Chapter 3

417 10 7
                                    

Almost one hour ng naghihintay sa labas ng recording studio si Aubrey. Nangangalay na ang kanyang mga binti. Ayaw syang papasukin ng guard kahit sinabi nyang kilala sya ng musical director na si Andrew Lee, a half-filipino, half-korean na daddy ni Casey. Her relationship with Andrew is quite complicated. They were lovers back then until he admitted that he's inlove with her sister. She was so devastated and hurt. She felt so betrayed. Pero sa laki ng pagmamahal nya kay Andrew at sa ate nyang si Angel, nagawa nyang magpaubaya. They got married and been blessed by a cute little boy named Casey. But their happiness didn't last. After giving birth to Casey, her sister felt ill. After a month, she died. Tinago ni Angel ang katotohanang bawal syang magbuntis or else she will end up losing her life. Ayaw ni Angel na madisappoint si Andrew. Right after her sister's death, nawalan ng amor si Andrew kay Casey. Iniwan nya ito sa pangangalaga ni Aubrey at lumipad si Andrew ng Korea ng walang sabi sabi. That was seven years ago. At eto sya ngayon, pilit uling nilalapit si Casey at ang sarili kay Andrew. The kid grew up well. She taught him well. Kahit kailan, hindi nya siniraan si Andrew sa bata. Kaya naman nasasabik ang batang makita ang kanyang ama.

Mula sa pintuan ng recording studio lumabas ang isang matangkad at gwapong lalaki, si Andrew.

"Andrew!" excited na sigaw nya.

Bahagyang ngumiti si Andrew. "Hey!" niyakap sya. "Its nice to see you here! Gumaganda ka yata?"

Ngblush at tumawa lang si Aubrey. "Its nice to see you too, Andrew. You look great. I mean, you always look great."

"Sorry if I kept you waiting. Importante kasi itong recording namin. Mejo ngkakagulo kami ngayon sa loob. I think i'll be finish in an hour. Mahihintay mo pa ba ako?"

"Oh sure! Kahit maghapon ako dito okay lang sakin, hehehe" nakangiwing sabi ni Aubrey. Nagawa pa nyang ngumiti kahit pilit dahil sa sobrang pamamanhid ng binti nya.

"Doon ka na sa loob maghintay para di ka mangalay." inakay sya ni Andrew sa loob.

"Hay salamat naman. Kanina pa nga namimitig tong binti ko." nakahinga ng maluwag si Aubrey.

Pumasok sila sa malaking recording studio. Nadaanan nila ang ibat ibang poster ng mga kpop groups.

"Wow, they all look so pretty and handsome." random na comment nya.

"Yes, but they're also a pain in the ass. Lalo na yung grupong ngrerecording ngayon. Parang mga bata. Alam nilang recording session ngayon ng album nila kung ano anong pinaggagawang kalokohan." lumabas ang gatla sa noo ni Andrew, halatang naiinis.

Pagpasok nila sa studio 5, nakita nya ang siyam na lalaking nagbabatuhan ng papel sa recording room. Narooong maghabulan at pabirong hinuhubad ang pants ng bawat isa.

"Stay here," Andrew commanded.

Naupo sya sa bangkitong nandoon at pumasok si Andrew sa loob ng recording room.

Bahagyang tumigil ang mga lalake dahil sumisigaw na si Andrew sa pagsaway sa kanila. He was speaking in hangeul kaya hindi nya maintindihan. Lumapit ang isang lalaki, blonde hair, napakaliit ng mata, high cheekbones and a bit shorter than Andrew at tinapik ang balikat nito pero hinawi ni Andrew ang kamay niyon dahilan upang matumba ito. Nagsilapitan na ang ibang kasama ng lalake dahil halatang di nito nagustuhan ang pagtapik nito at akmang susugod na ito kay Andrew. Inawat nila ang dalawa. Napatayo na rin si Aubrey at pumasok sa recording room. Hinila nya si Andrew.

"Lets go. Tama na yan." tumingin si Aubrey sa lalaking kaalitan ni Andrew at binigyan ito ng matalim na sulyap.

Lumabas sila ng recording studio at dumirecho sa kotse ng lalake.

"Damn that asshole! Just because he's the lead singer doesn't mean he had the right to treat me like that!" galit na galit na sambit nito.

"Tama na yan. Ang mabuti pa umuwi na lang tayo. Next time na lang tayo magusap." buntonghininga ni Aubrey.

Yeongwonhee Saranghaeyo (Super Junior Yesung Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon