Pasko Sa Pinas

404 13 7
                                    

Nakakamiss pala ang pasko sa Pilipinas. Namiss ko ang magpasko rito. Lagi nalang kasing natatapat ang paglipad ko tuwing pasko. Mabuti nalang ay sinuwerte ako, makakasama ko na ang pamilya ko ngayong pasko. Pangalawang beses ko ng magpasko rito sa Pinas simula ng magflight attendant ako.

“Merry Christmas, Kate.” Pagbati sa akin ng isang kasamahan ko sa flight attendant.

“Merry Christmas rin.” Bati ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa labas ng airport.

Kasabay ng aking paglalakad ay ang paghila ko sa aking maleta na kulay pula. Nakangiti kami sa mga taong bumabati sa amin ng ‘Merry Christmas’. Ang saya sa pakiramdam na may bumabati sayo ng ‘maligayang pasko’ gayung hindi mo naman sila kilala.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nakasabit na parol sa airport. Kahit maingay sa lugar na ito ay hindi pa rin nasasapawan ng ingay ang mga kantang pinapatugtog. Nilibot ko ang aking tingin sa mga taong abala sa iba’t iba nilang gawain.

Subalit ang talagang nakapukaw ng aking atensyon ay ang isang babae na nagmamadali sa paglalakad patungo sa pinto ng airport. Nakakatuwa dahil nakangiti siya at mukhang atat na atat. Nakikita ko ang aking sarili sa kanya. Ganyan ang reaksyon ko nang makauwi ako dito sa Pilipinas noong araw ng pasko. Hindi ko na matandaan ang taon na yun.

“Nakakatuwa ang babae, ano? Siguro ngayon lang yun umuwi mula sa ibang bansa matapos ang ilang mahabang taon.” Sabi ng lalakeng kasama ko sa flight attendant.

“Oo nga eh, naalala ko ang sarili ko sa kanya.” Nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa babaeng iyun.

Napatigil siya sa paglalakad at may dinukot sa bulsa. Naningkit ang aking mga mata nang hindi masyadong makita ang kanyang dinukot. Pero para siyang isang maliit na picture frame. Nakita kong mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang tignan ang maliit na picture frame. Siguro may laman iyun litrato ng mahal niya sa buhay.

“Tara na?” pagyayaya ng isa kong kaibigan na siyang nagpabalik sa aking katinuan. Masyado akong natuwa sa babae.

“Sige!” pagpayag ko at pinagpatuloy na ang paglalakad.Dahil sa babaeng yun, natuwa ako ng husto. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman.

***

Nakangiti akong pumasok sa taxi. Napadako ang aking tingin sa taxi driver na ngayon ay nakatingin sa akin gamit ang salamin na nasa taas.

“Ma’am, mukang masaya ka po ah. Merry Christmas po.” Nakangiting sabi ng taxi driver. Siguro kung lahat ng driver ay katulad ni kuya na nakangiti ay malamang magiging masaya ang bawat taong sasakay sa taxi.

“Merry Christmas rin po, kuya.” Sabi ko sa kanya at binaling ko na ang aking tingin sa bintana. Gusto kong makita ang mga nagliliwanag na mga palamuti sa bawat gusaling aming dinadaanan. Ibang iba talaga ang pasko dito sa Pilipinas.

Kahit simple lang ang mga disenyo ay ramdam na ramdam mo ang pasko dahil sa mga kantang nilalapat nila rito. Nakakatuwang pagmasdan ang pagbabago ng kulay ng mga Christmas lights na nakalagay sa bawat sulok ng mga gusali.

“Wala pa rin talagang tatalo sa pasko dito sa Pilipinas.” Napatingin ako kay kuyang driver na ngayon ay nakatingin ng diretso sa kanyang dinaraan. Nakakatuwa si kuya, kahit Noche Buena ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya ng nakangiti at hindi iniinda ang pagod na kanyang natatamo.

“Kuya, hindi ka ba uuwi para makasama mo man lang ang pamilya mo?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa salamin na nasa taas. Gusto kong makita ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Wala na akong pamilyang uuwian.” Ramdam ko ang lungkot ni kuyang driver nang sambitin niya ang katagang iyun.

Gusto ko siyang pasayahin ngayong pasko pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong maramdaman niya na may pamilya siya kahit papaano. Ilang minuto ang lumipas ay unti unti ng bumabagal ang daloy ng trapiko.

Team FogiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon