Chapter 2

113 31 26
                                        

(Thank you ArtGem for constructive criticism. I dedicate this chapter to you, friend.)

Chapter 2

"Anong ginagawa mo dito?" Halos manlaki ang mga bilugang mata ni Fran dahil sa gulat nito nang makita si Ran, isang itong matangkad at makisig na tao na may bilugan na mukha na binagayan ng kulot nitong buhok na hanggang leeg. Porselana ang kulay ng balat nito at may makakapal na kilay na binagayan ng kulay kayumanggi nitong mga mata at mahaba rin ang kanyang pilikmata. Kapansin pansin rin ang tangos ng ilong nito na bumabagay sa hindi kakapalang mapupulang mga labi. Nakasuot din ito ng kulay puting american suit, at itim na sapatos na bagay na bagay rito.

"Para sunduin ka. 'Di na ba kita pwedeng sunduin ngayon?" ang sagot ng taong nasa harapan ngayon ni Fran.

SINIPAT ni Ran ang babaeng nasa harapan niya. Bagay rito ang magulong ayos ng mahaba at itim nitong buhok, may morena itong kulay na bagay sa manipis nitong kilay. Itim at bilugan ang mga mata nito ngunit nagmumukhang maliit dahil sa eyeliner nito. Katamtaman lang di ang tangos ng ilong nito at may kulay rosas at maninipis na mga labi. Bagay rin dito ang suot na baby pink evening dress.

"Are you okay? I said, let's go. Hindi ako pwedeng malate." Parang slow motion na narinig ni Ran ang mga salitang sinasabi ni Fran. Hindi nito maintindihan kung bakit at ano ang nangyayare sa kanya ng mga oras na iyon. Matagal ng magkakilala ang dalawa, magkababata ang mga ito at magkaibigan.

"Yes, Tito. We're on the way. I'm with Ran. Yes, Tito. We'll be there at exact 7. Okay. Bye." Kausap ni Fran sa telepono ang Tito Ben nito na hinahanap na siya. Si Fran ang magpapauna ng programa kaya naman hindi pa makakapagsimula ang mga ito kung wala siya.

Namalayan na lamang ni Ran na nasa harap na sila ng Event Center. Hawak-hawak pa ni Fran ang braso nito na animo'y kinaladkad ang binata papunta sa Event Center.

"Bakit naman ang tagal ninyo? Dapat talaga sumama na ako sa iyo, Ran." ang litanya ng isa pa sa mga kababata ni Ran at Fran, si Laine. Isa itong maliit na babae na may kayumanggi at maikling buhok na kulot sa ibaba. May manipis na mga kilay, may suot rin itong bilugang salamin na bagay sa halong kayumanggi at itim na mga mata nito. Katatamtaman lang rin ang tangos ng ilong nito na bagay sa may kakapalang na kulay rosas na labi nito. Nakasuot rin ito nang kulay rosas na turtle neck long gown.

"Mabuti nga at hindi ka sumama, bago pa kayo makakarating dito." ang apila ni Kenji na nakasuot lamang ng simpleng long sleeve polong asul na nakatuck in sa kulay itim na pants na talagang nagpabata sa itsura nito. May hugis parisukat itong mukha na binagayan ng itim at straight nitong buhok. Makakapal rin ang kilay nito na halos magdikit na sa magaganda nitong mga mata. Matangos rin ang ilong nito na bumagay sa makapal nitong labi.

"Tama na nga 'yan. Nagsignal na si Lesly na magsisimula na, maupo na tayo." ang awat ni Sofia, balingkinitan ang pangangatawan nito kaya naman bagay dito ang suot na itim na jennings gown. Matangkad ito at may maliit na hugis ng mukha habang nakaladlad rin ang mahaba at itim nitong buhok. Medyo makapal ang mga kilay nito na bumagay sa maamong mga mata. Matangos ang ilong at may maninipis na mga labi. Porselana rin ang kulay ng balat at namumula rin ang mga pisngi.

Matapos nga ng pag-awat ni Sofia sa mga kaibigan ay naupo na sila at nagsimula nga ang lahat sa prayer lead ni Fran.

HALOS kalahati na ng programa ng magkaroon ng oras para makaupo sa table ng mga kaibigan si Fran. Marami kasi itong kinausap pa na mga kaibigan ng pamilya nila. Nagkaroon din ng problema sa mga pagkain kaya kinailangan nila dagdagan ang mga putahe.

"Maraming salamat talaga, Laine, kung di dahil sayo, hindi ko alam kung paano ipifill ang buffet table." pagpapasalamat ni Fran sa kaibigang si Laine. Tatlong taon man ang tanda ni Laine kay Fran ay hindi nakasanayan nitong tawaging ate ang kaibigan. Ito ang manager na pumalit sa kanya ng mag-aral siya sa Manila. 

"Ngayon, wala ka nang magagawa at ibibigay mo sa amin ang 2 weeks vacation mo." ang sabi ni Laine na para bang may binabalak itong masama.

Nasa senior high ang magkakaibigan ng mabuo ang Meteor Boomer. This is the only thing that they treasure during those times of hardship. Magkakaiba man sila lahat ng propesyon na gustong kunin nabuo parin ang banda. Si Fran ang unang naging manager ng Meteor Boomer, bago ito pinalitan ni Laine. Alam ng lahat na hindi talaga sa Cavite mag-aaral ng kolehiyo si Fran, pero ganun pa man nagtagal parin ng tatlong buwan ang banda nang hawakan ito ni Laine bago ito nabuwag matapos umalis ng bansa ni Ralph, ang drummer ng banda. Ang unang naging kaibigan ni Ran na lalaki. Nagkakilala ang mga ito sa junior high. Ralph and Kenji are childhood friends but Kenji transfer to another province when he was in junior high, bumalik lamang ito nang magsenior high. Hindi kasi stable ang lugar ng trabaho ng dad niya noong mga panahon na iyon.

Kenji was their lead vocalist and guitarist together with Sofia. Ran is the bass and Ralph is the drummer. During those days, Fran perform the keyboard and at the same time, manager. It was really difficult for her to manage and perform but she made it. When she was gone for college, Meteor Boomer only perform lively song which they don't need keyboardist. They tried to find one but they didn't really want to replace Fran. The sad thing is after three months of performing without Fran, Ralph left without saying anything.

"And now for closing remarks, I want to invite Mr. and Mrs. Thomas to give message to every guest that still here and for their daughter." Matagal din bago sabihin ng emcee ang mga salitang ito.

Nagpasalamat lamang si Ben at Mia sa lahat ng dumalo at ibinigay nito ang mikropono sa kanilang anak na si Lady.

"Ate Fran, Thank you. I have something for you!" Marami pang sinabi si Lady ngunit ang huling sinabi nito ang tumatak sa isipan ni Fran. Lady was not the type that will give something unless there is someone provoking her to do so.

"Did you have any idea what was that kid saying?" ang naguguluminahang tanong ni Fran sa mga kaibigan nito.
------

(Introducing my character wasn't a bad thing. Actually, I really enjoy describing them one by one. So you can imagine whatever face they have, in your thoughts. So how was this update so far? Any deduction of things that will happen?

-Araruuu/Ar Ramos)

Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon