Tapos ng magluto si Aubrey para sa birthday party ni Casey. Hapon pa naman magpupuntahan ang mga classmates at kaibigan nito kaya naisipan nilang dalhin ang gift box sa coffee shop nila Yesung. Nagbihis silang mag-ina at nagulat sila sa dami ng tao doon. Maraming nakaparadang sasakyan at di magkamayaw ang mga tao sa labas.
"Anak, mukhang di tayo makakapasok. Ang daming tao eh," sinisilip silip nya kung may pedeng daanan.
Napasimangot si Casey. "Bakit kasi ang daming girls na mahilig magkape?"
Natawa na lang si Aubrey. "Let's go. Mamaya na lang ulit."
Akmang tatalikod na sila ng may humintong kotse sa tapat nila at nagbaba ito ng bintana. Narinig ni Aubrey ang boses ng isang babae.
"Coming to coffee shop?" baluktot na english nito. Ngbow si Aubrey at pilit inaalam kung saan nya nakita ang mabait na ginang.
"Annyeong Yesung and Jongjin eomma!" bati ni Casey.
Kumaway ang ginang sa kanila. Nang biglang maalala ni Aubrey kung saan nya nakita ito. "Aahh! Gift shop!"
"Ne. Gift shop ahjumma." Pinapalapit sila sa kotse. Binuksan nito ang pinto at pinapapasok sila.
Sumakay ang mag-ina sa kotse. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Yung babaeng tinulungan nya nung isang araw sa gift shop eh sya palang ina ni Yesung at Jongjin. What a small world.
"We go backdoor." sabi nito habang pinapark ang sasakyan di kalayuan sa coffee shop. "Too muchie people... Front door. Super Junior fans."
Napatango na lang si Aubrey.
Wow.
Talaga palang sikat si Yesung at ang grupo nito as what Andrew said. Speaking of Andrew, panay ang message nito at humihingi ng paumanhin palibhasa hindi nya sinasagot ang tawag nito. Napabuntonghininga sya at narinig ito ng ginang.
"Problem?" tanong sa kanya habang pababa ng sasakyan.
Umiling si Aubrey at ngumiti. "No problem!"
Inakay na sya ng ginang papunta sa backdoor habang hawak nya si Casey sa kabilang kamay. Pagpasok nila sa kitchen binati sila ng mga staffs doon. Kita nya mula sa kitchen na abala ang mga tao sa pagseserve sa labas. Sumilip sya sa maliit na butas at nakita nya ang buong grupo ni Yesung kasama ng ilang kaibigan at kamag-anak. Kinalabit nya si Casey at inabot ang regalo.
"Give this to Yesung hyung and Jongjin hyung."
"Why mommy aren't you coming to greet them?"
"Later. I'll help them first here in the kitchen, now go." Tinulak na nya ang anak palabas.
Nagsuot sya ng apron at tumulong syang maghanda ng mga finger foods. Maglalabas na sana ng isang tray yung babaeng staff pero pinigilan nya ito.
"Let me do it." nagsmile sya dito.
Ngbow ito sa kanya at nagpasalamat. Nakita nya kasing pagod na ito at di magkamayaw sa pagsisilbi. Paglabas nya ng kitchen, nalula sya sa dami ng gwapong lalake. Parang hindi naman ito yung mga kasama ni Yesung sa recording studio noon. Sinerve nya ang tray sa long table at pumasok ulit. Sumunod ang mommy ni Yesung at kumuha din ng mga tray. Pinigilan nya ito.
"I'll do it." Kinuha nya ang bitbit nito.
Ngbow ang ginang sa kanya. "Kamsahamnida." Tinapik tapik pa ang balikat nya.
Pagbalik nya sa table, nakita sya ni Yesung. Nagtatanong ang mga mata nito at sinundan sya pabalik ng kitchen. Nang akmang kukunin na nya ang tray, pinigilan nito ang kamay nya. Nagulat sya dahil sa kuryenteng dumaloy sa pagdidikit ng kanilang balat.
BINABASA MO ANG
Yeongwonhee Saranghaeyo (Super Junior Yesung Fanfic)
FanfictionEverybody deserves a second chance. Whether it's about failed exams, missed flights, dejected applications... and broken hearts. Others thought Paris is the "City of Love" But for Aubrey... she found it in Korea. :) She went to Korea... hoping to ha...