All Right Reserved®
Copyright©2018
Written by ArAruuu|AR Ramos-------------
'Totoo ba talaga ang Tadhana?'
Minsan ayaw nalang nating maniwala, madalas pa nga iwas na iwas na tayo sa kung sino-sino dahil sa takot. Takot na magmahal at masaktan lang ulit.
'Bakit pa? Masasaktan lang din naman ako.'
Naalala ko ang bagay na sinabi sa akin ng lola ko bago siya lumisan. Ang sabi niya "Lahat ng sakit kailangan tanggapin para makapagpatawad at maghilom ang sugat na dinulot ng kahapon. Kailangan kasi palayain mo muna ang sarili mo sa nakaraan para naman hindi ito maging hadlang sa iyong tadhana."
'Hindi ko siya kayang patawarin!'
Ito ang unang bagay na pumasok sa isipan ko nang marinig ko ang sinabi na iyon ng lola ko.
'Iniwan niya ako nang hindi man lang binibigyan ng katanggap-tanggap na rason.'
Dagdag ko pa sa isipan ko. Sobrang lungkot at sakit ng dinulot niya sa akin. Halos ikamatay ko ang pang-iiwan na ginawa niya sa akin.
'Iniwan niya ako.'
![](https://img.wattpad.com/cover/16292685-288-k365096.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)
RomanceSubaybayan ang kwento ng isang babaeng umaasa parin na hanggang ngayon ay matuldukan na ang mga tanong na kay tagal niyang tinago. Mga tanong na ni minsan ay hindi nagkaroon man ng kasagutan. All Right Reserved Copyright 2018 Written by AR Ramos