Villa Lilia Resort
September 17, 2018, 4 amMadaling araw nang magising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Fran dahil sa malakas at patuloy na pagtunog ng kanyang telepono. Mula sa side table nito, inabot niya ang kanyang teleponong hindi parin tumitigil sa pagtunog.
Bago nito sagutin ang tawag ay umupo ito mula sa kanyang kama na pupungay pungay pa rin ang mga matang sinipat kung sino ang tumatawag.
Tito Ben Thomas Calling...
"Hello Tito?" mahinahong sabi nito mula sa telepono.
"Goodmorning, Fran. Sorry for calling you this early in the morning, Tita Mia and I will be delayed in flight here in Hongkong. I just want to let you know that we will be there in the afternoon. So, I entrust everything to you for the event of our daughter. Okay?" ang mahabang paliwanag ni Ben sa kanyang pamangkin na si Fran.
"Okay, Tito. See you later. Take care of Tita Mia and her baby. Please make sure that you will be here in the afternoon. You know Lady, she didn't want you three missed her debut." Kilalang kilala na ni Fran ang pinsan na si Lady, sobrang spoil at gustong laging nakukuha ang gustuhin nito.
"Yes, I will. Please make sure that all Lady wants will be granted. Okay?" ang patuloy na paalala ni Ben kay Fran.
"Aye aye, Tito." ang walang buhay na sagot ni Fran. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Fran na susundin ni Ben ang lahat ng gustuhin ng anak na si Lady. Napakahigpit kasi nito noong bata pa siya at hindi man lang ibili ng kahit na anong gustuhin niya.
"Okay, bye." Hindi pa 'man nakakasagot si Fran ay naputol na ang linya.
Matapos ang pagkausap ni Fran sa kanyang Tito Ben ay tumayo ito at pumunta sa veranda ng cabin na tinutuluyan niya. Madilim pa ang paligid pero pinili parin nitong tumayo at pumikit upang damahin ang hangin at pakinggan ang patuloy na paghampas ng alon mula sa dalampasigan.
Makalipas ang ilang mga minuto ng pag meditate nito ay biglang tumunog muli ang kanyang telepono. Pumasok ito sa loob ng kwarto at kinuha ang teleponong patuloy sa pagtunog na nasa side table.
Laine Anderson Calling...
"Hello?" ang pagbati ni Fran kay Laine.
"Fran, ayos lang ba na agahan namin ang pagpunta sa Villa Lilia? Ito kasing si Ran, gusto ka na makita. Pacheck out na kami, di daw sila makatulog kasi excited na sila makita ka." ang tanong ni Laine sa kabilang linya.
"Hindi ko sinabi yan ah." ang sigaw ni Ran mula sa kabilang linya.
"Kunwari ka pa!" ang asar ng boses ni Kenji.
"Ayos lang naman, meron lang tayong dadaluhan na debut bago ang bakasyon ko." ang sagot ni Fran sa tanong ni Laine.
"Yes!" Sabay sabay na sabi nang mga tao sa kabilang linya.
"Ah sige, pasensya ka na ah. Maaga kasing nakarating ng hotel si Sofia kumpara sa inaasahan kaya ayaw na nilang ipagpabukas pa ang pagpunta dyan." ang sagot ni Laine.
"Ayoko narin kasi magbayad ng extra day dito sa hotel." ang sigaw ni Kenji mula sa kabilang linya.
"Ayos lang, Laine. Ingat kayo." ang sagot ni Fran.
"Sige salamat. See you later!" Bago pa man marinig ni Fran ang mga pagsasaya ng mga tao sa kabilang linya ay pinatay na ni Laine ang tawag.
Muling sinipat ni Fran ang orasan at nang makitang alas singko na ng umaga ay tinawagan nito ang sekretaryang si Lesly.
Lesly Martin...
"Goodmorning Ate Les, please cancel my meeting today with Natural Beauty, also please reserved 1 family cabin and assign Alicia to guide my friends sa cabin na tutuluyan nila. Okay?" Habang naglalakad si Fran mula sa kwarto ay pinaliwanag nito ang dapat na gawin ni Lesly kasama na ang pag-asikaso sa big event ng pinsan na si Lady.
"Yes, Ma'am. I contacted Chef Denis to prepare for the event later. I also contact persons that will be in charge to handle Ms. Lady for everything." ang pagkumpirma ni Lesly sa lahat ng sinabi ni Fran sa kanya.
"Remind me before 2 in the afternoon that I need to go at the airport." ang pagpapaalala ni Fran kay Lesly bago nito pinatay ang tawag.
Madalas kasing makalimutan ni Fran ang mga lakad niya sa dami ng inaasikaso nitong paperworks. Sa dami nga ng gawain nito ay madalas na silang magtalo ng magulang tungkol sa pag-aasawa nito.
'It wasn't easy to handle a resort!' ang laging sinasabi nito sa magulang na makulit siyang hinahanapan ng asawa.
'In God's timing, Mom!' isa pa nga sa paborito niyang sabihin sa nanay niya.
Matagal narin simula ng maghiwalay sila ng dating nobyo na si Ralph. Iniwan siya nito ng wala man lang pasabi. Nalaman niya na lamang na wala na ito sa Pilipinas isang araw at hindi man lang nagparamdam sa kanya. Anim na buwan din walang buhay at nalumbay si Fran bago ito naimbitihan sa simbahan at makikilala ng lubos ang Panginoon.
'It wasn't easy at first na patawarin siya,' ang lagi niyang sinasabi. Lagi pa nga rin nitong naiisip paano kung magkita silang muli. Hindi nito alam ang gagawin.
Nawala sa malalim na pag-iisip si Fran ng tumunog ang alarm nito na nagsasabing kailangan niya ng mag-asikaso papunta sa office niya.
NATAPOS ANG MAHABANG maghapon ni Fran, kasalukuyan na itong nag-aayos ng sarili para sa debut ng pinsan na si Lady.
Laine Anderson Calling...
"Hindi mo naman kami ininform na buong maghapon ka naming di makikita at makakasama." ang litanya ni Kenji mula sa kabilang telepono.
"Pasensya na kayo. Bukas pa ang official na vacation ko. Special event lang ang debut ng pinsan ko kaya ako makakaattend." ang paliwanag ni Fran na talagang mahihimigan ang pasensya nito.
"Buti nalang mabait itong si Alicia at sinamahan kami buong maghapon." ang dagdag ni Laine na pinupuri ang pag-asikaso ni Alicia sa kanila.
"Magkita nalang tayo sa event center, di ko na kayo madadaanan dyan sa cabin niyo. Sasamahan kayo ni Alicia papunta dun. See you later!" Hindi man gustong patayan ng telepono ni Fran ang mga ito ngunit kailangan niyang maabutan ang simula ng event.
Nagmamadali na itong lumabas nang pintuan ng cabin niya ngunit ng buksan niya ang pintuan ay nagulat ito sa nakita.
"Anong ginagawa mo dito?"
--------
(Until the next time, I really looking for some inspiration to revised this story. This was a part of my past work when I was 16, so I am really trying to cope the concept and try to revise the whole story. Hope you like it!
-Ar Ramos)

BINABASA MO ANG
Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)
RomansaSubaybayan ang kwento ng isang babaeng umaasa parin na hanggang ngayon ay matuldukan na ang mga tanong na kay tagal niyang tinago. Mga tanong na ni minsan ay hindi nagkaroon man ng kasagutan. All Right Reserved Copyright 2018 Written by AR Ramos