Pasko? Ano ba'ng meron sa Pasko? It's just a day. Para sa'kin, isa lang yung ordinaryong araw. Ang nakapagpaespesyal lang naman dun ay ang fact na birthday yun ni Jesus. That's it. Nothing more, nothing less.
Kagagaling ko lang sa trabaho at nagpapahinga na ako sa sofa. December 24 na at ang lahat ay nagsasaya. Lahat sila... except sa'kin. I used to love Christmas. Ito ang favorite holiday ko. Well, people change. Ayoko na sa Pasko. Wala naman kasing saysay kung magcecelebrate ka ng Christmas na mag-isa 'di ba? Ano'ng essence nun? Kakain ako ng noche buena mag-isa? Exchange gift with myself? Pupunuin ko yung Christmas tree ng mga regalo? Para kanino? Wala na silang lahat.
Lahat sila, iniwan ako. Is that what you call celebrating Christmas?
Papunta akong kusina nang mahagip ng mata ko ang picture frame sa isang aparador sa gilid. Family picture namin.
I used to celebrate Christmas with them. Pagluluto kasama ni Mama, pag-aayos ng Christmas tree, pagbabalot ng mga regalo at sama-samang pagkain ng noche buena. Lahat yun, naranasan ko noon. I was so happy with my life until my dad left. He said he loved another girl, and so he decided to live with her. Oh screw them!
I was 13 years old then while my sister, Mary, was just 5. Wala siyang alam sa mga nangyayari. Ang alam niya lang, umiyak. What about me? Natuto akong maging malakas para sa kanila. Naging responsable ako at sinikap tumulong kay Mama.
Itinaob ko ang picture frame at dumiretso na sa kusina. Sinilip ko ang refrigerator at nakitang wala na itong laman. Hindi pa pala ako nakakapag-grocery uli.
Napagpasyahan kong lumabas na lang para bumili ng pagkain sa kainan ni Aling Luz. Malapit 'yon sa simbahan at 'yon lang ang kainan dito na 24 hours.
Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin paglabas ko pa lamang ng pinto. Ang mga dekorasyong pang-Pasko ay kitang-kita dahil sa liwanag nito. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga 'to. Nakaka-miss din palang mag-celebrate ng Pasko kasama ang mga mahal mo sa buhay.
Naglalakad na ako nang makasalubong ko si 'Nay Teresita, isang kapitbahay na naging malapit na rin sa aming pamilya. Kinumusta niya lang ako pati ang nanay ko na siya namang dahilan para maalala ko ang isang pangyayari mula sa nakaraan.
Simula nang mawala si Papa, wala nang naging masayang Pasko. Dahil ang nanay ko, nagpakabaliw, nalulon sa alak, naengganyo sa sugal at natutong manigarilyo. In short, she wasted her life for my good-for-nothing father. Lumaki akong mag-isa. Ako ang nagdisiplina sa sarili ko, nagpalaki sa kapatid ko, at nagsikap patinuin ang nanay kong feeling teenager kung sirain ang buhay niya.
Galit ako sa mundo. I don't want this life. Who would want this kind of life? Sa ganitong sitwasyon, mararamdaman mo pa ba kung gaano kaespesyal ang Pasko? Paano?
Bumalik ang masayang buhay namin nang tumino si Mama. Ang buong akala ko, napatino ko na siya. Pero mali pala ako. Tumino siya dahil sa isang lalaki.
Naging masaya kami pero panandalian lang. To cut the story short, ayaw sa'ming dalawa ni Mary nung lalaki. Si Mama lang ang gusto niya. Ito namang si Mama, sumama sa kanya at iniwan kami. When I thought that we're finally going back to how we used to be, I was so wrong. Another one disappeared from my life.
Nasa may simbahan na ako nang may nakita akong batang babaeng nagtitinda ng rosas. Siguro ay nasa sampung taong gulang na siya. Bakit kaya rosas ang tinitinda niya?
“Kuya, sige na po, bilhin niyo na po ‘to,” sabi ng batang babae sa isang lalaking dumaan.
Bigla siyang sumimangot pagkaalis no’ng lalaki. Kaunti na lang ang dala niyang rosas.
Hindi ko na namalayan ang pagtitig sa kanya. Napatingin din siya sa’kin. Saglit kaming nagkatitigan nang bigla siyang nagsalita.
“Rosas po, ate. Kinse lang ang isa,” sabi niya at inilapit pa ang bitbit niyang mga bulaklak sa’kin.