Chapter 8

48 15 5
                                    

Tahimik na natapos sa pagkain ang magkakaibigan na kasabay si Ralph. Walang may gustong bumasag ng katahimikan na iyon hanggang sa magsalita ang bagong dating na si Rio.

"How was everyone?" ang malakas na sabi nito ng makababa ng hagdanan. "Pasensya na kayo at di ko kayo nasabayan sa pagkain. I'm still adjusting."

"Ayos lang, pre. Tagal mong di nagpakita." ang bati ni Kenji na sinalubong ito ng bro-shakehands.

"If you may please excuse me." sabat ni Fran sa pagkakamustahan ng magkakaibigan.

Dumiretso si Fran sa likod-bahay kung saan naroon ang malawak na swimming pool. Agad itong naupo sa Wooden Lawn Chair.

"Sorry, Fran. Hindi ko naman kasi alam na ito pala 'yong lugar na sinasabi ni Rio." ang wika ni Laine na sinundan si Fran.

"Laine, ikakasal ka na pala. Hanggang kailan niyo balak itago samin 'to?" ang pag-iiba ni Fran sa usapan.

"Sasabihin naman namin ni Rio, kumukuha lang kami ng magandang timing. At tsaka isa pa, siya ang pumili na dito kami ikasal sa hacienda. Kaya nga tayo nandito e." ang wika ni Laine.

"Nako Laine, kung may iba kayong pinaplano bukod sa kasal niyo dito ni Kuya Rio iinform niyo ako at nako, mapipilitan akong bumalik ng trabaho at hindi na kunin ang vacation leave ko." ang sabi ni Fran na nangungutob sa iba pang motibo ng magkasintahan.

Matagal ng magkasintahan si Laine at ang kapatid ni Ran na si Rio. Parte ng Meteor Boomer si Rio at ito ang acoustic guitarist ng banda. Hindi agad napansin ni Rio na may pagtingin ito kay Laine dahil sa pagiging lapitin nito sa babae, ilang kasintahan ang dumaan dito bago nito narealize na si Laine ang babaeng gusto nito sa buhay. Kasalukuyan nga itong nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang myembro ng isang sikat na grupo sa NBA kaya naman hindi nito madalas na makasama si Laine. Ganunpaman, hindi nawawalan ng oras ang dalawa sa isa't isa.

"Girl, kung meron man kaming gagawin ni Rio na ikagagalit mo. Para sayo din naman 'to. Ayokong nakikita kang nabubuhay nalang sa nakaraan mo! Girl, anong year na! Hindi ka na bumabata. Palayain mo na 'yong sarili mo sa nakaraan." prangkang sabi ni Laine sa kaibigan.

"Kailangan na ba kitang tawaging ate dahil sa sinabi mo?" sarkastikong tanong ni Fran dito.

"Alam kong hindi ka sobrang dramang tao pagkaharap mo mga kaibigan mo, Franchesca, pero alam ko rin naman na 'yang puso mo durog na durog dahil sa pang-iiwan sayo ni Ralph." mahihimigan ang sensiridad sa tono ni Laine ng sabihin ang mga ito.

"Laine, seryoso hindi kita kilala ngayon. Anong mga kadramahan 'yang sinasabi mo?" ang malungkot na pagbibiro ni Fran.

"Fran, nakita ko yung mga mata mo kaninang umaga. Alam ko kung gano kalungkot yung sinasabi nung mga mata mo." ang patuloy ni Laine.

"So drama mo talaga today. Anong meron?" ang patuloy na pagbibiro ni Fran.

"Nakakainis ka talaga. You didn't take me seriously." ang wika ng sumusukong kaibigan na si Laine.

"Kasi naman kilala ko 'yung loka-lokang Laine." ang pagdadahilan ni Fran.

"'Yan tayo e. So ano ngang plano mo? Nasa poder ka na ni Ralph ngayon. Salamat sa taksil mong kaibigan." ang sarkastikong sabi ni Laine na itinuro pa ang sarili.

"Siguro panahon na nga rin talaga para malaman ko lahat ng katotohanang nangyare." ang sumukong sagot ni Fran.

Wala na sa bokabularyo nito ang magpanggap na malakas. Maging ang magpanggap na hindi nito gustong malaman ang katotohanan sa mga nangyare noon. Natatakot man sa mga malalaman ay gusto niya ng ihanda ang sarili sa lahat ng kanyang mga maririnig.

'Tama na siguro ang 11 years na pagpapanggap at pagtanggi,' ang isip isip ni Fran at pagkukumbinsi sa kanyang sarili.

----
(Abangan niyo ang paghaharap ni Ralph at Fran pero bago 'yon marami pang pwedeng mangyare😂😂)

Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon