Chapter 34
(Play The song!)
Naabutan nga ni Georgio si Michiko
" Michiko! "
" Georgio? Bitawan mo ko. Kailangan kong kausapin si June! "
" What will you tell him? And bakit siya nasa Condo mo? Iyon ba yung araw na---Don't tell me...You gave everything to him?! "
" It has nothing to do with you and so what if binigay ko na nga ang lahat kay June? Mahal ko siya kaya pwede ba Georgio...Ginugulo mo lang kami "
At pinilit ngang tanggalin ni Michiko yung pagkakahawak sa kanya ni Georgio. Tumakbo na ulit siya palayo
" Maghihintay lang ako, Michiko...Babalik ka din sakin "
" G? "
" Denise! "
" Ano yung pinag-uusapan niyo ni Ate Idol? "
" D..I haven't told you yet...Naging girlfriend ko si Michiko when I was still in High School... "
" And you're clearly not yet over her...Right? "
" I'm sorry D...."
" Don't call me by that nickname anymore, Georgio "
" Denise... "
" Best of luck to you...Panakip butas lang pala ako. Haha...Oh and...Maybe, you still have a chance with her. See you around "
" Denise, hindi ba pwedeng maging magkaibigan tayo? "
" Georgio...I need some space. Minahal kita dahil akala ko mahal mo din ako...Yun pala ako lang ang nagmamahal..."
Umalis na nga si Denise
" June! "
" Michiko..."
Pagkaharap sa kanya ni June ay parang hindi maipaliwanag ang itsura niya pero ang nararamdaman niya ay kitang-kita sa lungkot ng mga mata niya.
" What is it??? "
" Michiko...Kakausap ko lang sa manager ko and he told me...
" What? "
" Michiko...The public didn't respond well with the issue..."
" Anong ibig mong sabihin June? "
" Michiko...He threatened me that he won't make me an artist anymore and he also told me---"
Napa-iyak na si Michiko at niyakap siya ni June
" to let me go? "
" Michiko...You know...I can't do that. I'll tell them that I'm going to give up my career! "
Hinawakan ni Michiko si June sa mga balikat niya at pinunasan niya yung mga luha niya
" June...Wag mong gawin 'yon. Pangarap mo 'to di ba...Malapit mo ng matupad 'yon at ayakong maging hadlang sayo..."
" But I don't need the fame anymore! I have you! "
" June...Baka pagsisihan mo...Andito lang naman ako sa likod mo lagi..."
" Michiko! Mas kailangan naman kita kaysa sa trabaho ko "
" June..."
" Huwag mo sabihing...Ikaw na ang nakikipaghiwalay sakin...Michiko, ayakong pagsisihan mo din 'to...Hindi mo na ba ako mahal? "
" Hindi sa ganon...June "
" Michiko...Mas mahal kita kaysa sa work ko "
" Mahal din kita June..."
" Then, anong problema Michiko? "
At biglang lumabas sa mga bibig ni Michiko ito dahil alam niyang iyon lang ang tanging paraan...
" I----I'm falling for Georgio again! "
" Mi...Michiko, nagsisinungaling ka "
" Hindi June...Totoo yung sinasabi ko "
" Hindi ako naniniwala Michiko "
" June, makinig ka! I loved you, ok? But now...Everything has changed dahil bumalik siya "
" Michiko..."
Tumalikod na si Michiko at napa-iyak na talaga siya. Niyakap siya ni June mula sa likuran niya at may binulong sa kanya si June
" Michiko...Minahal mo ba talaga ako? "
Gustong sabihin ni Michiko na sobra at hanggang ngayon siya lang naman talaga ang laman ng puso niya pero...
" Hindi, June "
Inalis niya ang pagkakayakap sa kanya ni June at tumakbo na siya paalis
End of Chapter
PLEASE COMMENT! AND VOTE OR FOLLOW ME! :D
BINABASA MO ANG
Mr. Popular and Ms.Unpopular (Tagalog)
Teen FictionAng pinakasikat na lalaki sa school na gwapo at perfect sa lahat ay bakla!? At ano namang papel ng pinaka-loser at pinaka-nerd na babae sa kanya? Ano nga ba ang secret deal nila? Please support this work like how you supported the original one! Tha...