?? May artista ba??? "
Tumingin ako at nakita ko si June!
" Op! Ate Idol!!! Di ba yun yung male model na nalilink sayo??? Dito din siya nag-aaral??!! "
" I guess I need to help him...."
" Ah...Ako na lang!!! Stay put ka lang diyan Ate Idol! I volunteer as tribute!!! Hehe "
JUNE'S POV
" Nahihirapan na akong makahinga...Ano ba 'to!!! " T_____T
Biglang may humatak sa akin at nakalabas nga ako dun sa grupo ng mga babae na kumukulit sakin. Sino naman 'to?
" Woah!!! Ikaw nga!!! Ang gwapo mo pala talaga! Lika po, dalin ko po kayo kay Ate Idol! "
" Ate Idol? Uh...Who are you? " O____O
" Denise Cruz! Si Ate Idol....si Michiko? "
" Talaga? Kasama mo siya? "
" Yup. Nandun sila oh! Kasama ng boyfie ko!!! "
Tinuro niya nga yung table kung nasaan si Michiko at namamalikmata ba ako o si Georgio talaga yung nakikita ko?! Nahigpitan ko tuloy yung hawak ko sa kamay nitong maliit na babae.
" Ah...Kuya Idol, mej masakit po...Yung hawak niyo. Hehe "
" Oh...I'm sorry "
Nilapitan ako ni Michiko at hinalikan niya yung cheek ko O///////O. Hindi pa din ako sanay, haaay! Teka! Bakit ba niya kasama 'tong nightmare ko!?
*See older chapters, nightmare ni June si Georgio. Kiss? Haha *
" Denise, siguro kilala mo na siya. He's my boyfriend. Julian Neil Gonzales "
" Bagay na bagay po kayo Ate Idol ni Kuya June!!! "
Tinitigan ako sa muka ni Georgio at biglang lumaki ang mga mata niya
" June?! " nabulunan at umubo-ubo pa si Georgio
" May naalala ka ba Georgio? Haha "
" Tsk! Naaalala din pala ni Michiko yun...Kadiri talaga! "
Natawa si Michiko at umupo na kami. Sinubuan pa ako ni Michiko ng food at halatang nagseselos si Georgio.
" It's nice to meet you Denise and to see you once again Georgio. I have to go. See you later Michiko "
" See you "
At hinalikan ko naman sa pisngi si Michiko bago ako tuluyang umalis. May kailangan pa kasi ako gawin. Pag-alis ko parang hindi makapaniwala si Georgio sa mga nakita niya. Haha! Buti nga! :p
End of Chapter
A/N: Frappuccino
Comments? Violent reactions? I guess may pagbabago din sa ugali si Georgio. Don't you think so?
Ready na ba kayo sa isang Bad Boy na Georgio?
Ang next chapter po ay tungkol kay Denise Cruz. Special Chapter
BAGAY BA YUNG SONG?

BINABASA MO ANG
Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)
Fiksi RemajaAng pinakasikat na lalaki sa school na gwapo at perfect sa lahat ay bakla!? At ano namang papel ng pinaka-loser at pinaka-nerd na babae sa kanya? Ano nga ba ang secret deal nila? Please support this work like how you supported the original one! Tha...