One of the characteristics of Snakes is Timid.
“She always hide her feelings for him because she’s afraid he might ignore her. While he always seek the perfect and right time to confess his feelings.”
---
Buong pwersa niyang binato ang hawak niyang bato sa dagat. Sa sitwasyon niya ngayon, tanging ito na lang ang magpapagaan ng nararamdaman niya. Hindi kasi siya pinapakinggan ng mga magulang niya. Kaya naman nagagalit siya at the same time…nalulungkot.
Bawal naman niyang ipagsabi ang problema niya sa eskwelahan dahil alam naman niyang walang makikinig. Nagkaroon naman siya ng mga kaibigan ngunit tinraydor lang siya. Pinagkatiwalaan niya sila ngunit hindi naman sila tunay na kaibigan.
Kaya naman ahas ang turing sa kanila ni Iris. Sila ang dahilan kung bakit takot nang makipagkaibigan si Iris sa iba. Natatakot kasi si Iris na baka…husgahan kaagad siya at lokohin lang ulit. Dumampot ulit siya ng mga bato sa paanan niya, gaya ng ginawa niya kanina, at binato niya ‘to sa dagat.
Gusto niyang ilabas ang lahat ng hinanakit niya sa mga magulang niya. Sa pamamagitan ng suicide. Huminga siya nang malalim at humakbang papalapit sa dagat. Gusto niyang wakasan na ang buhay niya para hindi na siya pahirapan pa ng mga magulang niya. Parang hindi na kasi siya anak ng mga ito kung ituring.
Sa t’wing may problema siya, hindi siya nito dinadamayan. Nakakailang hakbang pa lang siya papuntang dagat nang biglang may humawak ng braso niya. Napakunot ang noo niya at namula ang buong mukha niya. Hindi dahil sa kilig kundi sa inis. Napakainit ng ulo ni Iris ngayon at mas lalala pa ata ito dahil sa humawak sa kaniya. Hinarap niya ito at tinanggal ang kamay nito sa braso niya.
“Hindi lahat ng problema dinadaan sa ganiyan, ” sabi ng lalaki sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya ng diretso. Mahahalata mo sa mukha ng lalaki na nag-aalala ito kay Iris.
“Wala kang alam,” tipid na sagot ni Iris sa lalaki. Tinignan niya nang ilang segundo ang lalaki at saka tumalikod. Ipagpapatuloy niya ang gagawin niya. Lumapit ulit siya sa dagat.
Kaya niya gustong mabura sa mundong ‘to dahil natatakot siya. Natatakot siya na baka habang tumatanda siya, mas lalo ring mawawala ang atensyon ng mga magulang niya sa kaniya. Nakatayo na ngayon si Iris sa gilid ng dagat. Nababasa na rin ang paanan niya dahil sa alon. Natulala siya nang saglit at nag isip isip bago gawin ang lahat…bago tapusin ang lahat.
Handa na ba ako? Matagal ko na ‘tong pinag isipan. Kayak o ‘to.
Lumusong na siya sa napakaalat na dagat. Ipinikit na niya ang mga mata niya at hinayaang tangayin siya ng alon. Siya na ang bahala sa’kin.
Nang medyo tinatangay na siya ng alon papalayo sa kinaroroonan niya kanina, bigla na lang may bumuhat sa kaniya. Agad naman siyang napamulat. Ang maputlang balat niya ay napalitang ng pula dahil sa inis. Paano ba naman kasi―binuhat siya ng lalaking humawak sa braso niya kanina upang tigilan siya sa balak niyang gawin.
“Miss, hindi ito ang solusyon sa kung ano mang problema mo. Hindi mo ba naisip na baka pagsisihan mo ‘to?” sunod sunod na sabi ng lalaki kay Iris habang lumalangoy. Nang nasa buhangin na sila at ligtas na si Iris, biglang itinulak ni Iris papalayo sa kaniya ang lalaki. Medyo magkadikit kasi ang mga katawan nila.
“Bakit mo ba ako niligtas? Hindi ka si Super man para gawin ‘yan,” naiinis na sabi ni Iris sa lalaki habang nakakunot ang noo niya.
“Oo, hindi ako bayani para iligtas ka pero sayang naman ang buhay mo,” sagot ng lalaki kay Iris. Tumayo ang lalaki at pinamulsa ang kamay nito sa magkabilang bulsa niya, “Sa tingin mo ba masayang makakita ng taong magpapakamatay sa harapan mo? Hindi diba?” tanong ulit ng lalaki sa kaniya.