"Ralph, ang tagal kong naghintay... na sabihin mo 'yan sakin pero sampung taon? Sampung taon, Ralph. Almost 11 years." sarkastikong sumbat ni Fran.
"Fran, please let me explain myself. I know my fault but please listen to me first. Di ko naman sinasadyang iwanan---" bago pa man matapos ni Ralph ang sasabihin ay nagsalita ng muli si Fran.
"THAT'S..THAT'S Arghh... Di sinasadya? DI SINASADYA? RALPH, SERYOSO KA BA? NARIRINIG MO BA 'YANG SINASABI MO? 11 YEARS BUT YOU DIDN'T MEAN IT?" nag-iinit na sumbat muli ni Fran. Hindi nito mapigilan ang mga salitang bigla na lamang lumalabas sa kanyang mga labi, tila ba naging insulto sa pandinig ang sinabi ng Ralph.
"Pakinggan mo naman muna ako. Pinilit kitang hanapin, maniwala ka." ang nagmamakaawang pakiusap ni Ralph.
"PINILIT HANAPIN?" sarkastikong sinabi ni Fran ito at tumawa ng malungkot. "Ralph, from the very beginning, you know where I live. You didn't even visit me even a day in that 11 years. So now, tell me. PINILIT MO AKONG HANAPIN! PINILIT?" pinagdiinan nitong mabuti ang bawat salita.
"I know that you have all the rights to be mad at me but Fran, let me explain everything please." hindi na alam ni Ralph ang tamang sasabihin.
"Stop it, Ralph. WE ARE ALREADY DONE, 11 years ago. So why do I need to listen? And why do you need to explain either?" ang litanya ni Fran.
"Please..." nagmamakaawang sabi ni Ralph na lumuhod na sa harapan nito.
"Mr. Flores, I am really interested about the proposal. So please, if you don't mind. I want to reschedule this meeting but with Mr. Vergara. I'm leaving now." Lumabas ng pintuan si Fran matapos sabihin ang mga salitang ito.
Nagpapanggap lamang itong malakas sa harapan ni Ralph ngunit ang totoo ay nasasaktan rin ito at gustong malaman ang katotohanan. Maraming tanong ang gusto nitong ibato rito, ang mga bakit niya na kaytagal niyang gustong magkaroon ng kasagutan.
"Fran? Anong nangyare? Nagmamadali kaming pumunta dito matapos sabihin ng maldita mong pinsan na makikipagkita ka kay..." Hindi na naituloy pa ni Sofia ang sasabihan ng sikuhin ito ni Kenji.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangya..." Hindi rin naituloy ni Kenji ang sasabihin ng sikuhin naman ito ni Sofia.
Pinunasan ni Fran ang kanyang mga pisngi at umiwas ng tingin sa mga kaibigan. Di nito alam kung bakit hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.
'Stupid, 11 years. C'mon stop crying!' bulong ni Fran sa sarili.
"Fran..." Nagulat ang lahat ng magkakaibigan ng makita mula sa pintuang pinaglabasan ni Fran si Ralph. Nanlaki ang mga mata ng mga nito at tila hindi makapaniwala.
"Fran, please. Let me explain!" habol na pagmamakaawa pa rin ni Ralph.
Hindi ito pinansin ni Fran bagkus ay dumiretso ito mula sa exit door.
"Pare, tama na!" ang awat ni Kenji.
"Sandali, sino ka ba? Umalis ka nga sa dadaanan ko." sabi ni Ralph na mas lalong nagpagulat sa reaksyon ng magkakaibigan.
"Ikaw ang sino ka ba? Di ka na namin kilala, pare. Ibang iba ka na." ang sabi ni Ran na nagkaroon ng kaonteng pagkainis sa dati nitong kaibigan.
"Wait. I'm really serious. Who are you guys? I don't have any idea." ang sagot ni Ralph na naguguluhan na rin.
"C'mon! Tell me Kenji, did my face change for the past 11 years?" ang sarkastikong tanong ni Ran kay Kenji.
"Hey wait. Just leave him alone. Tara na! Hindi ba dapat pinupuntahan natin si Fran." ang awat ni Sofia sa pagtatangkang pag-aaway ng mga ito.
