Halos mabingi si Fran sa mga sinabi sa kanya ni Ran.
"Fran, are you still there?" ang tanong ni Ran sa kaibigan.
"Anong sabi mo?" ang hindi makapaniwalang sigaw ni Fran.
"Sabi ko, si Ate Laine kako ikakasal na sila ni Kuya. Ikaw ang unang nakaalam sa lahat ng magkakaibigan. Balak nilang iannounce pagdating sana ni Kuya kaso para di ka na masyadong magulat sinabi ko na." ang sabi ni Ran.
"Are you trying to distract me about being broken hearted and thinking about Ralph again. Kanina ko pa napapansin." ang litanya ni Fran.
"Fran, ang sakin lang naman. Pagalingin mo na 'yang puso mo. Buong buhay mo nakakulong ka sa nakaraan. Hindi mo man lang napapansin yung mga taong laging nandyan at naghihintay sayo." ang sabi ni Ran na pahina ng pahina ang pagkakasabi ngunit maliwanag paring narinig ito ni Fran.
Isang mahinang batok ang inabot ni Ran kay Fran.
"At saan mo naman natutunan 'yang mga pinagsasabi mo? At sinong laging nandyan na naghihintay?" sarkastikong sagot nito at nagpalingon-lingon sa paligid na akala mo ay may hinahanap. "May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" patuloy nito sa pagsasalita.
"Hays, nakakainis talaga 'yang ugali mo kapag tayong dalawa lang magkasama e. Alam mo wish ko sayo sana hindi ka magkaasawa..." ang reklamo ni Ran na hindi naman halos naintindihan ni Fran ang dulong sinabi nito sa sobrang hina.
"Alam mo, ikaw din. Kasi kawawa yung magiging asawa mo. Dyan ka na nga, panira ka ng pag-eemote ko." ang litanya muli ni Fran at saka ito tumayo at iniwang mag-isang nakasalampak sa buhanginan si Ran.
"Tagumpay!" ang masaya at tumatawang wika ni Ran bago ito tumayo at sumunod sa tinatahak na landas ni Fran.
NABASA na ng magkakaibigan ang destinasyon ng kanilang bakasyon. Nakaimprintang sa isang arkong kanilang pinasukan ang malalaking at magagandang sulat ng pangalan nito, ang HACIENDA FLORES.
"Seriously Laine? Anong trip mo at hacienda pa naisipan mong pagbakasyunan natin?" ang tanong ni Kenji.
"Ang sabi niyo, wag tayo sa madaming tao." ang sagot ni Laine sa tanong ni Kenji.
"Hindi naman ako nagsabi 'non. Baka itong artista natin." ang asar ni Kenji na inakbayan pa si Sofia.
Sofia is one of the famous singer and artist in the Philippines. Ipinagpatuloy nito ang pangarap na pagkanta kahit pa nabuwag na ang bandang kanilang binuo.
"Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi man lamang nagkaroon ng nobyo 'yang si Sofia." ang sabat ni Ran.
"Hinihintay ata ako, pre." ang pagbibiro nanaman ni Kenji.
Nasa iisang van lamang ang magkakaibigan. Sa unahan nakapwesto si Laine kasama ang driver. Samantalang, nasa sulok at tabi ng bintana si Fran at sa kanan nito si Sofia. Katabi naman nito sa kanan si Kenji at sa kanan ni Kenji ay si Ran. Samantalang, nasa likuran lahat ng gamit ng magkakaibigan.
"Nako, Kenji. Kilabutan ka sa mga sinasabi mo." ang sabi ni Sofia na tinanggal ang pagkakaakbay ng binata.
"Sofia, alam naman ng mga kaibigan natin na may gusto ka sakin e." ang mayabang na sabi ni Kenji.
"Excuse me, Ken. Nagkagusto! Hindi may gusto. Wag kang assuming dyan." ang naiiritang sagot naman ni Sofia.
"Ganun din 'yon." ang sagot naman muli ni Kenji.
"At isa pa highschool pa tayo 'non." ang dugtong pa ni Sofia.
"Kayong dalawa, tamana nga 'yan. Malapit na tayo sa mansyon, ang alam ko sa makalawa pa darating yung anak ni Don Rafael. Kaya si Ate Jeanne muna ang mag-aasikaso sa atin." ang awat ni Laine.
Maya-maya nga lamang ay nasa tapat na ng mansyon ang sasakyang inookupa nila. Agad silang sinalubong ng masiglang bati ng butihin at may edad na rin na kasambahay ng mansyon na si Jeanne kasama ang asawa nitong si Mateo.
"Maligayang pagdating sa Hacienda Flores." ang masiglang bati ng isang dilag na nagmamadaling tumakbo patungo sa magkakaibigan.
"Ay nako, pagpasensyahan niyo na iyang anak namin na si Jenny. Ganyan talaga 'yang bata na iyan. Pwede niyo na hong iakyat ang mga gamit ninyo sa mga kwarto." ang hingi ng paumanhin ni Jeanne.
"Okay lang po 'yun, Ate Jeanne." ang sagot ni Laine. "Sandali po at papalabasin ko na po ang mga kaibigan ko." ang patuloy ni Laine saka nito pinalabas na mula sa sasakyan ang mga kaibigan para maiakyat na ang mga gamit ng mga ito.
Nakalabas na mula sa sasakyan at nakapasok na sa mansyon ang lahat ngunit nanatili paring nakatanaw sa maluwang na sakahan si Fran. Nakatulala ito at tila malayo ang iniisip.
"Ate, ayos lang po ba kayo?" ang tanong ni Jenny habang kinakalabit si Fran.
"Oo, ayos lang ako. Mauna ka ng pumasok at susunod na lamang ako." ang sagot ni Fran.
"Sige po ate. Jenny nga po pala ang pangalan ko, tawagin niyo lang po ako 'pag may kailangan kayo." ang sabi ni Jenny bago ito umalis.
BINABASA MO ANG
Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)
RomansaSubaybayan ang kwento ng isang babaeng umaasa parin na hanggang ngayon ay matuldukan na ang mga tanong na kay tagal niyang tinago. Mga tanong na ni minsan ay hindi nagkaroon man ng kasagutan. All Right Reserved Copyright 2018 Written by AR Ramos