Sumang-ayon ang lahat. Paalis na ito nang magsalitang muli si Ralph.
"Wait. If you guys are Fran's friends. Can you please say to her that something happened to me 10 or 11 years ago? Just please. Say to her, please." ang sabi ni Ralph na hindi naman na pinansin ng magkakaibigan.
HINDI alam ni Fran kung saan pupunta, patuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa dulo ng dalampasigan. Wala itong maintindihan sa mga nangyayare. Wala itong ideya kung bakit ayaw tumigil ng mga mata nito sa pagluha. Halos magsama-sama na nga ang sipon, laway at luha nito dahil sa patuloy na pag-iyak.
"BAKIT RALPH? BAKIT NGAYON KA PA DUMATING?" sigaw ni Fran sa kawalan at napatigil sa paglalakad at napaupo na lamang sa buhanginan. "Tahimik na ako, Ralph? Tahimik na." ang dugtong niyang bulong sa sarili.
"Ralph, bakit ka pa bum...bumalik? Ba..bakit pa?" panay ang paglilitanya nito sa kawalan at panay ang paghagis ng mga batong nadadampot nito sa pampang.
"Umiiyak ka nanaman," Nagulat si Fran ng marinig ang kanta ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.
"Can you please leave me alone!" ang pagtataboy ni Fran dito.
"They are all waiting for you. O baka naman gusto mong may mabugbog muna uli ng mga nakakatakot mong salita? I always fine and ready." ang sarkastikong sagot naman nito.
"Just go! Just give me one day. Just please. I will follow you after this day. I really want to be alone." ang iritableng sagot ni Fran.
"Franchesca Moretz? Seriously? The most sociable person of cavite wants to be alone? Are you kidding me?" ang pagbibiro nito.
"Just leave me alone, Ran. I know you suffered so much before because of me. Now, I'm choosing to be alone para naman hindi ka nadadamay sa problema ko. You're always there. Kailan mo ba iisipin ang sarili mo, Ran?" seryoso nitong sagot.
"Gusto mo bang samahan kita? Ayos lang sakin. Wala naman akong gagawin. I will text ate na umuna na sila." Parang walang narinig si Ran na umupo pa sa tabi nito at kinuha ang phone sa bulsa para sabihin kay Laine na umuna na sila.
"Ran..."
"Shhh... I don't want to leave you like this. Do you remember the day when you find your crush having a crush? You cried so hard na parang wala ng bukas. I laugh so hard too 'coz you're just a little girl." Hindi pinansin ni Ran ang sinasabi ni Fran bagkus ay nagkwento pa ito.
"Engr. Raine Teri, can you please shut your mouth." naiirita na sabi ni Fran.
"Then, the next day you were so happy because you knew that your crush doesn't like his crush anymore" pagpapatuloy na pagkukwento nito.
"Oh yeah. I remember that day. Sino nga ba uli yun? Si Da? Oo, si Da. He's too arrogant, but I find him so cool." ang pag-alala ni Fran sa dati nitong nagugustuhan na si Da.
"Hindi ka nga nagkachance na makilala talaga siya kasi mga ilang weeks lang ang balita mo umalis sila ng bansa." ang patuloy na pag-iiba ni Ran sa usapan.
Pinilit ni Ran na ilayo ang usapan kay Ralph. Alam nito ang tunay na nararamdaman ng kaibigan. Matagal hinanap ni Fran ang dating nobyo na si Ralph. Kamakailan lamang ito tumigil at gustong pakawalan ang sarili mula sa nakaraan ngunit tila hindi umaayon ang tadhana sa mga plano nitong mangyari. Malaki pa rin ang pasasalamat nito kay Ran dahil kung di dahil dito ay hindi niya kinaya ang pang-iiwan ng dating nobyo.
"I want to say something."

BINABASA MO ANG
Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)
RomanceSubaybayan ang kwento ng isang babaeng umaasa parin na hanggang ngayon ay matuldukan na ang mga tanong na kay tagal niyang tinago. Mga tanong na ni minsan ay hindi nagkaroon man ng kasagutan. All Right Reserved Copyright 2018 Written by AR Ramos